Chapter 1
//Calum//
"May gagawin ka ba mamayang awasan?"
Binuksan ko ang aking bag at kinuha sa loob nito ang aking ear pods.
"Kung wala, samahan mo naman ako."
Isinuot ko ito sa aking tenga.
"Balita ko kasi ay may bagong bukas na K-TV sa may amin."
Itinodo ko ang volume sa phone ko upang hindi marinig ang kung ano mang pinagsasasabi ng babaeng 'to dahil wala naman akong paki sa kaniya pero wala itong silbi. Rinig na rinig ko pa rin ang pagdaldal niya.
"Samahan mo ako? Maganda ro'n. Malaki ang mga room at sound proof pa! Mura lang-"
"Can you please shut the f**k up?!" tanong ko, anger can be heard at my tone.
Kanina pa ako nagtitimpi sa babaeng 'to e.
Padabog akong tumayo mula sa aking pagkaka-upo. Naglakad ako papalabas ng room.
Nawalan na ako ng gana kumain.
Paano ba naman. This Pennywise girl keeps on blabbing nonsense things to me and guess what, noong first subject pa!
[FLASHBACK]
"Calum, sa tingin ko ang taray masyado ng teacher na 'yan. Attitude e," bulong niya sa akin nang simulan ng babaeng guro sa unahan ang kaniyang pagtuturo.
Hindi ko siya pinansin. I tried to focus on our lesson. Ayoko namang bumagsak sa first-
"Look! Ang attitude e! Ang tanda-tanda niya na pero ang taray-taray pa rin. Menopause na siguro 'yan."
I raised my hand upang makuha ko ang atensyon ng aming guro at nagtagumpay naman ako.
"Yes, Mr. Tuckerman," tawag sa akin ng aming adviser.
Tumingin ako sa babaeng clown na katabi ko at nginitian siya—an evil smile. "Ito pong babaeng katabi ko ay ini-isip na masyado raw po kayong mataray para sa edad niyo. Kanina pa po siya bulong nang bulong about sa inyo."
Akala ko ay titigil na ang babaeng 'yon sa kakadada habang nagkaklase kapag pinagalitan siya ng guro pero mali ako. Dinadaldal niya pa rin ako pagdating ng second sub, ng recess at kahit ngayong lunch break!
I'm done with that s**t! How did I even ended up sitting next to her?!
Nawalan na tuloy ako ng gana kumain.
Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan alam kong mapapawi ang aking pagka-inis.
Nakatayo ako ngayon sa harapan ng isang napakalaking puno na sa sobrang taas nito ay na-abot niya na ang rooftop ng 3 story building kung nasaan ang room namin. Ang mga mayayabong at luntian naman nitong dahon ay ang nagbibigay ng lilong sa espasyong nasa ilalim ng puno kung nasaan ang masaganang damuhan na napaliligiran ng mga bulaklak.
Napakapayapa.
Ito ang pinakaaborito kong lugar dito sa buong school dahil dito, malayo ako sa sigawan ng mga tao. Malayo ako sa maingay nilang mundo. It gives me the comfort that I can't feel anywhere else. Ito rin ang dahilan kung bakit paborito ko ang kaliwang seat sa room. Nasa likod lang kasi ito ng aming building. Pero for the very first time, hindi ako ang naka-upo sa pwestong iyon!
It was because of that girl earlier-ARGH!
I don't wanna think of that again!
Lumapit pa ako sa puno. Handa na sana akong umupo sa damuhan nito pero may nakita akong isang pirasong papel dito.
Who the hell dare to throw their trash here?!
Dinampot ko ang kapirasong papel na 'yon bago ako umupo sa damuhan. Nagkamali ako. Hindi ito isang basura. Sinadya itong ilagay dito para sa isang rason...
Binaliktad ko ang maliit na pink envolope upang tingnan kung anong nakasulat rito.
"To." And that reason... "Calum Tuckerman" is me.
Agad kong binuksan ang envelope at sumilay sa akin ang isa pang pink na papel sa loob nito. Inilabas ko ito at sinimulang tanggalin sa pagkakatupi kasabay ng malakas na pag-ihip ng sariwang hanging.
Binasa ko ang nasa loob nito, "Meet me at the abandoned classroom after class hours."
And I did what was written there.
Naglalakad na ako ngayon sa hallway papunta sa abandonadong room sa building na katapat ng amin. Nakakapanibago lang dahil ang tahimik ngayon habang naglalakad ako sa hallway. Wala na kasi masyadong studyante sa mga oras na ito.
Sa malayo pa lang ay natanaw ko na ang isang imahe ng babaeng. She has a long black straight hair na umaabot na hanggang sa kaniyang baywang. Napangiti ako noong makita ko siya. Fitted ang kaniyang blouse, sapat lang upang ipakita ang hubog ng kaniyang katawan. Ang skirt niya ay 'di hamak na mas maikli kaysa normal nitong haba. Short enough to let me see her bouncy big butt.
Mukhang naka-jackpot ako ngayon ah. Nasuklian din lahat ng pagka-inis ko kanina.
Bahagya akong huminto sa paglalakad. "Miss," tawag ko sa atensyon niya.
Mukhang nakabingwit na naman ako ng isang-
"Ano ba? Hindi mo nakikitang may ka-usap ako sa phone ko?"
Isang hipon?!
Napa-atras ako kasabay ng paglaki ng mga mata ko dahil sa aking nasilayan noong iharap niya sa akin ang mukha niya.
"C-Calum?" Kita rin sa mukha niya ng pagkagulat at mas lalo itong dumagdag sa kapangitan niya. I can't stand her face. Trust me, kung kayo ang nakatayo ngayon sa harapan niya, malamang sa malamang ay nasuka na kayo. "Are you really the Calum? The comple-"
I immediately cut her off, "Yes. I'm the Complete Package Calum."
Mas lalong nanlaki ang mga mata niya at halos lumuwa na ito. Kinginang mukha 'yan. Sinong makakatiis na titigan 'yan?
Bago niya pa magawa ang binabalak niya ay iniharang ko na sa harapan niya ang isang pink na envelope. "Why did you want me to go here?" plain kong tanong.
Kita sa mukha niya ng pagkalito dahil nalukot ang buong balat nito, hindi lang sa noo. What the f**k.
"Why did you gave this?"
Mas lalong nalukot ang buo niyang mukha na para bang hindi niya alam ang itinatanong ko.
"Why. Did. You. Gave. This," I repeated myself angrily pero mukhang wala akong mapapalang sagot sa kaniya kun'di ang masagwa niyang reaksyon. "So you're not the one who gave this to me?"
Umiling-iling siya.
Ibinaba ko ang aking kamay at mariin na pinikit ang aking mata.
"Leave," galit kong utos sa kaniya.
Idinilat ko muli ang aking mata, inaasahang wala na siya pero she's still here! Standing in front of me with that ogre like face!
Nagsalubong ang kilay ko kasabay ng pagkuyom ng aking kamao.
"I said," Nakita ko ng takot sa kaniyang mukha, "LEAVE!" And in an instant, mag-isa na lang ako.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid upang tingnan kung may iba pa bang tao pero wala.
Then who the f**k gave this? Sino ang gagong pagti-tripan akong papuntahin dito? Well f**k her! f**k him! O kung sino man ang gagong nagbigay nito!
Mukhang hindi na ako makabibingwit ng mga magagandang sirena-
"I gave that."
Mabilis kong napalingon sa aking likuran when I heard a soft voice but I saw nothing.
"I'm here."
I walked closer to the abandoned room. The sweet soft voice was coming in there. Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob nito at doon ko siya nakita.
May isang babaeng nakayukong nakatayo ngayon sa aking harapan. She was shorter than me. She, also, has a black hair but it was shorter too kung ikukumpara sa buhok ng hipon kanina... Nahahati ang buhok niya sa dalawa at pareha itong naka-trintas.
"Ikaw ang nagbigay nito?" Muli kong ipinakita ang hawak kong pink envelope.
Tumango-tango siya pero nanatili siyang nakatingin sa sahig habang ang dalawa niyang kamay ay nasa kaniyang likuran.
Oh what a cute little girl being shy with a handsome guy.
Lumapit ako sa kaniya saka hinawakan ang kaniyang baba at pwersahang itinaas ng kaniyang ulo upang masilayan ko ang kaniyang histura pero agad ko rin siyang nabitawan. Ipinunas ko sa aking pantalon ang kamay na ipinanghawak ko sa oily niyang baba.
Ang pangit niya rin!
Her thick round black eyeglasses welcomed me. May bangs siya na abot hanggang kilay. Tapos 'yung mukha niya ay pwede ng pagpirituhan dahil sa sobrang oily nito. Punong-puno rin ito ng naglalakihan at nagpuputukang tigyawat.
What was with this school?
Bakit parang ako na lang ang natitirang magandang nilalang dito? Wala na ba talagang puwedeng makatapat ng itsura ko? Sabagay, nag-iisa nga lang pala ang Calum sa buong mundo.
"Bakit mo naman ako pinapunta rito?" diretsuhan kong tanong dahil wala na akong oras para sa mga bagay na ito.
Muli niyang itinungo ang kaniyang ulo. Mas tama pala 'yan. "Itago mo 'yang masagwa mong mukha," bulong ko. Maawa ka naman sa mga taong makakakita nan, maawa ka sa mata nila—namin.
"I, Kawari Chenji," Nagsimulang tumaas ang boses niya. Ba't ka sumisigaw? "likes you, Calum Tuckerman!"
And for a minute, I was left speechless... And so was her.
"Uhm... okay. Miss Kawali-"
"Kawari."
I rolled my eyes, "Miss Kawali-"
"Kawari!"
"Fine! Miss eyeglasses, sa tingin ko ay gutom lang 'yan." Sinimulan ko ang paglalakad papalapit sa pintuan. "So, I better leave now. Grab something to eat before going home." Tuluyan na akong lumabas ng room na iyon at iniwan siyang mag-isa.
So that's it? I waste my fuckin' time just for her? You gotta be kidding me. Kaninang umaga pa—
Napahinto ako sa paglalakad noong maramdaman kong may humawak sa polo ko mula sa likuran. Lumingon ako at nakita si Miss Eyeglasses na nakayuko pa rin.
"What now?" Kingina 'pag ako talaga napuno. Kaninang umaga pa ako badtrip.
Inalis niya mula sa kaniyang likod ang isa niya pang kamay. May hawak siyang isang box dito at inia-abot niya ito sa akin.
"Look. Miss, I don't like you. Wala ka ring pag-asa sa akin, so please? Tumigil ka na." Tinabig ko ang madungis niyang kamay na nakahawak sa aking polo saka ulit ipinagpatuloy ang aking paglalakad pero muli akong napahinto noong humarang siya sa daan.
Naka-yuko pa rin siya habang inia-abot ang pulang box na iyon sa akin.
"Miss bingi ka ba? Ang sabi ko, wala kang pag-asa sa akin. At ano naman 'yan?" Napupuno na ko sa babaeng ito.
"C-chocolate... Homemade chocolates," nanginginig niyang sagot.
Itinulak ko papunta sa kaniya ng box na iyon. "Sa tingin ko ay mas kailangan mo 'yan."
Maglalakad na sana ulit ako kaso ini-abot niya ulit ito sa akin at natamaan ako sa dibdib.
Okay. I tried to control myself but you're just so anoying.
Hinampas ko ang kamay niya. Hard enough upang mabitawan niya at tumalsik ang box ng tsokolate. Kitang-kita ko ang pagtalsik at pagbukas ng kahong iyon. Tumilapon sa iba't ibang direskyon ang mga tsokolate mula sa loob nito.
Ibinaba niya ang kamay niya at mariin itong hinimas. A few moments later, nakita kong may mga butil ng tubig ang pumapatak sa kaniyang sapatos.
"Oh. You're a crybaby rin pala?"
Imbis na pansinin ako ay umupo siya sa sahig upang pulutin ang mga nagkalat na tsokolate. Rinig na rinig ang pag-iyak niya na para ba siyang isang sanggol. Napatingin ako sa kaniyang kamay at napansing puno ito ng band aids at namumula na ito. Dugo ba iyon?
Hindi ko na rin siya pinansin. Iniwasan ko siya at muling ipinagpatuloy ang aking pag-alis.
Nang makalayo ako ay narinig ko pa siyang nagsasalita.
"I won't stop. Hindi ako susuko hanggat hindi kita—"
Before she could even finish her words, tumama na sa mukha niya ng pink na papel na ibinato ko.
"Bullseye!"