Halene Pumayag siya sa imbitasyon ni Neo. Sabi niya sa kanyang sarili ay pilit na niyang iiwasan ito ngunit kapag kaharap na niya ang binata ay tila napapa-oo siya sa lahat ng gusto nito. Tinext nito ang lugar kung saan sila manananghalian, pagkapark niya ng kanyang sasakyan ay pinuntahan na lamang niya ito. "Hello" hinila niya ang upuan sa harapan nito at umupo doon. "I already ordered, I hope you don't mind" sabi nito "It's okay" tahimik lang sila habang nag aantay ng pagkain. Hindi niya alam kung paano magsisimula ng pag-uusapan sa binata. Parang kagabi lamang ito ang iniisip niya, ngayon asa harap na niya ito ay puwede na niyang itanong lahat. Ngunit ayaw niyang maguluhan ito, ayaw na niyang masira ang relasyon nito sa pamilya. Bumuntong hininga uli siya ng malalim. "Alam

