Chapter 1- Unexpected Call
Halene
Malalakas na ring ng cellphone ang gumising sa kanya. Tiningnan niya ang digital na orasan sa gilid ng kanyang kama, alas dos na ng madaling araw. Maaga siya natulog ng araw na iyon sapagkat kakatapos lang kanya project bilang isang arkitekto ng isa sa mga malalaking firm company dito sa Pilipinas. Bumuntong siya ng malalim at kinabahan, ayaw na ayaw niya na may tumatawag ng ganung oras dahil very un usual para sa kanya na may tumatawag ng alanganing oras. Tiningnan niya ang kanyang cellphone, napakunot noo siya ng makita ang pangalan ni Nika, kapatid ng kanyang nobyong si Joshua.
“Hello, Nika” bigkas niya na may pag kuskos ng mata
“A-ate Halene…..” panimula ni Nika, humahagulgol.
Biglang nawala ang antok niya at napalitan ng pag-aalala sa tugon nito.
“Nika? Why are you crying? Is everything alright?” tanong niya ng may halong pag-aalala. Kapatid na ang turing nya kay Nika dahil nagiisa lang anak siya ng Mommy at Daddy nya na kasalukuyang naninirahan sa ibang bansa at may kanya kanyang pamilya.
“A-aate…” hindi maituloy nito ang pagsasalita sa gitna ng paghikbi
“Anu bang problema Nika?” tanong uli niya na nakunot na ang mga mata, sa tono ng pagbigkas ni Nika mukhang may seryoso itong sasabihin. “Kinakabahan na ako sayo” pagpapatuloy niya.
“A-aate, wala na ang kuya….” Umiiyak na saad nito
Nabigla siya, hindi magandang prank ito mula kay Nika. Mahilig kasi magprank si Nika sa kanilang dalawa ni Joshua.
“Nika ha, not this time ha, super pagod ako ngayon ghorl. Ang kuya mo asa Singapore ngayon may conference. Definitely he will be mad at you dahil naglelevel up ung mga prank mo.” naiinis niyang sabi dito
“A-aate im not k..idding” tuloy ang pag-iyak nito “I’m here sa Pasay General Hospital ate, Mom and Dad will be here anytime soon..”paghikbi pa nito “a..ate wala na si kuya….” Humahagulgol na ito
Nabitawan niya ang kanya telepono, hindi niya alam ang sasabihin….”Ate wala na ang kuya… Ate wala na si kuya”….. paulit ulit. Paanong wala na? kausap pa niya ito kagabi bago siya matulog. Nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha.
No, this cannot be. The plans. Ang sabi nya pa sakin we will be together this month for an out-of-town adventure.
Naghilamos siya. Kinuha niya ang kanyang jacket at bag. Pumunta sa kanya kotse at pinaharurot ito papuntang hospital.
Dead on arrival because of a major car accident. Joshua was badly impacted by it.
Joshua and Nika had plans. They were planning to surprise me. Joshua went home a few hours after the call he made to me the day before the accident. Joshua was planning to propose to me to marry him on the day of the accident. Nang malaman ko ito ay lalo akong nanlumo. Tuloy-tuloy ang luha ko, hindi ko alam ang gagawin ng araw ng makita ko ang walang buhay na katawan ni Joshua sa hospital. Nauna akong dumating sa mga magulang nina Joshua at Nika sapagkat malapit ang condo unit ko sa hospital. Nang makita ako ni Nika ay agad akong niyakap. Sabay namin pinuntahan ang walang buhay na si Joshua. Hinawakan ko ang kanyang kamay at paulit ulit kong sinabi “Hon, gising na please.. I’m here na. Gising na please..” hindi ko namalayan na ang hikbi ko ay naging hagulgol na….
Libing ni Joshua, I was so drained at that time. No sleep, walang ganang kumain, walang ganang kumilos. My mom and dad called me. They consoled me but I was blindfolded by what happened buti na lang Nika and Nessie, my best friend, were there to assist me. Joshua was my family for 5 great years. We met, in the airport 6 years ago, when my mom decided to go to London and I chose to stay here in the Philippines because I wanted to be independent.
Now Joshua is not here with me anymore. I need to move forward, I need to accept everything alone…The question is how? Paano nga ba? Tanong niya sa sarili.