Chapter 2- Affair

664 Words
Neo Dalawang araw mula ngayon ay ikakasal siya sa kanyang nobyang si Karla ng 10 taon. Nakaupo siya sa harap ng berenda ng kanyang kuwarto habang nagmamasid at umiinom. Nagdadalawang isip siya sapagkat aksidente niyang nalaman ang pagmamahal ng kanyang matalik na kaibigan na si James kay Karla at ganun din daw naman ito sa kaibigan nya. He was planning to surprise Karla ng dumating na siya dito sa Pilipinas, that was a week ago. He went to her apartment right away ngunit ng kakatok na siya sa may pinto, bahagya itong nakabukas at may screen door, ay narinig niya sina Karla at James na naguusap. Nagtago muna siya upang marinig ang kanilang diskusyon. “Karla, please give us a chance. Alam ko at alam mo kung anung meron sa ating dalawa.” Sabi ni James. “Praning ka na ba James ikakasal na ako sa best friend mo na parang kapatid mo na. Handa ka bang masira yon? Please James, don’t make this hard for us.” Nangigilid na luha ni Karla. “Mahal mo pa ba sya?” tanong ni James. “Kapag sinabi ko ba na oo, ititigi mo na to?” saad ni Karla. “Hindi because I could see in your eyes, na napipilitan ka lang. Malaki lang ang utang na loob mo kay Neo” tutos naman ni James. Parang suntok sa kanya ang sinabi James dahil nakilala niya si Karla sa mga panahon na sobrang nahihirapan ito. Siya ang tumulong dito upang maging maayos ang buhay nito. Tahimik lang si Karla at hindi sumagot. Bakas sa mukha na totoo ang sinasabi ni James. “James, I can’t hurt Neo kaya kahit masakit I will endure the pain, huwag ko lang syang masaktan. Please James mahal ko sya, pero oo mas mahal kita pero hindi ko kayang saktan ang kaibigan mo.” Tumutulo ang luha nito. “So okay lang sayo na ganito, magtitiis ka. C’mon Karla.” Piniga nito ang kamay ni Karla Gustong gusto niyang sugurin si James. Ngunit ng nakita niya ang pag tango ni Karla. Nagulat sya sa tugon nito. Mas mahal nya si James ngunit siya ang pinipili nito. “Umalis ka na James. Ayaw ko na magkaroon pa kayo ni Neo ng problema pagdating nya. One day, pagtatawanan na lang natin ito.” Ngumiti ng kaunti si Karla. Bago pa tumayo si James, ay palihim na siyang umalis at bumalik sa kanyang unit. Tatlong buwan siyang wala sa Pilipinas dahil sa pagaasikaso ng isang conference na nangyari sa Singapore. Si Karla ang nag-asikaso ng kanilang kasal at nababanggit nga nito sa kanya ang pagtulong ni James. Hindi na niya nalaman ang pagpunta ko sa kanila. Tinawagan na lamang niya si Karla para sabihin na nandito na siya sa Pilipinas. Tinitimbang niya ang pangyayari, gustong gusto niyang kausapin si James at sapakin ngunit hindi niya magawa dahil ayaw niyang gumawa ng mga bagay na alam niyang pagsisihan sa huli. James is a family, simula pa ng mamatay ang mga magulang nito ay sya na ang naging kuya nito. Kagabi, masinsinan silang nagusap ni Karla sa kanyang apartment, hindi niya pinaalam sa dito ang mga narinig niya nung araw na pumunta siya sa kanila pagdating ng Pilipinas. Inoobserbahan ko sya, ang pakikitungo nya sa akin at kanyang mga galaw. Iba na ito, hindi na kagaya ng dati. Wala ng kinang sa mga mata at tila walang gana. “Karla, do you still love me?” tanong niya dito Nagulat siya sa tanong niya. “Anu bang tanong yan? Syempre oo” ngumiti ito at tumabi sa kanya at lumingid ang ulo nito sa kanyang balikat. “If you still hesitate, we could postpone the wedding.” he proposed. Biglang angat ni Karla at tumingin sa kanya. “Why the hesitation Neo? San nanggaling ang tanong mo?” Karla said “Wala lang.” he replied. Ngunit kita niya sa mga mata nito ang lungkot. Sobrang sakripisyo ng babae ito para lamang hindi siya masaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD