Halene Madaling araw ng magising siya. Tiningnan niya si Neo na mahimbing na nakayakap sa kanya. Napangiti siya sa nangyari sa buong gabi. Makailan beses uli silang nagkaniig sa buong gabi na magkasama sila. Hindi niya inakala na magiging aggressive at wild pagdating sa binata. Bigla niyang naisip ang lakad sa nila sa Palawan, mukhang doon at doon mapupunta ang buong gabi nilang magkasama. Napailing siya sa isipin na iyon. Niyakap na lang niya si Neo at bumalik uli sa tulog. Nagising siyang muli ng wala na si Neo sa tabi niya. Umupo siya at tinakpang ng comforter ang kanyang nakalantad na dibbdib. Sumulyap siya sa may bintana na. Tiningnan niya ang oras 6am. Ang aga naman magising ni Neo sa isip niya. Kinuha niya ang damit niya at nagbihis. Naramdam siya ng pananakit ng katawan

