Chapter 12- Invitation

644 Words
Neo Pagkababa sa kanyang unit ay mabilis nagtungo sa banyo si Neo upang maligo. Hindi maalis sa isip niya si Halene, ang maamo nitong mukha at tila mala anghel na tinig. Kaya hindi nito masisi ang mga tao magkakagusto dito. Kaninang nasa overlooking sila ay makailan ulit niyang pinigilan ang kanyang sarili na huwag yakapin at halikan ang babae. Nahuhulog na ata siya dito. Ahhh, s**t! You driving me crazy Halene. sabi niya sa kanyang sarili. Nang matapos siya maligo ay nagsuot lamang siya ng boxer short at tska humilata sa kanyang kama. I'll help you move on Halene, I promise. at unti unti na sya nilamon ng antok at nakatulog. Hapon ng magising siya, kinuha niya ang kanyang cellphone at chineck kung sino ang text o tumawag doon habang nagpapahinga siya. Nakita niyang tumawag si Carlo, malamang ay tatanungin nito kung anu ng nangyari kay Halene. Naisipan na lamang niya tawagan ito upang iparating na ligtas naman ang kaibigan nito. "Hello Brad, anu kamusta?" may halong ngisi ang boses pa nito. "Okay naman. Dito na ko nakauwi na kanina pa." sagot niyang sa malisosyong tanong ng pinsan. "Anong nangyari brad sa inyo ni Hal? San kayo galing?" sunud sunod na tanong pa nito. "Sa Antipolo" tipid niya na lang itong sinagot ng hindi na humaba pa ang tanungan. "Tapos?" usisat pa nito. "Anong tapos? Huwag kang makulit Carlo. Sinamahan ko lang tapos." "Okay. Pero seriously Brad, kapag ikaw nakatuluyan nyan, wala kaming angal ni Nessie" "Sira. Sige na" pamamaalam niya. Pinagpatuloy niya ang pagtingin sa kanyang cellphone ng makita nya ang isang text mula sa tao na kanina pa gumugulo sa kanyang isip. Si Halene..Madali niyang binasa ito, kanina pa pala ito napadala sa kanya, siguro nung pagkahatid niya sa dalaga sa unit nito. Neo, thank you. I really appreciate your kindness :-). Dali dali syang tumipa sa kanya cellphone para sumagot dito. Welcome. How about dinner tonight? Sana nakapahinga ka na kahit papano. Binababa niya ang kanyang cellphone at parang teenager na nagaabang ng reply mula sa nililigawang babae. "hay anu ka ba Neo! Bata?" saway niya sa sarili habang nakahilamos ang mga kamay niya sa mukha niya. Asa ganun posisyon siya ng tumunog ang cellphone nya. Binasa agad niya ang text, ngunit nanlumo siya ng makita na ang text galing sa mommy niya. Tinatanong lamang nito kung kailan gagawi sa kanilang bahay. Sinagot naman ito ni Neo, at matapos ay nag antay uli ng sagot mula kay Halene. Makalipas po uli ng sampung minuto ay tumunog uli ang cellphone niya. Napangiti siya ng makita ang pangalan ni Halene... Okay tonight :-) Nakapahinga naman kahit papano. See you. I'll pick you up at 7pm. See you. reply niya. Halene Pagkadating niya ng unit ay agad siyang pumunta sa kanya kwarto ant pumunta ng banyo upang maghilamos at magsipilyo. Habang nagsisipilyo ay naiisip niya ang nangyari kanina sa may burol sa overlooking. Sa loob ng dalawang taon ay ngayon lamang uli siya nakipagusap ng ganun sa isang lalaki. Napangiti siya, I'll promise to try. Pangako niya sa sarili. Nang matapos ay nahiga na siya. Bumaling siya sa larawan nila ni Joshua. Is okay to try? Would it be okay to let you go? Tanong niya sa larawan, kinuha niya ang kanyang cellphone at nagsimulang tumipa dito. Neo, thank you. I really appreciate your kindness :-) pagkatapos ay pinadala na nito ang mensahe. Sa ganoong posisyon siya nakatulog. Nagising siyang medyo madilim na, 5.30pm un ang nakarehistro sa orasan niya. Agad niyang kinapa ang kanyang cellphone at nakita niya ang sagot ni Neo. Welcome. How about dinner tonight? Sana nakapahinga ka na kahit papano. Napangiti siya ng mabasa ang reply nito. "You promise yourself that you will try" kausap niya ang sarili. Okay tonight :-) Nakapahinga naman kahit papano. See you. reply niya I'll pick you up at 7pm. See you. sagot naman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD