Nakaakbay si Ray kay Ruth habang ang huli naman ay nakayapos sa baywang ng nobyo. Katatapos lang nilang maligo at magparaos ng init ng katawan. Panay naman ang paghalik ng binata sa tuktok ng dalaga. ‘Di ito nagsasawang maglambing at ipakita sa lahat kung gaano n’ya kamahal ito.
Nasa labas silang lahat ng living area, hinihintay nila ang pagdating ni Steffan lulan ng BMW na minamaneho ni Pedro. Lahat sila ay nakangiti; masayang sasalubungin ang napakabuting tao na minsan na rin naging parte ng buhay nila.
‘Di nga nagtagal ay talagang dumating na ang sasakyan. Ang lakas ng naging pagtibok ng dibdib ng lahat at tila ‘di mapakali.
Maya-maya’y biglang nang bumukas ang pinto sa tapat ng driver at matutunghayan ang lalaking naka-slacks na itim at naka-longsleeves na puti.
Bigla namang natawa si Ray sa kan’yang nakita dahil ‘di pa rin talagang pinagbago si Steffan. Laging nakapormal ang suot at ‘di mo makikitaang naka-shorts o kahit na anong get-up maliban sa slacks at longsleeves shirt.
Napansin naman ni Steffan ang naging reaksyon ng amo at bigla na lang din s’yang napangiti.
“The same old, Steffan. Your taste in clothing has always been like this,” pang-aasar ni Ray. Dahan-dahan namang lumapit ang lalaki sa huli at pagkatapos ay nagtitigan muna ng ilang sandali.
Si Ruth, alam n’ya na ang susunod na mangyayari kaya naman agad s’yang kumiwala sa mahal n’ya at tinulak ito palapit kay Steffan. Sunod na nagyakapan ang dalawa na tila nagsasakitan dahil sa lakas na paghampas sa likod ng isa’t isa.
Dinamba ng malakas ni Ray ang kan’yang kamay sa likuran ni Steffan at ganun din naman ang ginawa nito sa kan’ya.
“Thank you for coming back and welcome brother,” bulong ni Ray. Nararamdaman n’ya ang bukol sa kan’yang lalamunan pero pinilit ang sariling ‘wag maging emosyonal.
Nagulat si Steffan sa naging turing ni Ray. Ray has always been cold and has no regards with other people’s feelings. Hearing these words coming out from his mouth is a huge sign of maturity for Steffan.
“I know I had to come back. I don’t know what worst you will do without adult supervision,” pabirong sagot ng lalaki pero malapit na ring maluha dahil sa pagka-overwhelm nang matunghayan masyado nang malaking pinagbago si Ray.
Dahil dito ay napabitaw sa pagkakayakap sa kan’ya si Ray at nakangiting sinuntok sa balikat si Steffan.
“Asshole!” saad nito. Mas lalo namang natawa si Steffan sa tinawag sa kan’ya at imbes na gumanti ay ‘di na lang. Nandito kasi ang ibang mga kasama sa bahay ni Ray gaya nina Lita, Nathan, Randy, Pedro at Rustom. Gusto n’ya ay manatili pa rin ang takot ng mga ito sa kanilang amo.
Isa-isang tinignan ni Steffan ang mga kasamahan at bago tinungo ang mga ito ay tinignan n’ya muna si Ruth na kanina pa natutuwa sa bardagulan ng nobyo at ng taong naging dahilan upang makilala n’ya ito.
“How are you, Miss Ruth?” magalang at mayuming tanong ni Steffan.
“Mabuti naman po ako, Sir Steffan. Kayo po?”
“Mabuti rin naman,” sagot nito at yumakap saglit sa dalaga.
“I hope he’s not giving you a hard time. He can be rude and spoiled at times,” bulong ni Steffan. Narinig naman ito ni Ray kaya bigla n’yang niyapos ang dalaga sabay hinalikan sa labi.
“I love her. I won’t give her a hard time,” nakakakilig na saad nito. Si Ruth naman, nanlaki ang mga mata dahil sa pagkabigla at napayapos na lang ng husto sa nobyo. Namumula ang mga pisngi nito.
Masaya si Steffan sa kan’yang nasaksihan. Lumabas na ang pagiging clingy at expressive nito.
Pagkatapos ay isa-isa namang kinamusta ng lalaki ang mga kasamahan. Nagpakilala rin sa kan’ya ang bagong miembro ng kasambahay ng mansion na si Rustom, ang pamangkin ni Maria.
Si Manang Lita naman, naluluha sa tuwa sa muling pagbabalik ni Steffan. Kahit kasi istrikto ito sa kanila ay alam nito ang dapat na gawin. At saka, sobrang kulang ang bahay kapag wala ito.
“Salamat po at bumalik ka, Sir Steffan,” nanginginig na saad ng matanda dahil sa emosyon.
Tumango naman ang lalaki at tinapik sa balikat ang matanda.
Matapos ang lahat na ito, muling nagsalita si Ray. “Let’s go inside, everyone. Baka lumamig na ‘yung hinandang almusal,” saad ni Ray kaya naman agad silang nagtungo sa kusina.
Maraming hinandang pagkain si Ruth. At tiempo namang naluto ang lechon belly nang makapasok na sila sa loob.
Napanganga na lang ang lahat sa ganda ng kanilang nakita. Para kang nasa restaurant sa ayos ng lahat na nasa mesa. Nagamit na rin sa pangalawang pagkakataon ang chandelier sa may dining area. Unang beses itong nagamit nung bumisita ang pamilya ni Ruth sa mansion.
Kanya-kanya na silang umupo sa mga bakanteng upuan. Nasa dulo si Ray nakaupo at sag awing kaliwa n’ya naman nakaupo si Ruth. Sa kanan, nandun naman si Steffan.
“Parang nasa five-star restaurant lang tayo ah,” bulalas ng lalaki na nakangiti.
Maganda kasi ang pagkaka-tableset ni Ruth at kompleto ang mga kitchen ware na nakalapag sa mesa.
“Si Miss Ruth po ang nagluto ng mga ito, Sir Steffan. Ang tanging ambag ko lang po rito ay tulungan s’yang maghanda nito sa mesa,” nakangiting balita ni Manang Lita sabay kumindat sa dalaga.
“Really?!” Nagulat si Steffan. Napagtanto n’ya na kung bakit parang nasa mamahaling restaurant lang sila ngayon dahil para dating nagtatrabaho si Ruth sa Zyrus Hotel and Restau – isa sa pinakatanyag na five-star hotel sa bansa.
Bigla namang namula ang dalaga dahil sa dami ng compliments na kan’yang natanggap nang nagsimula na silang kumain.
Pero si Ray talaga, sobrang napadami ng kain dahil magkasingtulad lang ang templa ni Ruth ng kan’yang mamo pati na rin sa dating apprentice nito na nagkataon namang ina ng dalaga.
Napansin ito ni Steffan. Kahit na natutuwa s’ya ay ‘di nito mapigilang mag-alala.
“Hey, slow down. You’ll get dyspepsia of you’re not careful,” biglang saway ng dalaga sa nobyong ang nilalantakan ay ang kan’yang buttered garlic lobster. Natuwa naman si Steffan dahil pareho sila ng iniisip ng dalaga.
“I’ll be fine, baby,” saad ni Ray habang patuloy na pinapapak ang lobster na hawak. ‘Di na nga ito nagkanin eh.
“You can have that some other time if you like. Just don’t eat too much of one thing, okay?” Para talagang bata si Ray. Ayaw magpatinag. Natutuwa naman si Steffan sa kan’yang nasaksihan, kung paano ang relasyon ng dalawa at kung sino ang mas nasusunod.
The once atrocious lion has become tame under a very strong-willed lioness.
"Once you become my wife, I'll be set for the rest of my life. I'll be happy every day till I die since there's always nice food on the table."
Biglang nabilaukan ang lahat sa kanilang narinig. Maging si Steffan ay nabilaukan din at mabilis na uminom ng tubig.
Napansin naman ito ni Ray at napatigil lang s’ya sa kan’yang pagsubo.
“What? Do you all think I’m in a relationship with her for nothing? I’m going to make her my wife, whether she likes it or not,” pagkatapos nakangiting sabihin ito ay kumindat s’ya sa kan’yang nobya. Sing bilis naman ng kidlat na namula ito.
“Ruth Labella Jacobs, that has a nice ring to it,” saad ni Ray at muling bumalik sa kan’yang pagkain.
Si Ruth naman, mukhang nahihirapan nang lumunok. Masyado s’yang na-ambush sa sinabi ni Ray. ‘Di n’ya naihanda ang sarili. Napansin naman ito ni Steffan kaya mabilis n’ya itong binigyan ng tubig na maiinom.
“Are you okay, Miss Ruth?” pag-aalala ng lalaki.
“I’-I’m f-fine, Sir,” nabubulol na sagot ng dalaga.
Bigla namang sinuntok ng mahina ng lalaki si Ray sa braso. At nilapit ang mukha nito upang bumulong. “Hey, don’t thoughtlessly say those words in front of everyone.”
“I’m serious! Are you crazy? Why do you think I’m not being serious?” medyo nayayamot na tanong ng binata.
“Well, for one, you’re not like this. And two, you don’t believe in marriage.”
Nagkibit-balikat lang si Ray. “Well, I’ve changed. I realized what I want in life and that’s spending the rest of my days with her. Also, you’re wrong about me not believing in marriage,” nginuya muna ng husto ng binata ang pagkaing nasa bibig bago nagpatuloy sa pagsasalita.
“I believe in marriage. I just don’t want to have children. I’ve good with just the two of us until we turn wrinkled and white-haired.”
Napalunok na lang si Steffan sa pinakamalaking rebelasyon na sumalubong sa kan’ya. Kahit na naninibago s’ya, tanggap n’ya at hanga s’ya sa naging pagbabagong ito ni Ray. Parang ibang Ray ang kan’yang kaharap. At the same time, the same old Ray he used to serve.
Napailing na lang si Steffan at bumalik na sa kan’yang pagkain. Si Ruth naman, ‘di pa rin kumakalma. Patuloy pa rin ang pamumula ng kan’yang pisngi at pinagpapawisan na s’ya kahit pa man sobrang lamig ng buong bahay.
Napansin ito ni Ray kaya naman bigla n’yang hinawakan ang upuan ni Ruth at hinigit palapit sa kan’ya. Pagkatapos ay tinanggal n’ya ang napkin na nasa ibabaw ng kan’yang kwelyo at ginawa itong panyong pamunas sa pawisang mukha ng kan’yang nobya.
“Are you okay, baby? Pinagpapawisan ka kasi ng husto,” saad nito habang tinatap ang table napkin sa mukha ng dalaga.
“I’m fine, baby. I’m just caught off guard by what you said,” pagtatapat nito sa nobyo.
Bigla namang bumungisngis ang binata habang patuloy na tina-tap ang pawisan mukha ng dalaga. “Sorry, I lost what’s between my ears for a bit. I’ve been desensitized by your cooking, baby,” nakangiting saad nito.
Hinampas naman s’ya ni Ruth ng marahan sa braso.
At pagkatapos nito ay muli silang ngumiti. Nagpatuloy sila sa kanilang pagkain habang si Steffan naman, kanina pa nagmamasid sa dalawa.
Napangiti na lang din s’ya sa kan’yang natunghayan. ‘Di n’ya alam na malaki na pala ang pagbabago ng alagang kan’yang iniwan saglit.
Nagpatuloy lang ang lahat sa kanilang pagkain habang nag-uusap at matapos ang lahat ng ito, ay hinayaan muna ni Ray si Steffan na magpahinga.