BOOK 2 CHAPTER 13

1308 Words
Gabi na at nakapagpahinga na rin si Steffan ng ilang oras. Wala naman itong inaksayang pagkakataon at agad na pinulong ang mga PSGs na pinahiram sa kanila ni Master Godric. Wala ang mga ito, at ‘di nakasama sa tanghalian dahil pinabalik muna ito sa mansion ng mga Beaurlington. At ang ilan naman sa kanila ay off ngayong araw. Nasa labas ng bahay ginawa ang pagpupulong. Labinlima rin naman kasi ang PSG na pinahiram ni Master Godric kaya minabuti nilang sa labas na lang. Malamig din naman kasi dito. “Good evening, everyone,” pagbati ni Steffan sa lahat. Nasa harapan sila ng mga ito at una munang nagsalita si Steffan dahil mas alam nito ang ginagawa at dapat na gagawin. “Good evening, Sir,” magalang na sagot ng mga ito. “Nag-usap na kami ni Master Godric tungkol sa pansamantala ninyong pamamalagi rito sa amin. Sa aming nakapagkasunduan ay mananatili lamang kayo rito hanggat ‘di pa kami nakahanap ng mga personal security guards.” Tumango naman ang lahat na wari’y alam na nila ang tungkol dito. “That being said, I hope that you do your best in protecting Mr. Ray and his partner away from harm while you’re still here. I am confident that you are the best of all PSGs out there since you’re employed by the Grand master Godric.” Napangiti naman ang lahat sa sinaad ni Steffan. “So far, wala ba kayong napansin na kakaiba mula pagdating ninyo nung lingo? Wala bang umaali-aligid malapit dito sa mansion?” ‘Di napigilan ni Steffan na magtanong. Wala na itong patumpik-tumpik pa at agad na pinunto ang kan’yang nais na itanong sa lahat. Bigla namang tinaas ng isang PSG sa may bandang likuran ang kamay nito at dahil dito, nagkatitigan sina Ray at Steffan. Bigla ring lumakas ang naging pagtibok ng kanilang dibdib. “Sir, maari po ba akong magsalita?” saad ng lalaki. “Please, Sir, you may.” “Anong araw po ba ang garbage collection dito sa village?” “Friday.” “Palaging tuwing byernes po ba ‘yan o minsan po ibang araw rin nila kinukuha ang mga basura rito?” “Hindi, byernes lang talaga. ‘Yan na kasi ang nasa policy ng Home Owners Association dito at ‘yan din ang araw na naka Memorandum of Agreement and taga HOA at sa pamunuang lungsod,” pagpapabatid ni Steffan. Maya-maya’y nagtinginan ang mga PSG sa isa’t isa at agad na napalunok. “May pumunta po kasi rito kahapon at nagtatanong kung may basura raw po ba kayo rito. Kaya naman, tinanong po naming si Manang Lita at sinabi n’yang ‘di pa po puno ang mga bins. Dahil dito, umuwi na lang po ‘yung dalawang garbage collector na naka-cap. Panay po ang lingon nila sa buong mansion,” paliwanag ng isa sa mga PSG. Bigla namang kumunot ang noo ni Steffan dahil sa isang sinabi ng lalaki. “Cap? No one is allowed to wear a cap outside the common area inside the village like the roads, sidewalks and the central amenities which comprises of a park, a pool and a clubhouse. Bawal ‘yun dito.” Dahil dito ay naalarma ang lahat. Kaya naman ang dapat na maikling pag-uusap lang nina Ray at Steffan kasama ang mga PSG at ibang kasama sa bahay ay mas humaba pa. Si Ruth naman, dahil mukhang kakapusan na s’ya ng hininga bunsod ng kaba at takot sa mga naririnig ay napagpasyahan ng huling pumasok sa may living area at umupo sa sofa. Halos mangitim na ang kan’yang paningin sa lakas na naging pagtibok ng kan’yang puso kaya naman sumandal na muna s’ya sa upuan at bumulong sa poong maykapal na tulungan s’yang kumalma. Pagkatapos ay muli s’yang tumayo at nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Matapos ito, agad n’yang tinawagan ang bunsong kapatid at bumalik sa kan’yang kinauupuan. Medyo matagal nasagot ni Ren tawag kaya muling bumalik ang kaba ng dalaga. “Ate! Magandang gabi po. Napatawag ka po.” Nang marinig ni Ruth ang boses ng kapatid ay tila naglaho ang lahat nang bigat ng damdaming kan’yang nararanasan. “Bunso, kamusta kayo d’yan? Okay lang ba kayo? Wala bang umaaligid sa bahay natin?” Diniretso na ni Ruth ng tanong ang kapatid. “Bakit, ate? May nangyari ba?” pag-aalala ni Ren. Nung una ay medyo nagdalawang-isip pa ang panganay na magsabi ng totoo pero dahil kaligtasan naman ang pamilya n’ya ang malalagay sa alanganin kapag tinago n’ya pa ang sitwasyon sa mga ito ay nilahad n’ya na rito ang totoo. “Bunso, mag-ingat kayo d’yan palagi. ‘Wag kayong basta-bastang tumanggap ng bisita o magpapapasok ng mga taong ‘di ninyo kakilala,” nanginginig na paalala ni Ruth. “Ate, bakit po?” “Ren, nakatakas si Pauline,” nangangatal na pagbalita ng dalaga sa kapatid. Natahimik sila ng ilang sandali. “Ate! Kamusta po kayo d’yan? Okay lang po ba kayo?” pag-aalala ng bunso. ‘Di pa man nakasagot si Ruth ay biglang sumigaw si Ren. Tinatawag nito ang kanilang mga magulang. “Bakit, kuya?” tanong ng ama ni Ruth sa bunsong anak. “May masamang balita po, pa, ma,” saad ni Ren na parang hinahabol ang hininga. Dahil dito ay ‘di na napigilan ng dalagang mapaluha. Ramdam n’ya ang pagkagulat, kaba at pagkatakot ng bunsong kapatid ng ibalita nito ang sitwasyon sa mga magulang nila. Narinig n’ya ang pag-uusap nila sa kabilang linya at sobra ang pag-aalala ng mga ito para kay Ruth. “Kamusta na si Ate mo, Ren? May nangyari ba ulit?” tanong ng Ama. Muling kinausap ni Ren ang kapatid. “Ate, i-handsfree ko po ang tawag ninyo.” Kaya naman nag-usap silang apat ng masinsinan. Lubos ang pag-aalalang nararamdaman ng pamilya ni Ruth para sa kan’ya. Gusto nga nilang makasama ito ngayon din pero wala silang masasakyan. S’ya lang ang mag-isang nasa loob ng bahay dahil ang lahat ay nasa labas nakikinig sa mga pagpupulong na ginagawa nila Steffan at Ray. “Anak, okay ka lang ba d’yan? Nasaan si Ray, anak?” pag-aalala ng ama. “Nasa labas po sila, pa. Kinakausap po nila ni Sir Steffan ang mga PSG na pansamantalang magbabantay po sa amin,” saad ng dalaga sabay punas sa kan’yang luha. Napabuntong-hininga/ ang ama mula sa kabilang linya. “Mabuti naman anak na may kinuha si Ray na magbabantay sa inyo?” “Pinahiram lang po ni Master Godric ang iba n’ya pong PSG kay Ray bilang tulong po sa seguridad po namin.” “Mabuti na lang at may mga magbabantay sa inyo d’yan, anak. Kahit papaano ay mababawasan ang pag-aalala namin,” saad ng ama. “Pero kayo po kasi ang inaalala ko, pa. Baka kayo po ang pagbuntungan ng galit ni Pauline dahil ‘di po s’ya makalapit sa’kin. ‘Yan po ang lubos kong ikinakatakot.” “’Wag kang mag-alala anak. Safe naman kami rito. Wala kang dapat na ikatakot,” pag-a-attempt ng amang ibsan ang pag-aalala ng anak. “Pa, gusto ko po kayong kasama rito.” Pagkasabi nun ni Ruth ay tiempo namang pagpasok ni Ray sa loob ng bahay. Nagulat ito nang makitang lumuluha ang mahal n’ya kaya padagan itong lumapit sa dalaga. “Hey, baby? Are you alright? What’s wrong?” natatarantang tanong ng binata habang pinupunasan ang luha sa mga mata ng nobya. “Anak? Anak?” biglang nagtaka si Ray nang biglang magsalita ang ama ni Ruth mula sa kabilang linya. “Did you tell your family about our situation, baby?” malambing na tanong ng binata sa mahal n’ya. Tumango naman si Ruth at patuloy na lumuha. Niyapos na lang ng binata ang mahal at hinayaan itong umiyak sa kan’yang balikat. Pagkatapos nito kinuha n’ya ang phone ni Ruth at s’ya na ang kumausap sa pamilya ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD