BOOK 2 CHAPTER 16

1146 Words
Byernes na ngayon, at ngayon ang araw na napag-usapan nilang ilalabas ang balita patungkol kay Pauline. Mag-a-alas singko na rin ng hapon. Si Apollo na ang gumawa at nag-asekaso lahat sapagkat ayaw n’yang lumabas-labas sila Ray mula sa kanilang bahay sa takot nab aka may mangyaring masama rito. ‘DI pa naman nila magawang i-underestimate si Pauline lalo pa’t may mga kasabwat itong pumapatay ng nga taong walang kalaban-laban. Sa kabilang banda, mula nung dumating si Steffan ay nagkaroon na sila ng tatlumpong mga PSG. Ang mga PSG naman na pinahiram sa kanila ni Mr. Godric ay binalik na nila. Bago umalis ang mga ito ay ‘di nakalimutan ni Ray na magpasalamat dahil ang presensya ng mga ito ang nagpapatibay sa kanilang loob dahil alam nila na hanggat naroroon ang mga PSG ay wala silang dapat na ipangamba patungkol sa kanilang seguridad. ‘Di na nag-hire pa si Steffan bagkus ay tinawagan na lang ang lahat ng mga Acting Managers ng mga subsidiary companies ni Ray at hiningan ang mga ito ng tig dadalwang mga security personnel na magiging PSG ni Ray. Mabilis namang nag-comply ang mga ito kaya mabilis na umabot sa tatalumpo ang buong bilang ng magiging PSG. “Steffan, how’s everything?” tanong ni Ray habang nakaupo sa mahabang couch habang si Ruth naman ay natutulog sa kan’yang hita ng sobrang himbing. Umuwi na rin kasi ang pamilya ni Ruth sapagkat ayaw ng ama ng dalaga na makituloy ng ibang bahay. Pinilit na ito nina Ray at Ruth pero ayaw talagang making ni Mr. Valerius. Kaya naman, wala ring ibang magawa ang dalwa kung ‘di ang hayaan na lang ito sa kan’yang gusto. Pero bago sila umalis ay binigyan sila ni Ray ng isang kondisyon. Makakauwi lamang ito sa kanilang bahay kapag pumayag itong sasamahan sila ng lima sa mga PSG. Nung una ay ayaw sana nila pero nang banggitin n ani Ruth ang patungkol sa kan’yang ‘peace of mind’, biglang nakaramdam ng guilt ang ama kaya pumayag na rin ito. "Everything is OK. I've got a new surveillance system installed by them. On the gate, I've also put a biometric security system," sagot ni Steffan pagkatapos ay umupo na sa may single couch na naka-adjacent sa long couch na inuupunan nila Ray. “Ease up if you must,” saad ni Ray. “I can’t. So long as Pauline is still on the loose, we have to be wary always,” sagot ni Steffan sabay inabot at remote at in-on ang TV. Agad naman nitong hininaan ang volume ng TV dahil baka magambala n’ya ang natutulog na nobya ng amo. Bigla namang pumakla ang expression sa mukha ni Ray at napalitan ito ng poot at galit. “That b*tch!” impit na sigaw ni Ray. Tumahimik muna sila ng ilang saglit ni Ray at maya-maya nga ay nagsimula na ang evening news segment ng channel na kanilang pinapanuod. “It’s here now,” saad ni Steffan. Bigla namang tumibok ng sobra ang puso ni Ray na nahahaluan ng kirot. Unang binalita ng news anchor ang tungkol kay Pauline na ikinagulat naman nila Ray at Steffan. Akala kasi nil ana isasabay lang sa iba pang mga naunang balita ito pero binigyan pala talaga nila ng special segment ang tungkol kay Pauline. “Isang suspek ng attempted murder ang nakatakas mula sa isang correctional van matapos harangan ng mga armadong lalaki na lulan ng mga walang plakang sasakyan ang naturang van. Nangyari ang pananambang noong Marso nitong taon na nagresulta sa pagkapaslang ng tatlong awtoridad. Kinilala ng pulisya ang naturang suspek na si Pauline Northon, isang baguhang artista na gaganap sana bilang si Lady Aphrodite Beaurlington sa palabas na Sudden Love habang ang tanyag na artistang si Ray Farrell Jacobs naman ang gaganap bilang si Master Godric Beaurlington. Nakulong ang baguhang artista dahil sa selos at tangkang pagpatay sa personal secretary ng aktor na si Ray Jacobs. Napag-alamang nobya rin ng aktor ang personal secretary nito na kinikilala bilang si Ruth Labella, isang non-showbiz personality. Patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang naturang suspek pati na rin ang mga kasamahan nito at pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat at maging mapamatyag. Maari ninyong ipagbigay alam sa mga kapulisan kung mangyaring may alam kayo tungkol sa kinaroroonan ng suspek na ito.” Para silang nabunutan ng tinik nang marinig ang report na ito. Kahit na kapalit nito ay ang pribadong relasyon nina Ray at Ruth, mas okay na ‘yun kaysa patuloy silang magtatago sa mata ng publiko. Sa paraan din namang ito, mas liliit ang mundo ni Pauline at uunti ang kan’yang maaring puntahan. “It’s finally out, Ray,” saad ni Steffan. Tumango lang si Ray at napalunok. “Starting today, Miss Ruth’s life will change. Since your relationship is now a public knowledge, her private life will slowly unravel,” malungkot na saad ni Steffan habang tinitignan ang dalagang natutulog sa hita ng nobyo. Biglang hinaplos ni Ray ang buhok nito dahilan upang mapangiti ito kahit natutulog. “I’ll protect her from any harm that comes her way,” mayumi at puno ng pagmamahal na saad ng binata. Napangiti na lang si Steffan nang pagmasdan si Ray na punong-puno ng pagmamahal para kay Ruth. “I’m glad that I’m back, Ray,” biglang saad nito. Kaya naman napalingon na lang sa kan’ya ang binata. “Really? Kahit na may pinagdadaanan tayo ngayong sitwasyon?” natatawang tanong ni Ray. “Oo. Dahil sa kabila nito, nakita at nasaksihan ko ang maturity na malaking nangyari sa’yo,” saad ni Steffan. Agad namang napalis ang mga ngiti sa labi ni Ray. “If only I knew that it would take Miss Ruth for you to totally change and mature, I would have searched for her a long long time ago,” may halong pagbibirong saad ni Steffan. “Idiot!” bulalas ni Ray. “But I’m happy for you. And I know the late lady Farrell also is happy for you.” Biglang naramdaman ni Ray ang bukol sa kan’yang lalamunan. “I’m sure she is,” saad ni Ray sabay yumuko upang halikan ang noo ng mahal n’yang nobya. Makalipas ang ilang sandali ay tinawagan si Steffan ng taga Home Owners Association dahil sa sobrang dami umano ng tao sa labas ng gate ng villa. Nahihirapan ang ibang residente ng lugar na lumabas at pumasok dahil sa dami ng taong naghahanap kay Ray. May mga taga press, may mga loyal fans, may mga nakikitsismis lang at marami pang iba. Agad na napatayo si Steffan at nagpaalam kay Ray upang gawan ng paraan ang nangyaring gulo sa labas. Si Ray naman, dahan-dahan nasinalok ang mahal at pagkatapos ay kinarga upang dalhin sa kanilang kwarto. Napagpasyahan ni Ray na maagang pumasok sa loob ng kan’yang silid upang tignan ang nangyayari online patungkol sa balitang kalalabas lang kanina habang sinasamahan ang natutulog na nobya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD