Nagpatuloy sa pag-uusap sina Mr. Apollo, Steffan, Chief Jovanni at sina Ray. Si Ruth naman, umakyat sa itaas upang mag-ayos ng sarili. Mahahalata kasi ang mga bakas ng luha sa kan’yang pisngi at ayaw n’yang makita ito ng kan’yang mga magulang.
Makalipas ang ilang sandali ay may dumating na sasakyan sa may harapan ng living area ni Ray. Agad s’yang tumayo upang salubungin ang mga ito.
Napatingin s’ya sa may hagdan at nagdadalawang-isip kung tatawagin ba o aakyatin n’ya pa sa itaas ang mahal na nobya pero dahil ayaw n’yang gambalain ito sa ano mang ginagawa nito ay lumabas na lang s’ya at nakangiting sinalubong ang pamilya ng mahal n’ya.
Akmang lalapit sana sa kanila ang mga PSG upang kapaan sila o tukuyin kung may delikado bai tong dala pero pinigilan sila ni Ray sa isang tingin lang kaya naman ‘di na lang nila tinuloy ito.
“Tito, Tita, Ren. Magandang gabi,” pagbati ni Ray sabay beso-beso kay Mrs. Irene at mabilis na yakap naman kay Mr. Valerius at kay Ren.
“Magandang gabi rin sa’yo, Ray,” saad naman ng pamilya ni Ruth.
“Tuloy kayo, malamig dito sa labas.” Kahit na ‘di gumagamit si Ray ng honorifics, ay mararamdaman mo pa rin ang paggalang s’ya basa sa tono ng kan’yang boses.
Agad naman ding pumasok sa loob ang mga magulang at kapatid ng dalaga at nung nakita nila ang mga taong nauna nang makapwesto sa mga couch sa living area ay kumaway lang sila sa mga ito at nagbigay ng mabilis na pagtango.
‘Di nagtagal ay bumaba na rin si Ruth at nang makita n’ya ulit ang pamilya, biglang lumiwanag ang buo n’yang mukha na agad din namang lumungkot na parang naiiyak.
“Pa, ma, bunso!” Bulalas ng dalaga.
Agad naman s’yang nagmano sa mga mas nakakatanda sa kaniya at pagkatapos ay niyapos ang mga ito nang sobrang higpit.
“Okay ka lang ba, ate?” pag-aalala ng ina sa biglaang paglalambing ng anak.
“Opo, ma,” sagot nito na impit ang boses. Pinipigilan n’ya kasing lumunok at baka ay maluha na s’ya ng tuluyan.
Pagkatapos sa ina ay sa kan’yang ama naman s’ya yumakap at panghuli ang kapatid.
Nag-usap muna silang saglit at pawang pinapakiramdaman ang isa’t isa sa pag-aalala na baka meron sa kanilang tinatago ang tunay na nararamdaman. Tinatago ang takot at pag-aalala sa hinaharap na sitwasyon.
Maya-maya’y nagtungo na sila sa couch kung saan nakaupo na ang mga mas naunang bisita at bago simulant ang pagtitipon ay nagpakilala at nakipagkamay muna ang pamilya si Ruth sa mga taong ngayon lang nila nakita o nakilala.
Pinakilala naman ni Ruth si Steffan sa mga magulang n’ya at sinabing ito ang nakakita sa kan’yang kagandahang loob na pinakita sa kapwa.
Pagkalipas ng ilang sandal at tuluyan ng nagkakilala ang lahat ay nagsimula nang magsalita si Steffan.
“Now that the introductions are over, let us begin our meeting proper,” saad nito at pagkatapos ay muling umupo malapit kay Ray at Ruth.
Agad namang tumayo si Chief Jovanni at ngumiti muna sa lahat bago nagsalita. “Magandang gabi po sa inyong lahat. Patawad po kung kinailangan nating idaos ang pagtitipon po na ito ngayong gabi sa kadahilanang wala po akong ibang bakanteng panahon sa umga. May ginagawa po kasing evaluation at assessment po sa aming buong hanay,” paunang saad nito.
“At dahil po dun ay tanging sa gabi ko lang po nahaharapan ang iba ko pong tungkulin. Muli, pagpasensyahan n’yo po ang biglaan ko pong pag-request na makausap po kayo,” magalang nitong saad.
Agad namang sumagot ang mga taong nasa paligid n’ya at makalipas ang ilang sandali ay nilahad n’ya na ang kasulukuyang sitwasyon ng kanilang paghahanap kay Pauline.
“Nahihirapan po kami sa sitwasyon po namin dahil kapag po inanunsyo po namin sa publiko ang aming paghahanap sa criminal na si Pauline ay mauungkat po lahat pati na po ang personal at pribado po ninyong buhay.” Lumingon si Jovanni kay Ray at Ruth nang sabihin n’ya ito.
“We cannot state the charges of the crime that she committed without telling everyone about your relationship with Miss Ruth, Sir Ray,” pagklaro ni Jovanni.
“So, what you’re basically saying is, you’re asking Ray and Miss Ruth to make their relationship public?” pasok ni Mr. Apollo.
Bumuntong-hininga lang si Jovanni na tumingin kay Apollo. “Iyan lang po ang tanging paraan upang maging mapagmatyag ang publiko laban po kay Pauline. There will be a lot of people who will watch out for her,” muling pagpapaliwanag ni Jovanni.
“We’re basically crippling her from ever disguising into the society, Sir.”
Biglang tumahimik ang lahat. Pinapakiramdaman nila ang bawat isa.
Masyadong malaking sugal kasi ang kanilang gagawin kaya si Apollo ay naguguluhan. Si Steffan naman, hangad n’ya na wakasan ang pagpapahirap ng sitwasyong ito kay Ray at kay Ruth kaya payag sana s’ya. Kaya lang, ang desisyong ito ay ‘di magmumula sa kanila kung hind isa dalawa na tahimik lang at nagtititigan sa isa’t isa.
Matagal din bago nagsalita si Ray, pero nagulat sila sa kanilang narinig nang muli nitong ibuka ang kan’yang bibig.
“Let’s do it, baby,” mayumi nitong saad habang iniipit ang ilang hibla ng buhok na sumasagabal sa mukha ng nobya sa likuran ng taynga nito.
Biglang nalungkot si Ruth. “But if we, do it, there will be a chance that it will ruin your career.”
Ngumiti lang si Ray saka hinalikan ang mahal sa harap ng mga tao sa paligid. “Conceited as I am, I’ve changed. Nothing in the world is more important to me than you.”
Biglang napangiti si Ruth pero sinabayan din ito ng lungkot at pagluha. “Romantic as always, baby.” Ayaw n’yang dahil lang sa kan’ya ay masira ang career ni Ray. Ayaw n’yang siya ang dahilan upang matanggal o maalis sa mahal n’ya ang isang bagay na tanging natitira na lang dito.
“I’m willing to risk everything that I have for you, baby,” muling saad ni Ray pagkatapos ay hinalikan sa pisngi, sunod naman sa noo si Ruth.
Natunghayan ito ng lahat. Maging sila ay nararamdaman nila ang nararamdaman nina Ray at Ruth. Nagiging emosyonal na rin sila sapagkat naramdaman nila ang bukol na sumasagabal sa kanilang lalamunan.
“I’m not in favor of this,” saad ni Ruth habang pinupunasan ang kan’yang luha. “It’s one of the few things that you only have in this world. Ayaw kong ako ang dahilan upang mawala sayo ang isa sa mga natitirang bagay sa buhay mo na nagdudulot sayo ng saya.”
Ray smiles again and then caps Ruth’s face. “I don’t need a few things in this world. I only need you.”
Napapahagulgol naman si Ruth nang marinig n’ya ito sa binata at napasubsob na lang ang kan’yang mukha sa dibdbib nito.
Niyapos lang s’ya ni Ray saka hinaplos ang likod habang nilingon ang mga magulang na nagiging emosyonal na rin.
“Tito, Tita, this might be very difficult for you to decide but I respectfully request your blessing in making our relationship in public,” magalang na saad ng binata.
“This is the only way I know how I can keep her safe from Pauline,” dagdag n’ya pa.
Mas lalo namang umiyak ang ina ni Ruth. Ramdam n’ya ang dinaranas ng anak sapagkat alam din naman nil ana ‘di papaya si Ruth dito kung ‘di rin sila papayag. Kung tutuusin, nakadepende lang ang dalaga sa magiging pasya ng kan’yang mga magulang.
“I’m afraid that by making your relationship with my daughter public, your die-hard psychotic fans will come for her. This won’t solve your problem, this will create more for you,” mahinahong pagpapatanto ng ama ni Ruth.
Natahimik muli si Ray at nag-isip. Bigla namang pumasok sa usapan si Steffan.
“We can do something about his fans, Sir Valerius. ‘Di man tatanggapin ng lahat ang balitang ito pero mas maigi na po ito dahil ‘di naman po sila mamamatay tao. And Pauline…. There are three police officers that are now cold and lifeless along her wake,” sabay-sabay na napalunok ang lahat.
Pinag-iisipan nila kung ano ang mas matimbang.
“Tito, if there comes a time that my career will unequivocally pose a threat to my relationship with Ruth, I’ll quit being an actor,” pangako ni Ray sa ama ng dalaga.
“I’ve said it before already and I’m saying it again. I’m willing to risk anything, even my career, in exchange for a peaceful and healthy personal relationship with Ruth.” Lumingon si Ray kay Apollo nang sabihin n’ya ito at nag-abot naman ang kanilang mga mata.
Matagal silang nagtitigan na wari’y nag-uusap. Makalipas ang ilang sandali, bumuntong-hininga si Apollo at nagsalita.
“I’ve prepared for the worst already, Ray,” saad ni Apollo. “I’ve taken countermeasures should you really decide to end your career as an artist.”
Biglang napalingon si Steffan kay Apollo.
“He declared it before us when Ruth got hurt because of Pauline that he will quit being an artist for good. I barely convinced him to not decide too hastily,” pagpapaliwanag ni Apollo kay Steffan.
Si Ray naman, napangiti na lang dahil sa sinabi ni Apollo na kapag wala ng pag-asa na magpatuloy pa ang pag-aartista ni Ray ay hand ana ang mga bagay-bagay upang ‘di s’ya masyadong maapektuhan kung sakaling tuluyan ng aalis si Ray sa showbiz.
“Thank you, Apollo,” nakangiti na may halong lungkot na saad ni Ray sa kan’yang Manager.
Muling bumuntong-hininga si Apollo. “Bastard!” pabiro nitong saad kaya napatawa na lang si Ray.
Nanatili silang tahimik ng ilang minuto bago tuluyang pumayag ang mga magulang ni Ruth sa hiling ni Ray nag awing publiko ang relasyon nila ng anak nito.
Si Ruth, tahimik lang na nakikinig. Masyado s’yang maraming naiisip at ayaw n’yang sabihin ito sa harap ng maraming tao.
Pagkatapos ng pagtitipon nilang ito ay nauna nang umalis si Chief Jovanni kasama ang mga officers n’yang nag-aabang sa kan’ya sa labas kasama ang mga PSG.
Si Apollo naman, ‘di rin nagtagal dahil hinahanap na ito ng kan’yang misis.
Ang tanging bisitang naiwan lang sa bahay ay ang mga magulang ni Ruth.
Gusto kasi ni Ray na sa mansion na lang ang mga ito matulog dahil may bakanteng silid naman sa ikalawang palapag – ‘yung dating silid ni Ruth.
Matagal muna silang nagkwentuhan sa baba. Nang tuluyan na silang dinalaw ng antok ay saka lang sila umakyat sa ikalawang palapag upang magpahina na sa kani-kanilang mga kwarto.