Maaga na namang nakatulog si Ruth. Mukhang labis itong napagod sa kanilang pag-ikot-ikot ni Ren upang maghanap ng magandang review center.
Nakatulog ito sa hita ni Ray habang ang binata naman ay nanunuod ng balita. Medyo matagal na panahon na nitong ‘di nakanuod ng balita. Nasasawa na kasi s’ya na lagi s’yang laman ng balitang showbiz.
Habang nasa kalagitnaan ng panunuod, biglang bumukas ang frameless glass door ni Ray. Paglingon n’ya, nakita n’ya si Steffan na nakangiting papalapit.
“She’s asleep already?” tanong nito sa amo na nakaakbay sa backrest ng couch.
Tumango lang si Ray at ngumiti sabay hawak sa pisngi ng nobya.
Si Steffan, ‘di naman mapigilang kiligin sa kan’yang nakita. Sobrang bago nito para sa kan’ya.
“What do you plan to do after this, Ray?” tanong ni Steffan. Ray just looks intently down at the woman who his heart beats for and then smiles.
“I’ll spend the rest of my days with Ruth. I’ll make her happy,” sabi n’ya. Muli na namang napangiti si Steffan.
“Does that mean that you’re dating with marriage in mind?”
“Yes,” saad ng binata at ngayo’y hinahaplos naman ang buhok ng nobya.
“I didn’t know that you wanted to have a family. You’ve always been too bashful about it,” pagbibiro ni Steffan.
Nawala ang mga ngiti sa labi ni Ray at napakunot n’ya ang kan’yang noo, “who said I wanted to have a family? I will marry her so we’ll spend the rest of our lives together – just the two of us.”
Biglang napalunok si Steffan. Pagkatapos ay napalingon s’ya sa direksyon ng dalagang mahimbing na natutulog sa hita ng binata.
“Pinaliwanag mo ba sa kan’ya ‘yan? Pumayag ba s’ya?” pag-uusisa ni Steffan.
“Klaro naman sa kan’ya kung ako ang nais kong mangyari sa relasyon namin. Nilahad ko rin sa kan’ya ang mapait kong sinapit nung nasa murang gulang pa lang ako. Ayaw kong magkaroon ng anak at alam n’ya ‘yun,” patuloy na paliwanag ni Ray.
‘Di maka paniwala si Steffan sa kan’yang narinig.
“Paano kapag nagbago ang desisyon ni Ruth at gusto n’yang magkaroon ng anak? Ano ang gagawin mo?” pahabol na tanong ni butler.
Matagal bago nakapagsalita si Ray. ‘Di n’ya alam kung ano ang isasagot sa tanong ni Steffan.
“I think you should think everything through, Ray,” payo ng lalaki. "Right now, Miss Ruth might have agreed to your terms, but you never know what might happen later. She's a lovely lady. And I believe you haven't given serious consideration to being married but not starting a family." dagdag pa nito.
Natigilan naman si Ray nang maalalang ‘di nga nila napag-usapan ng husto ni Ruth ang tungkol sa bagay na ito. Pero, nailahad n’ya naman ang kan’yang opinion sa dalaga patungkol dito. Siguro, kailangan n’ya lang marinig ang sagot at opinion ng dalaga.
“And Ray, there is something I’ve been meaning to talk to you about,” nanginginig na saad ni Steffan. Mula sa pag-aalala ay nakuha ng lalaki ang buong atensyon ng binata.
He just raises his brows urging Steffan to spill it.
“Your mom went to my mother’s funeral.”
Dahil sa balitang ito ay parang dumaan ang Diyos sa sobrang tahimik nila sa loob. Nakakatulig ang katahimikan. At wari’y umalingawngaw ito ng paulit-ulit sa loob ng taynga ni Ray.
“Stop! Ayaw kong ipagpatuloy ang pag-uusap na ito,” saad ng binata.
Akmang magsasalita ulit si Steffan nang biglang tinaas ni Ray ang kan’yang kamay. Mahahalatang nagsisimula na itong mainis dahil bukod sa nakakatakot nitong expression sa mukha, nakatungo na rin ito at nagtitiim.
“You know I hate them, why do you keep bringing their names up?” pigil na saad ni Ray. Mahahalatang pilit nitong pinipigilan ang galit.
Bumuntong-hininga si Steffan bago nagpaliwanag. “Ray, alam ko ang pinagdaanan mo. At hanggang ngayon, baon mo pa rin ang pait at sakit ng mga sandalling ‘yun,” biglang huminto ang lalaki upang suriin ang expression sa mukha ng binata.
“Pero Ray, ‘di mo naman siguro kailangan sar’han ang puso mo para sa kanila,” dagdag ni Steffan. “Simula nung pumanaw si Lady Anastasia, parang ayaw mo nang buksan ang puso mo para sa iba,” pagpapatanto ng butler. “I always thought that that is the case, but you know what? Nakumpirma kong ‘di naman pala naging bato ‘yang puso mo.”
Napakunot ng noo si Ray. “Bakit mo nasabi?”
“You changed. Ever since Ruth entered into your life, I feel like she brought change not only to your being but also to your perspective in life,” nakangiting saad ni Steffan kay Ray at pagkatapos ay nilingon n’ya rin ang natutulog na dalaga.
"She didn't even knock on my door. She stormed in without warning," natatawang saad ni Ray. Dahil dito ay napatawa na rin si Steffan.
Pero maya-maya rin ay biglang nalungkot si Ray. "However, Ruth did not cause me any distress. She didn't make me feel like my entire life was a complete sh*t. She didn't abandon me; instead, she sacrificed her safety to protect me. She is the anchor to my sanity.”
Biglang natigilan si Steffan nang marinig ito. “Those people…. who were supposed to be my origin….” Malungkot na saad ni Ray na para bang hinuhukay n’ya muli ang isang bagay na matagal n’ya nang inilibing. "The only thing I owe them gratitude for is giving birth to me. There's nothing else."
‘Di na nagsalita pa si Steffan. Alam n’yang ano pa mang pagpupumilit n’ya ay magriresulta lang sa hindi magandang bagay.
“If those people….” pagsisimula ng binata. “If they ever contact you again, tell them that I wish them well but I won’t ever see them again.” Parang may nabasag na salamin sa loob ng utak ni Steffan nang marinig ito. “They drew the line long long time ago, no one between us should cross it,” bulalas ng binata.
After resting his case, Ray scoops Ruth up into his arms and then carries her to their room. He left without bidding good night to Steffan.
Si Steffan naman, nagsisi ng kaunti dahil sa kan’yang pagpupumilit. Nais n’ya lang naman sanang tumulong. Naalala n’ya kasi ang dating bilin sa kan’ya ng mamo ni Ray bago ito pumanaw.
Dahil alam n’yang ‘di na s’ya magtatagal sa mundo, pinakiusapan n’ya si Steffan na gawin ang lahat upang muling magkasundo at mapatawad ng kan’yang apo ang mga magulang nito.
Pero minsan ay nawawalan na rin ng pag-asa ang butler dahil habang lumilipas ang panahon, mas lalong tumitindi ang galit at poot na nararamdaman nito para sa kan’yang mga magulang.
Napadaop na lang ng lalaki ang kan’yang mga kamay sa kan’yang mukha. Napailing s’ya at bumuntong-hininga.
Pagkatapos manatili at magpahinga sa may sala ng ilang minuto habang inaalala ang mga maling sinabi n’ya kay Ray, ay nagpasya si Steffan na magpahinga na.