May meeting si Ray kasama sina Mr. Apollo dahil nais daw umanong makausap ng board of directors ang aktor. Pag-uusapan nila kung paano ang gagawin upang mapanatiling kabilang pa rin ang aktor ng network nila. Kaya naman, naiwang mag-isa ang dalaga sa mansion.
Si Steffan naman, s’ya na ang pumunta sa studio unit na rerentahan ni Ruth para sa kan’yang kapatid. Nais nga sana ng dalaga na s’ya na lang ang pupunta pero ayaw s’yang payagan ni Ray. Si Steffan naman, ayaw rin pumayag na umalis si Ruth matapos nitong malaman na may nararamdaman itong umaaligid sa kan’ya pero ‘di napansin at nakita ng limang PSG na kasama ng dalaga noon.
Sa galit ni Steffan nang malaman ang nangyari ay pinarusahan n’ya ang limang PSG at binalaan na kapag nagkamali pa ang mga ito sa susunod na pagkakataon ay talagang sisibakin n’ya ito sa kanilang pwesto.
Nang malaman ang lahat ng nangyari ay nakadagdag din ito upang magpasya ang dalagang manatili na lang sa mansion. Ayaw n’ya nang may mapahamak pa dahil sa pagmamatigas n’ya.
Nasa living area naman ngayon ang dalaga, nanunuod ng balita. Wala naman kasi s’yang ibang ginagawa. Ayaw n’ya ring mag-surf sa internet dahil lagi s’yang may nakikitang articles patungkol sa kan’ya. May mga magaganda mang article pero madalas talaga ang nakikita n’yang nagpa-pop-out sa screen n’ya ay pawang pangungutya at panghahamak sa katauhan n’ya.
Ayaw n’yang mabagabag sa mga ito. Nag-iiwas s’yang ma-stress.
Maya-maya’y pumasok si Manang Lita sa kusina na may dalang mga pinggan, baso at iba pa. Kasama nito si Rustom na nagliligpit ng pinagkainan ng mga PSG sa labas.
Napansin naman ng matanda ang dalagang nakangiting nagmamasid sa kanila kaya nahawa na rin ito at agad na tinawag si Ruth.
“Iha, naiwan ka pala? Akala ko kayo ang magkasama ni Sir Ray na lumabas?” tanong ng matanda.
Ngumiti lang ulit si Ruth bago sumagot. “Dito lang daw po ako sa bahay kung saan mas ligtas ako,” sagot n’ya na lang.
“Dadamayan sana kita, Iha. Kaya lang tatapusin pa kasi naman ang pagliligpit sa labas. Baka kasi abutan kami ni Sir Ray at ni Sir Steffan.”
“Okay lang po, Manang. Manunuod lang naman po ako ng TV eh.”
Pagkatapos humingi ng paumanhin ay muling lumabas ang matanda. SI Ruth naman ay nakatutok lang sa TV habang naglilipat ng channel.
“Ang hirap naman hanapin ng Home Kitchen channel,” pagkadismayang saad ng dalaga.
Nagpatuloy lang s’ya sa paghahanap. Kalaunan ay nahanap n’ya rin ang channel na gusto at agad na lumiwanag ang mukha n’ya nang maabutang ang kan’yang pinakainiidolong chef maliban sa nanay n’ya ang guest chef ngayon.
“Chef Liafail!” natutuwang hiyaw ng dalaga. Mas kilala ang chef na ito sa bansag na Lady L. S’ya ang isa sa pinakaunang chef sa buong mundo na nag-introduce ng modern-take ng Filipino cuisine. S’ya lang din ang kasalukuyang Filipino chef sa international scene na may three Michelin star rating.
Kaya naman, ang taas ng respeto at paghanga ni Ruth dito. It is an ultimate dream for all individuals in the hospitality management profession to meet her.
Masayang nanunuod si Ruth sa kan’yang idolo habang nagdi-demo ito kung paano gagawin ang isang recipe. Sobrang charismatic nito at nakakalula ang kagandahan.
Kahit na nasa fifties na ito ay ‘di mahahalata dahil sa kinis ng kan’yang balat. Halos ‘di nga makataan ng kulubot sa mukha lalo na kung malayo ang camera.
“Ang galing naman n’yang mag-plating,” paghanga ng dalaga habang nakakaramdam ng kilig.
Pagkatapos na mag-demo ni Chef Liafail, ay may sinabi ito na nagpasaya ng husto sa dalaga.
“Hello Philippines, I will be opening another branch of my restaurant in Makati on the 25th of this month. I invite you all to come and dine with us. For another updates, please follow my official social media pages which will be posted here,” nakangiti nitong saad habang tinuturo ang baba ng screen kung saan naka-flash nga ‘yung mga social media pages n’ya.
Agad namang hinablot ng dalaga ang kan’yang phone at mabilis na hinanap ang pangalan ng account na naka-post sa TV.
“Once again, I am Chef Liafial of Sun and Moon Restaurant. Thank you all for having me,” pagpapaalam nito.
Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ni Ruth sa pagtatapos ng segment ni Lady L. Nais n’ya pa sana itong makita at mapanuod.
Maya-maya’y bigla n’yang naalala na nabanggit ni Lady L na may mga demo videos daw ito sa youtube. Agad n’ya namang hinanap ang tinutukoy nito at nagulat na lang s’ya sa dami ng views ng lahat ng videos nitong naka-publish sa youtube.
Tens of millions of views!
Para mapanuod ang mga videos nito sa malaking screen ay kinuha ni Ruth ang remote. Dahil android TV na ang higanteng TV sa living are ay pwede rito manuod ng youtube, Netflix at iba pa.
Muling hinanap ng dalaga ang pangalan ni Chef Liafail at nang makita n’ya na iyong profile na may blue check, mabilis n’ya itong c-in-lick at pinanuod ang videos ng idolo n’ya mula simula.
Lumipas ang ilang sandal ay biglang tumunog ang phone ni Ruth habang nanunuod s’ya ng videos sa TV. Agad naman s’yang napangiti nang makita ang pangalan ni Ray sa screen. ‘Di na n’ya pinatagal pa at mabilis na sinagot ang tawag ng nobyo.
“Hi, baby, how are you?” bungad ng binata mula sa kabilang linya.
“I’m chilling in the living room, baby. Watching videos from my idol chef,” masayang pagbabalita ng dalaga.
“Really? You like videos like that?” gulat na tanong ng binata na wari’y ‘di s’ya makapaniwala sa kan’yang narinig.
“Yes. She’s very inspiring and I like her as a person. She’s also very grounded and she’s all positive energy,” sobrang saya ang nararamdaman ng dalaga habang nanunuod sa kan’yang idol. ‘Yung halos gayahin n’ya na lahat ng expression na pinapakita nito.
“Let me just say that I appreciate this chef for being my source of inspiration of my inspiration in life,” nakakakilig na bulalas ng binata mula sa kabilang linya.
Dali-daling namula ang dalaga nang marinig ito mula kay Ray. Nandadali pa rin ito kahit na magkalayo sila ni Ruth.
“I’ll tell her that even though we’re not close in any way,” pagbibiro ng dalaga.
Dahil dito ay napabungisngis na lang sila ng sabay ni Ray kahit na ‘di sila magkaharap.
Maya-maya’y unti-unting naglaho ang ngiti sa kanilang labi at ‘di kalaunan ay nabalutan ng init ang kanilang buong katawan. Nakikiramdam sa isa’t isa kung sino ang unang babasag ng katahimikan.
“I miss you, baby,” pabulong na saad ng binata. “I can’t wait to see you when I get home, baby,” patuloy na pang-aakit ng binata sa dalaga.
“I miss you too, baby,” nahihiyang pag-amin naman ni Ruth.
Bigla namang napakibot ng dalaga ang kan’yang hiwa dahil unti-unti nang bumababa sa kan’yang puson ang init ng katawang naramdaman kanina.
“Don’t press your thighs too tighly, please,” biglang saad ni Ray. Nagulat naman si Ruth at nagtaka kung paano nito nalaman ang kan’yang ginagawa.
Napalingon din s’ya sa kan’yang paligid kung nakarating na ba galing sa kan’yang lakad si Ray. Pero wala s’yang nakita na kahit na anino nito.
"I know you're looking everywhere for me, baby, but I'm still not home," mapang-asar na saad ng binata.
Muling napakibot ng dalaga ang kan’yang hiwa at napa-cross leg na ito bunsod ng pang-aakit ni Ray mula sa kabing linya.
“Now you’re crossing your leg,” saad ni Ray.
Nanlaki ang mga mata ni Ruth at mabilis s’yang napatayo.
“Hey! Do you have a hidden camera in the living room?! How do you know what I’m doing?!”
Napabungisngis na lang si Ray. Bigla namang napakunot ng noo ang dalaga dahil dito.
“Oh, baby! I know your body more than you. I command it,” saad ni Ray gamit ang kan’yang mababang boses.
‘Di naman nakasagot ang dalaga bagkus ay napalunok na lang ito.
“I’ll see you soon, baby,” saad ni Ray. “Be ready for what’s coming…” patuloy nitong pang-aakit sa dalaga.
‘Di na kayang pigilan ni Ruth ang kan’yang nararamdaman kaya naman umupo ulit ito at napa-cross leg. Mabilis n’yang binaba ang tawag ni Ray dahil baka kung saan pa ito humantong.
Saka n’ya lang muling narinig ang boses ng kan’yang idolong chef nang bumalik na tuluyan ang kan’yang ulirat. Napabuntong-hininga s’ya at napapunas ng pawis sa mukha. ‘Di n’ya mapigilang mapailing sa dami ng kabalastugang alam ng nobyo.
“Sorry, chef. I was distracted for a short while,” saad na lang ng dalaga at muling bumalik sa panunuod ng kan’yang idolo.