BOOK 2 CHAPTER 4

1414 Words
“Sigurado ba kayong uuwi pa kayo ngayon? Eh maghahating-gabi na eh.” Pag-aalala ng ina ni Ruth. “Pwede naman kayong dito na lang matulog dahil may isang bakanteng kwarto naman tayo, anak,” muling pagkumbinse ng ina sa dalagang nakapulupot na ang kamay sa baywang ng kan’yang mahal. Nagtinginan lang muna sila Ruth at Ray na para bang nag-uusap sila sa kanilang pagtitigan. Maya-maya’y sinagot na rin ng anak ang ina na nakangiti. “Ma, sa susunod na lang po. May lakad po kasi kami bukas na sobrang aga. Baka mahuli po kami kung dito kami matutulog ngayong gabi. Buti po sana kung dala na namin ‘yung susuotin po namin.” Hinaplos ng anak ang braso ng ina at pinauunawa rito ang dahilan kung bakit ‘di nila magagawa ang gusto ng nito. Napabuntong-hininga na lang si Mrs. Irene at maya-maya ay ngumiti na rin. “Oh, s’ya! Sige na nga! Sa susunod na lang anak,” nakangiti pero nakangusong saad ng ina. Napatawa na lang sina Ren, Mr. Valerius, Ray at si Ruth. Pinisil naman ng asawa ang pisngi ni Mrs. Irene sabay hinalikan ito. Agad namang napangiwi si Ren at tumalikod sabay kunwaring naduduwal. Mas lalong tumindi ang kanilang tawahan nang pabirong binatukan ng ama ang bunsong anak. Maging sila Randy at Pedro na nasa labas na naghihintay na sa kanilang amo ay napatawa rin. Nang tumila na ang tawanan ng lahat, biglang umalis ang ama at nagtungo sa may kusina. Sa kabila nun ay nagpatuloy lang sila sa kanilang kwentuhan. “Ano na ang mangyayari sa movie mo ngayon, Sir Ray? Gayung nakulong po ‘yung co-star ninyo?” malungkot na tanong ni Mrs. Irene. Ngumiti lang si Ray at nagkibit-balikat. “Tomorrow, we’ll find out about whether we will pursue its completion, or we’ll totally cancel it.” Tumango lang ang ina ng dalaga. “I hope you like the food that I prepared, Sir Ray,” nahihiyang tugon ni Mrs. Irene na nagbigay kulay sa kan’yang maputlang pisngi. Hinablot ni Ray ang kamay nito at marahang pinisil. Yumuko s’ya upang magpantay ang kan’yang tingin sa ina ng mahal n’ya sabay sabing, “There’s no doubt about it, you really are my grandmother’s apprentice.” Ray then gives a genuine smile before moving back and trying to collect himself. He is becoming emotional, and he has promised himself that he will not be affected by any trivial matter. However, it is about his grandmother's legacy, which is not a trivial matter for him. Napansin ni Ruth ang lungkot na naramdaman ng kan’yang mahal kaya mas lalo n’ya pang hinigpitan ang pagkakakayapos dito. Bigla namang gumaan ang pakiramdam ni Ray nang mapagtantong hindi s’ya nag-iisa. “Are you alright, baby?” bulong ng dalaga sa taynga ng binata. Sa kabila ng lungkot sa mga mata nito, ay pinilit pa rin ni Ray na ngumiti para mapawi ang ang pag-aalala ng kan’yang mahal. “I am, baby,” he replies as he moves his face closer to her neck. “Thank you,” he said, nuzzling his nose to her radiant and smooth skin. Nang masaksihan nina Ren at Ms. Irene ang paglalambing ni Ray kay Ruth ay nagtinginan lang ang dalawa at maya-maya ay ngumiti na rin. Bigla namang sumulpot mula sa pinto si Mr. Valerius dala ang isang ecobag na may tatlong medium size Tupperware sa loob. “Heto, ate. Pinagbalot ko na kayo ng mga tira pang ulam mula kanina. Dalhin n’yo na lang ito dahil ‘di naman namin ito mauubos lahat.” Nakangiti si Mr. Valerius nang iabot n’ya ang ecobag kay Ruth. Agad naman itong kinuha ni Ray mula sa kan’yang mahal. “Salamat po sa pa-bring home, Pa.” Kumiwala si Ruth mula sa pagkakayapos kay Ray at nagtungo sa ama at niyakap ito ng mahigpit. “Salamat po, Pa. Sa tuluyang pagtanggap sa relasyon po namin ni Ray,” bulong ng anak sa ama. Mas lalong napangiti ang ama sa winika ng anak at sa halip na sumagot dito, niyapos n’ya ng lang ng sobrang higpit ang dalagang anak sabay tinapik ito mula sa likod. “Oh, sya, anak! Ilang minuto na lang maghahating-gabi na. Better be on your way. And visit often,” saad ng ama habang niyayapos pa rin s’ya ng anak pero kinamayan n’ya naman si Ray na nasa likod lang ni Ruth. Matapos mayakap ang ama ay niyakap namang muli ng dalaga ang ina. “Ma, salamat po sa napakasarap na hapunan. Na-miss ko po ang luto ninyo.” Matagal din na natigil sa pagluluto si Mrs. Irene. Buhat kasi nung na-enclosed sa road right-of-way ang maliit n’yang karenderia at ma-demolish ay nawalan na s’ya ng ganang magluto. Hanggang sa unti-unti na ring humina ang kan’yang katawan dahil nanaig ang lungkot sa kan’yang puso at isipan. “Walang anuman, anak. Unti-unti na ring bumabalik ang kagustuhan kong magluto muli. Pasyal kayo palagi rito anak upang patuloy kong maipapatikim kay Sir Ray ang mga putaheng tinuro sa’kin ng kan’yang lola,” saad ng ina habang pinagdaop ang isang kamay sa pisngi ng anak. “Opo, ma. Mas dadalasan po namin ang pagbisita rito. At alam ko pong gusto rin po ni Ray ang ideyang ‘yun.” Sabay na tinignan ng mag-ina si Ray na masayang kausap si Mr. Valerius. “Ate, kailan ka po bakante?” Bigla namang nagsalita si Ren na nasa gilid lang ng ina. “Sa susunod na linggo, bunso. Pero depende pa rin sa kahihinatnan ng magiging resulta ng pag-uusap namin bukas nina Mater Godric, bunso,” pagpapaliwanag ni Ruth. “Ah okay, ate.” “Bakit sana, bunso?” Napakamot muna ito sa kan’yang tuktok na wari ay nagdadalawang-isip na magsabi sa kan’yang kapatid. Pero dahil kailangan n’ya ang tulong ng ate ay binulalas n’ya rito ang totoo. “Magpapasama po sana ako sa inyo sa pag-i-enroll po sa review center po.” Mabilis namang nagliwanag ang mukha ng ate. “’Di mo ba tatanggapin ‘yung offer sa’yo ni Master Godric nung mga nakaraang linggo?” Napangiti muli si Ren na tila ay nahihiya rin. “Humingi po ako ng advice sa senior ko po tungkol po dun. Sabi po n’ya na mas maiging mag-review raw po muna ako at mag-take ng boards. Kapag naging licensed engineer na raw po ako saka ako magsisimulang magtrabaho para yung order of events daw po sa professional career ko ay naka-chronological.” Napahanga muli ng bunso ang kan’yang ate bunsod sa sinabi nito. ‘Di makapaniwala si Ruth sa intellectual capacity ng kapatid dahil kung ikukumpara silang dalawa, mas mature pang mag-isip si Ren kaysa sa kan’ya. “Sige, bunso. Kung magtatanong man si Master Godric tungkol sa’yo ay alam ko na ang isasagot ko sa kan’ya,” wari ng kapatid sabay ginulo ang buhok ni Ren. “Baby…” Biglang napatingin si Ruth sa pinagmulan ng boses at nakita n’ya ang maamong mukha ng kan’yang mahal. “Let’s go. It’s almost midnight,” nakangiting pagyaya ni Ray na umuwi na. He then reaches his hand to Ruth and when she grabs it, they both bid goodbye to everyone and then immediately climb into the car. Binuksan pa nga nila ang window ng kanilang sasakyan upang mag-wave sa pamilya ni Ruth na nasa loob lang ng terrace habang nag-wave goodbye rin sa kanila. Nang tuluyan ng makalayo ang sasakyan ay muli nang itinaas ni Ray ang binata ng sasakyan at niyapos ng husto ang mahal. “Let’s come here often, baby,” says Ray. Hinalikan n’ya rin ang tuktok ng mahal na nakasandal sa kan’ya. “Okay, baby,” sagot ni Ruth habang nilalaro nito ang mga malalaking daliri ng mahal gamit ang kan’yang mga daliri. “Let’s come here every weekend, baby,” pagpapatuloy ni Ray. Ikinagulat at ikinatuwa naman ni Ruth ang nais na mangyari ni Ray. “Really? You like that?” ‘Di matago ng dalaga ang sigla sa kan’yang puso. Tumango lang si Ray na wari’y nahihiya. He may appear complex, but his desires have always been clear and simple. “Okay, baby. Let’s come here and visit home every weekend. So long as your schedule permits it.” Tumangong muli si Ray na parang bat ana pinangakuang dadalhin sa amusement park. Dahil dito ay napabungisngis si Ruth at maya-maya’y nahawa na rin ang binata. Dahil malinis ang lansangan, ay nagpatuloy lang ang kanilang byahe. Walang traffic at kung anu-ano pa sa daan kaya mabilis silang nakarating sa mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD