CHAPTER 3
“Sigurado ka bang okay lang na wala tayong dadalhing pasalubong sa kanila, baby?” ‘Di mapakaling saad ni Ray. Napapaindak n’ya ang kan’yang kanang paa sa pag-aalala na baka isipin ng pamilya ni Ruth na matapos n’yang ipakita sa kanila ang pera n’ya ay ngayon magiging kuripot naman s’ya sa mga ito.
Biglang kinapa ni Ruth ang hita ng mahal n’ya at dahil dito, napatitig na lang sa kan’ya ang binata. Mahahalata ang pag-aalala sa mga mata nito. “I know them, baby. Your presence is more than enough. You don’t need to bring gifts for them.” Matapos n’yang sabihin ang mga ito ay binigyan n’ya ng isang matamis na ngiti ang binata at pagkatapos ay hinalikan ito ng mayumi sa pisngi.
“There’s still time. Pwede naman tayong mag-pull-over sa madadaanan nating Mall, baby.” Ayaw pa rin talaga patinag ni Ray. ‘Di talaga ito mapakali.
Ruth just closes her eyes and then shakes her head. “Matatagalan tayo kapag dumaan pa tayo sa Mall, baby. Let’s just head there fast.”
Nais sanang magsalita muli ni Ray pero agad na tinaas ng dalaga ang kan’yang daliri at tinapat ito sa bibig ng nobyo. Ray did nothing but stare into Ruth’s very enticing eyes.
Maya-maya’y bigla na namang umandar ang pagiging playful nito. Unti-unti itong ngumiti sa kabila ng daliring nakasagabal sa bibig nito. Mabilis na nabatid ng dalaga ang susunod na mangyayari pero huli na ang lahat at kinagat na ni Ray ang kan’yang daliri.
Bigla namang napanganga ang dalaga na wari’y nasasaktan sa ginagawa ng binata pero maya-maya rin ay tumawa ito.
“Let go, baby!” Impit nitong saad na pinipigilan ang kan’yang pagbungisngis.
“Na-uh!” sagot naman ng binata na patuloy pa ring kinakagat ng mahina ang daliri ng mahal n’ya.
“Please…” Sinubukan naman ngayon ni Ruth na magpacute pero napangiti lang ng husto si Ray na halos ‘di na makita ang mga mata.
Nanatili silang ganito, si Ruth pilit na sinusubukang tanggalin ang daliring kinakagat ni Ray habang si Ray naman nalilibang ng husto sa kabalastugang ginawa n’ya.
Maya-maya’y biglang pumreno ang sasakyan. Dahil dito ay napatigil ang dalawa sa kanilang kulitan at sabay na napatingin sa banda ng driver.
“Pedro, may problema ba?” pagtataka ni Ray dahil nakita nilang lahat ng mga sasakyan sa paligid ay isa-isang sinuri ng mga pulis at mga myembo ng highway patrol group.
Dahil dito ay pinindut ni Pedro ang intercom sa may harapan ng sasakyan dahilan upang agad itong kumonekta sa sasakyang pinaglulanan naman ni Randy.
“Pre, alam mo ba kung anong meron?” tanong ni Pedro sa kasamahan na nasa unahan. Bali napapagitnaan sila ng dalawa pang sasakyan kaya mas naunang nasuri ng mga awtoridad ang sasakyang minamaneho ni Randy.
“Checkpoint, pre. May sini-search lang daw na tao ang mga awtoridad,” paliwanag nito. “Pakisabi na lang nila Sir at Miss na ihanda ‘yung mga IDs nila. Kung mauuna man ako, dun ko na lang kayo hihintayin sa may gas station sa may bandang unahan.”
“Sige, sige, pre.” Agad namang binaba ni Pedro ang intercom. Nasa tapat na kasi ng bintana n’ya ang dalawang lalaking magkaiba ng uniporme. Binaba n’ya na rin ang bintana sa dako n’ya at maging sa tapat ni Ray. Kinuha n’ya rin mula sa kamay ng kan’yang amo ang IDs.
“Magandang araw po, Sir,” pagbati ni Pedro sa mga lalaking nakauniporme sa kan’yang tapat. Ngumiti muna ang mga ito sabay bumati rin.
“Magandang araw rin po sa inyo, Sir. Saan po ang punta ninyo?” tanong nung isang lalaki habang tinitignan ang larawan sa mga ID at lumilingon ng pabalik-balik sa mga tao mula sa loob ng sasakyan.
“Sa may Monte Cristo lang po kami, Sir. May bibisitahin lang po kami roon,” magalang na sagot ng driver.
Bigla na lang nanlaki ang mga mata ng pulis nang mabasa n’ya ang pangalan ng lalaki mula sa pinakahuling ID na kan’yang tinignan. Agad rumihestro sa kan’yang isipan ang pagkapamilyar ng pangalan. Kaya naman, mabilis n’yang kinalabit ang kasama at pinakita rito ang ID.
Nagtinginan lang silang dalawa saglit at sabay na lumingon sa lalaki sa loob ng sasakyan.
“Sir Ray Jacobs?” Mararamdaman ang panginginig ng boses ng lalaki habang binabanggit ang pangalan ni Ray.
“Yes?” Ray replies with an impassive look on his face.
Nanginginig na binalik ng lalaki ang mga ID kay Pedro at mahahalata ang kanilang pagkatakot sa kabila ng kanilang mga ngiti.
“A-ay, Sir. P-patawad po kung naabala namin ang byahe p-po ninyo. M-may ginagawa lang po kaming s-search sa lahat ng sasakyang papasok at lalabas mula sa syudad,” mayuming pagpapaliwanag nung pulis.
“Naiintindihan ko, Officer.” Unti-unti namang binigyan ng kakarampot na ngiti ni Ray ang mga awtoridad.
“Maari na po kayong pagpatuloy sa inyong byahe, Sir Ray. Tapos na po namin kayong i-check. Maraming salamat po sa inyong malawak na pag-unawa sa aming ginagawang operasyon,” magalang na saad nung isang lalaki na kasama ng lalaking naka-uniporme ng pulis.
“Maraming salamat din po sa inyo, Officer.”
At pagkatapos nilang magpaalam sa mga ito ay muli nang itinaas ni Pedro ang kanilang mga bintana at nagpatuloy na ito sa pagmamaneho.
Si Ruth, tahimik lang na nakapulupot ang mga kamay sa baywang ng kan’yang mahal habang nakaakbay naman dito ang kan’yang nobyo. Panay rin ang paghalik ni Ray sa tuktok ng dalaga dahil bukod sa sobrang mahalimuyak ang buhok nito, ito rin ang isang paraan upang ipabatid n’ya ang kan’yang lubos na pagmamahal.
“Are you okay, baby?” bulong ng binata sa dalaga.
Dahan-dahan namang itinaas ng dalaga ang kan’yang mukha hanggang sa mag-abot ang kanilang mga titig ni Ray. Pawang sinusuri ng bawat isa ang kaibuturan ng pagkatao ng kanilang minamahal sa pamamagitan ng kanilang pagtitigan.
Tila agad namang sumuko si Ray at dahan-dahang binaba ang kan’yang labi hanggang sa maabot nito ang pinupunteryang distinasyon.
He slowly and gently buries a kiss into Ruth’s lips. They both close their eyes as they relish the lovely moment, they share with each other.
‘Di alintana ng mga ito na paminsan-minsan ay sumusulyap sa kanila si Pedro pero ‘di sila nababagabag na matunghayan nito ang pagpapakita nila ng pagmamahal sa isa’t isa. Sapagkat, wala silang pakialam sa iisipin ng ibang tao.
“I love you, baby. And I will do anything in my power to worship you in every way that I can.” Napapikit na lang si Ruth habang tinatamasa ang kiliti at kilabot na naramdaman habang binubulong sa tapat ng kan’yang taynga ang mga salitang ito ni Ray. Ramdam n’ya ang init ng hininga ni Ray sa kan’yang taynga na nagdulot ng kakaibang reaksyon sa kan’yang katawan.
Bigla na lang s’yang napakagat sa kan’yang labi habang nakapikit pa rin ang mga mata. Napansin ito ni Ray kaya naman pinaulanan n’ya ng maliliit na halik ang mahal n’ya.