Chapter 13

2118 Words
"Where have you been yesterday? Nakailang tawag ako hindi mo sinasagot. Huwag mong sabihing maghapon ka sa salon?" Si Almira sa kabilang linya habang inaayusan siya ng kaniyang make-up artist. Wala siya sa mood para siya na sana ang mismong magme-make up sa sarili kaya tinawagan na lang niya si Thea. "Masarap matulog pagkatapos mong magpa-beauty kaya sorry. Pagdating ko ng bahay nakatulog agad ako. Nakalimutan ko na isi-nilent ko ang cellphone ko kaya hindi ako nagising sa madami mong tawag." Sophia chuckles. After her recorded interview ay pinuntahan niya ang mga magulang. Her mom was crying but she understands. Her Dad comfort her. Enough to know that he support what she did. How lucky she had them. Pagkauwi niya ay totoong nakatulog siya at umaga na siya nagising. She feels like exhausted after the interview. At ngayong araw ipapalabas iyon. Hindi niya alam kung ready na siya sa magiging reaksyon ng mga kaibigan niya lalong-lalo na sa magiging reaksyon ni Alfonso. "Really, huh? If I know baka kasama mo lang si Alfonso." Nai-imagine na ni Sophia ang mukha ni Almira habang sinasabi iyon and that make her smile. Somehow ay nabawasan ang bigat na nararamdaman niya. "Even Alfonso keep on calling me last night. Pasensiya na, minsan lang ako makatulog ng mahimbing." Aniya at sinundan niya ng bahagyang tawa. "Fine, fine. But, you called Emmie na? Pupunta ako mamaya sa kaniya. To make sure her dress looks nicer than yours." Pang-aasar pa nito. Actually, wala siyang damit. Ipinakuha nalang niya kanina kay Chino iyong isang display na dress sa kaniyang boutique. Even her staff are busy for the fashion week kaya hindi na siya nagpatulong sa mga ito. They are all exhausted. "Don't worry. Hindi ako nagdesign ng bago para sakin." Muli niyang binuntitan ng tawa ang kaniyang sinabi. "Sophia. Stop thinking about your problems muna. Lets enjoy Emmie's birthday, okay?" Kilala nga siya ni Almira. She is trying to make her feel better. '"Who's thinking about my problems? Are you?" pang-aasar pa niya dito pero sa totoo lang ay gumaan kahit konti ang pakiramdam niya. At least her parents supported her. "Yeah, yeah. Sige na. Need to end this call na. See you nalang. Please, do not make a scene again. Hindi na tayo mga bata." Pahabol pang bilin ni Almira. Natawa siya sa sinabi nito. "Damn! I am such an evil." aniya na tinawanan lang nito at tinapos na ang tawag. She did her usual routine. Nakapag-swimming pa siya at nakapag-exercise ng 30 minutes bago siya nag-ayos para sa birthday ni Emmie. Alfonso did call her just to say that he can't accompany her to the bar. May gig daw ang The Gboys. Yes, The Gboys na sila at hindi na El Guwapitos. Matured na daw sila. Natawa pa siya sa sinabi nitong matured na ang grupo kaya hindi na daw nila lalabanan sa popularity ang El Fashionista. "I love you, Sophia. Babawi ako. Promise." sabi nito na tinawanan lang niya. "Matured akong tao kaya I don't require you to treat me as a teenager girlfriend na hindi maiintindihan ang trabaho at passion mo. Besides, no one will try to flirt with you. Subukan lang nila at matitikman nila ang hindi pa nila natitikman sa buhay nila." she sounds like an evil girlfriend after she said the last words. Pero natawa lang naman si Alfonso sa kaniya. "Really, huh? So confident." "Bakit? May gusto ka bang masaktan? Physically?" banta pa niya. Mas lalong natawa si Alfonso. "I want to kiss you right now. Damn." she smiled. Na parang katabi lang niya si Alfonso. "Habol ka nalang sa birthday party ni Emmie. Magtatampo yon 'pag 'di ka nagpunta. She is still your friend." "I am. Kahit hindi ako invited." Anito pero hindi siya naniniwala. "Ikaw? Hindi invited? Huwag ka ngang magbiro." "Ask her if she invited me to her birthday. Actually, its been month na hindi kami nagkakausap." Wait, what? Buwan? Bakit para noong kausap niya si Emmie ay wala naman itong nabanggit na hindi na sila nagkakausap ni Alfonso. Is there a problem between them? "May problema ba kayo?" Hindi na niya napigilan ang sarili. Yes, they were ex lovers but she trust Alfonso and Emmie. "Wala naman. Baka kasi may mag-selos." Kumunot ang noo niya. Selos? Sino? Siya? May time na nai-insecure pa rin siya kay Emmie pero ang totally magselos? Na-ah. "Haay, bahala na nga kayo. Just be there even if the party's done. Hintayin kita." Analang niya at hindi na siya nag-usisa pa. Buhay ni Emmie iyon. Kung may iniiwasan man ito ay hindi na muna siya makikialam. Natawa si Alfonso. "I love you, Sophia." Natahimik siya bigla. Muling nanariwa sa isip niya ang katotohanan. Sana nga, hindi niya lubos na masaktan si Alfonso. "Huwag na kaya tayo um-attend sa mga pupuntahan natin?" "Damn, I miss you so much." Parang nai-imagine na niya ang gigil na mukha ni Alfonso. Kung dati ay palagi siya nitong ina-angilan dahil sa ugali niya, ngayon heto sila. "We need to end this or else pareho tayong makakagawa ng eksena. Ayaw ko ng pagmulan ng eskandalo." And that hit her. Ipapalabas na mayamaya lang ang interview niya. Himinga siya ng malalim bago muling nagsalita. "I love you, Alfonso. Even if you don't believe me, I know to my self that I love you. So much that I could sacrifice everything just to prove how much I love you. Magalit ka na o kamuhian mo ako. Basta mahal kita." "Sophia..." "Speechless, huh? Gotta go. Tumatawag na si Almira." Hindi na nakapagsalita pa si Alfonso at mukhang hindi yata inasahan ang mga sinabi niya. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa mga lumabas sa bibig niya. Hindi naman tumatawag si Almira. She just received a message from her even from Mihara and Emmie that they would be expecting her. Ano ba ang tingin nila sa kaniya? Na umiiwas pa siya? Hindi pa niya ulit nakakausap sina Seventeen, Riobelle at Cassy. Isinuot na niya ang kaniyang damit. Its just an off shoulder golden-yellow dress. Since ang gusto ni Emmie at kumikinang ang lahat. Emmie did a reservation sa bar. So sila lang talaga ang naroon and some of the closest family member of Emmie. Totoong hindi niya tatalbugan ang dress na ginawa niya para kay Emmie. Kahit na sa totoo lang ay iyon ang plano niya noong una. Damn it! Akala ko ba hindi ako insecure sa kaniya? Emmie is perfect. Hindi siya anak ng kriminal at mas lalong hindi siya anak ng pumatay sa mama ni Alfonso. Tumulo ang kaniyang luha na mabilis naman niyang pinalis. Masisira ang make-up niya. Pero masakit. Nasasaktan siya. Kahit anong pagkukunwari ang gawin niya, masakit pa rin. She is a best actress on her own life story. Madrama na kung madrama. Its her reality and reality is more painful than a television drama. Tahimik pa ang bar nang dumating siya. Agad niyang nakita si Mihara na punong abala. Nilapitan agad siya nito at sinipat ang suot niya. "Sabi mo wala kang ginawang damit mo. Bakit parang mas bongga ang suot mo sa damit ko?" Anito nang malapitan siya. Inirapan niya ito. "Tanggapin mo na na mas maganda talaga ako sayo. At isa pa, ako ang gumawa ng damit mo, hindi ka pa ba nagtataka?" Pang-aasar niya dito. Pero bagay dito ang ginawa niya. She just made a one shoulder golden cocktail dress at nilgyan niya ng sequins iyon sa waist part ng damit. Simple but elegant. Natawa lang si Mihara. "Insecure ka lang sa beauty ko kaya hindi mo binonggahan ang damit ko." Sagot naman nito. Nagtawanan nalang sila nang biglang may tumikhim sa likod. It's Riobelle. Golden yellow din ang ginamit niyang kulay sa damit nito pero tube dress naman. El Fashionista is really back on track. "The best designer of all time." Ngumiti si Riobelle sa kaniya pagkasabi non. Hindi na niya napigilan ang sarili at niyakap na ito. "Glad you like the dress." Aniya nang kumalas siya dito. "Bakit kay Riobelle ang sweet mo? May payakap-yakap ka pang nalalaman? Sa akin naka-irap ka agad. Ang unfair, ah." Nakalabibpang sambit ni Mihara pero tinawanan lang nila ni Riobelle. She's happy that somehow, the past remains in the past. Hindi na galit ang mga kaibigan sa kaniya. "Si Seventeen nagpa-park lang daw and si Cassy kasabay daw ni Almira." Ani Mihara. Tumango siya at naupo sa bakanteng upuan na naroon. "How simple is this birthday party? Sino ang banda?" Tanong niya kay Riobelle na nagkibit lang naman ng balikat. "Don't know the band. Itong si Mihara ang punong abala." Sambit nito. Tumango siya at inilibot ang paningin sa kabuuan ng bar. Just a simple celebration. A semi-formal party. Na-miss niya talaga ang El Fashionista. Back in high school, they were so popular na kung sinuman ang kakalaban sa kanila ay tiyak na mananagot. Then came the El Gwapitos. Doon tuluyang nasira ang reputasyon nila. At aminado siya na dahil din sa pagka-immature niya mas nasira pa ang El Fashionista. "Yes! Mukhang may nag e-emote." Napalingon siya sa nagsalita. It was Seventeen. Nakita din niya na kasinod nito sina Cassy at Almira. Hmmm, Emmie is in the dressing room? Parang debutant lang, huh? "Hey! How's everyone? I hope hindi kayo nandito para sabunutan ako?" Aniya na ikinatawa lang ng mga kaibigan. "Tapos na tayo sa nakaraan. Move on din 'pag may time." Si Cassy. "Agree. And lahat tayo mga immature pa dati. Now, we're all professionals na." Si Almira. Pero napatingin sila kay Mihara nang bigla itong sunod-sunod na umubo na parang nasamid. "Bwisit...ano ba itong bigay mo, Seventeen. Nakakasamid." Reklamo nito at iwinagayway ang nasa kamay na pasalubong pa yata ni Seventeen kay Mihara. "Gaga ka. Katakawan kasi. Bakit mo ba nilantakan agad?" Sagot naman ni Seventeen. Pero may hinala siya kung bakit nasamid si Mihara and that remains within her nalang. Saka na niya ito kokomprontahin. "Where's the birthday girl? Parang debut lang, ah." Aniya at inilibot ang tingin sa paligid. "Nasa VIP room. Sabi niya lalabas na siya." Sagot ni Almira at sabay-sabay silang tumango. Nagkamustahan sila. Masyado niyang na-miss ang mga kaibigan at mukhang kukulangin ang gabing ito para maubos ang pagka-miss niya sa mga ito. Dumating din sa wakas ang birthday girl. And she was mesmerized by the beauty of her friend. Bagay na bagay dito ang damit na ginawa niya. A beautiful lady in black with golden accent. May fur pa sa left shoulder. "I like your design, Sophia." Mabilis siyang niyakap ni Emmie. "I know!" Mayabang na sambit niya. Natawa lang naman ito at kumalas na. "Sino banda?" Tanong ni Emmie. Nagtaka siya. Hindi din alam ni Emmie? Eh, sino ang...napatingin siya kay Mihara na nakangiti at lumapit kay Emmie. "In one minute, we'll start." Anito at biglang namatay ang mga ilaw at tanging sa stage lang ang mayroon. Bigla siyang kinabahan nang tumugtog ang isang pamilyar na kanta. Alam niyang original nila iyon. Sa iyong mga ngiti, ako'y nabighani Sa aking bibig, mayroong namutawi, Puso ko'y nagising sa pagtulog Sa matagal na panahon ako'y muling nahulog. Ngayon lahat sila ay natahimik. Ang atensyon ay nasa harap. At siya, nakatuon ang mga mata sa lalaking laman ng kaniyang isip at puso. Damn this man. Hindi sinabi sa kaniya na dito ang gig nila. Special talaga si Emmie. And then she saw Emmie. Lumuluha ito. Napalunok siya bago muling ibinalik ang tingin sa harapan. Oo at nauna silang naging magkaibigan ni Alfonso. Pero si Emmie pa rin ang una nitong naging girlfriend at unang minahal. Kapag nalaman ni Alfonso ang katotohanan, at nakipaghiwalay ito sa kaniya ng tuluyan. Maluwag sa loob niyang tatanggapin iyon maging ang galit nito sa kaniya. Simula nang malaman niya ang totoo ay hindi na siya naging masaya dahil palaging sumasagi sa isip niya ang katotohanan. Ngayon na iyon mawawala dahil malalaman na ng lahat ang totoo sa kaniya. Nasasaktan pa rin siya dahil ang unfair ng buhay niya na kung bakit siya pa ang naging bunga ng kasamaan ni Larry. It pains her more when she knew that Larry was the one who murdered Alfonso's mother. Pero lagi nalang niya isinisingit ang mga magulang niya sa isip niya para kahit na papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman niya. "My gosh. Is this true?" Napalingon siya kay Cassy. Hawak nito ang cellphone nito at ang mukha nito ay gulat na gulat. Hinablot naman ni Mihara ang cellphone. "Bakit ka nagce-cellphone?" Sita nito pero natigil nang makita ang nasa screen ng cellphone ni Cassy. Pagkatapos ay tumingin ito sa kaniya. "You're Larry Andrade's daughter?" Hindi makapaniwalang sambit ni Mihara. Parang tumigil ang mundo niya. Did she ruin a good reunion? Siya na naman ba ang dahilan? Bakit ngayon agad? Kakaumpisa palang ng party. "Sophia..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD