Nagising si Sophia na wala si Alfonso sa kaniyang tabi. Last night was wonderful. They did it three or four times? Damn, she's so sore down there. But she felt complete. Hindi niya ininda ang unang beses niya dahil mas naramdaman niya ang pagmamahal ni Alfonso.
Babangon na sana siya nang bumukas ang pinto ng kaniyang silid. Iniluwa niyon si Alfonso na may bitbit na tray ng pagkain. Umuusok pa ang soup na malamang ay ito ang gumawa.
"Hmmm, nagutom ako sa amoy ng seafood soup mo."
Kumunot ang noo nito habang ibinababa ang tray sa bedside table at umupo ito sa gilid ng kama saka siya tinitigan. "You know it's seafood, ang galing ng pang-amoy mo. I thought you're a designer. Cook ka rin ba?" Biro nito bago humalik sa pisngi niya. How she wish this will last forever or kahit sana itigil na ang oras.
"Yan nalang kasi ang meron sa stocks ko." Natawa silang pareho.
"Actually, yes. Mag o-order nalang sana ako but I want to make you a breakfast pambayad sa...uh... you know, pinagod kita so..." nabato niya ng unan si Alfonso. Paano nito nakakayang pag-usapan ang ganoong bagay?
"Kumain na nga tayo. Gutom na ako." Aniya at aalis na sana sa kama nang yakapin siya ni Alfonso. Nagtaka siya dahil parang may kakaiba sa kilos nito ngayon.
"Please don't leave me." Anito at hinigpitan pa ang yakap sa kaniya. "Huwag mo na ulit akong iiwan katulad noong mga bata pa tayo. Iyong bigla ka nalang hindi namansin at lumipat ka pa ng eskwelahan noon. When you do that again, I don't know. Hindi ko na alam pa ang mararamdaman ko." Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito kaya naman nagbiro nalang siya.
Kumalas siya dito at pabirong hinampas ang dibdib nito. "Hindi na ako lilipat ng school, Alfonso. Graduate na ako kaya hindi na 'yon mangyayari. And, I will never leave you. Huwag mo ngang iniisip 'yan." Tumawa siya. Who cares kung ayaw sa kaniya ng Papa nito? Who cares kung anak siya ni Larry Andrade? Hindi siya ang ama niya at lalong hindi siya ang criminal. She had her own life and no one can change that she is Sophia Nieva Dela Cuerva.
"Did Papa visit you?" Biglang tanong nito na ikinagulat niya. Bumilis bigla ang t***k ng puso niya.
"Huh? B-bakit?"
Umiling ito. "Nothing." Anito at muli siya nitong niyakap. Unti-unting nabawasan ang kaba sa dibdib niya. Final decision, tatanggapin niya ang lahat ng kalalabasan ng hindi niya pakikipaghiwalay kay Alfonso. On Emmie's birthday, she will tell him the truth. Mahal siya ni Alfonso at naniniwala siya maiintindihan siya nito.
"I am on my way to Emmie's. Sabi niya pinadala mo daw lahat doon ang mga damit? Why? May tinatago ka ba sa bahay mo at bakit kay Emmie mo pinadala lahat?" Reklamo ni mihara sa telepono. Nakauwi na si Alfonso at heto ang isa pa niyang sakit sa ulo na si Mihara.
"Hindi ko alam ang mga bahay niyo. May ibinigay ba kayong address para doon ko ipadala ang mga damit niyo? Sa boutique na nga lang sana kaso huwag na, busy ang mga staff ko para sa fashion show. And you have your car now, haven't you?"
"Car? Akala ko ba kilala mo ko? You don't need to ask me that. May driver pa ng ako lagi, eh. May grab car at taxi naman. Dami kong car." Natawa siya dito. Well, Mihara really never changed. Minsan nakakaasar ang mga banat nito pero at least now hindi na sila iyong tulad dati na laging nagbabangayan na as in kulang nalang ay magsabunutan sila.
"I miss the girls, really. Sana lang talaga ay hindi nila ako pagtulungang bugbugin. After everything I've done."
"Gumawa ka ng statement mo. Or mag-public apology ka." Biro nito na ewan niya pero bigla siyang napaluha. Yeah, what if hindi pa rin siya napapatawad ng iba? And ang public apology na sinasabi nito ay naka schedule na. Pagkaalis kasi ni Alfonso ay tinawagan niya ang kaibigan niyang talkshow host at nagpa-schedule ng interview. She will tell the world who she really is. Kaysa sa ibang tao pa manggaling ay mas mabuting sa kaniya na manggaling. She even told her parents her decision and her mother was hesitant pero napakalma naman niya. Tinulungan siya ng Daddy niya na pakalmahin ito.
Tinawagan din niya ang Papa ni Alfonso. Hindi ito nakapagsalita nang ipaalam niya dito ang balak niya pero sinabi niya ditong si Alfonso na ang magdedesisyon kung iiwan siya nito o hindi. Dahil kung siya ang tatanungin, hindi niya kayang hiwalayan si Alfonso. She love him, and she is not going to give him up.
"Silence? May naaamoy akong hindi maganda. Did I hit something?"
Suminghot siya at nag-react si Mihara. Humagalpak ito ng tawa. Well, she like it. Nang-aasar na naman ito pero ewan niya, masyadong maraming nangyari sa buhay niya pero parte iyon ng buhay niya. May kaniya-kaniya silang kwento at ito ang kwento ng buhay niya.
"Damn, Sophia. Marunong ka ng magdrama? Nagbago ka na talaga." Sabi pa nito. She rolled her eyes. Well, Mihara is Mihara. At tulad niya ay alam niyang may drama din sa buhay nito.
"At least now you know I know how to cry. Even the devil itself was an angel before. And I am the opposite." Muling napatawa si Mihara sa kabilang na sinabayan na niya. Alam nilang pareho na hindi siya anghel.
"Marunong ka na din magpatawa. Akala ko pambu-bully lang ang alam mo. Pero walang maniniwala na opposite kayo ni Lucifer. Hindi ka anghel, Sophia." Then again, she felt the pain pero hindi na niya ipinahalata pa kay Mihara.
"You know me. And, your dress isn't the best. You're not the queen anyway." Aniya at pinatay na agad niya ang tawag. Alam niyang babanat na naman ito pero bahala na itong manggalaiti.
Kinakabahan siya. Ngayon ang taping ng recorded interview niya. Bukas ito ipapalabas at bukas ang birthday ni Emmie. A very special gift for her friend. Alam niyang hindi pa siya tuluyang napapatawad ng mga kaibigan pero hindi puwedeng habang buhay ay itatago niya ang tungkol sa pagkatao niya. She's a face of a branded clothing line and she is a designer of some famous models.
"Take your time, Sophia. After naman nito, we can edit it. Kung gusto mong hindi ipalabas ang lahat." Si Zyra. Ang kaibigan niya host ng show.
"No, please, don't edit it. I want everything what I said be out. Don't sugar coat it." Walang ligoy na sambit niya.
Tumango naman si Zyra. "No problem, Sophia, just tell me if you're ready. Recorded naman ito kaya ayos lang."
"Just give me one more minute to prepare myself. You have the info, right?" Aniya dito at tumango naman ito.
"All is set. Don't worry, ako ang bahala. Kapag hindi ka na komportable, ipapa-cut natin ang taping." Sabi nito pero umiling siya.
"Ikaw ang in-allow ko sa interview na ito even if some reporters tried it before. So, Zyra, just trust me with this. Ikaw din ang makikinabang dito, I assure you." Aniya dito at naiinis na siya sa kakulitan nito. She just give some questionnaire she may want to know about her. But at the end of the interview, she'll tell the people that she is not a Dela Cuerva by birth.
She went to the rest room. Magpapakalma lamang siya sandali. Isinilent niya ang cellphone niya. Kanina pa tumatawag si Almira pero hindi niya ito sinasagot. Nagpaalam lang siya kay Alfonso na magpapa-salon siya at hindi naman na ito nangulit.
Huminga muna siya ng malalim bago lumabas ng rest room. The set was ready. They are all waiting for her. Now is the time.
"Ready?" Ngiting tanong ni Zyra sa kaniya.
"Yeah." Aniya at dumiretso na sa upuan na laan sa kaniya.
Sumenyas ang director at nag umpisa na agad na magsalita si Zyra para sa paunang pagbati nito. Medyo mahaba din ang intro nito bago siya nito in-introduce. Pumalakpak ang mga nasa audience. Bahagya lang siyang ngumiti at tumingin sa camera. Yes, sanay siya sa camera at media but this is not the usual.
"So, Ms. Dela Cuerva, it is really a privilege of not just for me but for the show for having you here. Napakaraming pumipila but, oh, iba talaga kapag kaibigan mo." Biro pa ni Zyra bago nito umpisahan ang mga tanong na siya din ang nagbigay.
"My pleasure, Zyra. Actually, busy kami this past few days dahil nagre-ready for the fashion show, oh, is it okay? Baka sabihin nila pino-promote ko ng walang bayad..." ganting biro niya na tinawanan naman ni Zyra.
"It's okay. Walang problema, actually we will give you time for promotion talaga." Anaman nito.
"Oh, okay. Well, thank you for that."
"So, as we all want to know. Matagal kang nawala sa front page, I mean, you focused on just being at the back of your designs. Marami ang nagtatanong, bakit? Mas ginusto mo nalang bang maging fashion designer dahil may mga mas bata ng model or is there any other reason behind it?" Okay, that's what with her questionnaire. Kilala niya kasi si Zyra na hindi sinusunod ang binibigay na script sa kaniya. Mas gusto nito ng impromptu.
"Well, I dreamed to become a model. But my first love is making models' clothes. I decided to stop walking at the runway when I realize na mas masaya akong gawin ang mga suot ng mga modelo. I am not insecure for those young models. Ako pa rin naman ang reyna." She can't act like an angel. Sabi nga ni Mihara, she's not an angel. Natawa ni Zyra sa kaniyang sagot.
"Yes of course you are the queen of the runway. But, for years na naging model ka at designer, we haven't heard about your lovelife? So, how's your heart, Ms. Dela Cuerva?" There you go Zyra. Sa una lang talaga ito susunod. That question was not in the script. She rolled her eyes. Wala siyang pakialam kung makita man iyon sa camera.
"My heart is happy, Zyra. So much that you can't imagine." Damn! Zyra went crazy after hearing her answer.
"Nakakakilig. Hindi ko pa man kilala kung sino ang swerteng lalaking iyon ay kinikilig na ako." Sabi pa nito. "Anyway, who is this lucky man?" Patuloy pa nito.
She smiled at her. Nai-imagine niya ang guwapong mukha ni Alfonso pero biglang lumitaw sa isip niya ang katotohanan. Now is the time she'll tell everyone about her secret. There is no turning back. She just need to ready herself for Alfonso's reaction. At ngayon palang ay nasasaktan na siya.
"Hmmm, mukhang private person ang swerteng boyfriend ni Ms. Sophia." Muling sambit ni Zyra na tinawanan ng mga nasa audience. She also chuckles but without humor.
"Yeah, actually his family is very private. But he is very supportive about my profession and he is really a gentleman. So, maybe, I don't deserve him?" Nakagat niya ang ibabang labi niya. Biglang nag-alala si Zyra. Magsasalita sana ito pero sumenyas siya na huwag.
"I actually took this opportunity to expose the real identity of Sophia Nieva Dela Cuerva..." matapang na sambit niya. Ngayon, hindi na niya maintindihan ang mukha ni Zyra. Ang mga audience ay napapasinghap nalang. "I am actually not a Dela Cuerva... I was born unexpectedly. Actually, hindi sana ako buhay ngayon until that crime happened."
"Wait, please, Sophia. Meaning you are adopted?" Hindi na nakatiis si Zyra. Umiling siya sa tanong nito.
"No. Anak ako ng mommy ko, but not my Dad, but...my Mom didn't cheat on my Dad..." huminga siya ng malalim. Nasasaktan siya pero alam na ng mommy niya ito at naiintindihan da siya. Oo at nag-aalala ito sa kaniya but she assured her she'll be fine. "She was raped..." lahat ng naroon ay napasinghap kasama na si Zyra. Her tears won't stop. Simula palang ay ganito na, paano pa kaya ang iba pa niyang rebelasyon.
"My real father was a criminal. My biological father is Larry Andrade." Muling napasinghap ang mga tao. Then Zyra snapped.
"Larry Andrade? Wait, hindi ba at nakalaya na siya ngayon after so many years in prison? But that's not really the crime I know. It's a crime for murdering the famous Architect Alvera Mendez-Javellana." Mas lalong sumikip ang dibdib ni Sophia. It's as if someone was crumpling her heart. Parang hindi siya makahinga.
"Oo, siya ang taong kailanman ay hindi ko mapapalitan sa buhay ko. Gustuhin ko man baguhin ang lahat ay hindi na pwede. I was begging for my father's love when I was a kid, that I didn't know he's not really my father. But we're okay now. Dad accepted me, even if it breaks his heart that every time he sees me, naaalala niya ang kahayupang ginawa ng noon ay bodyguard ng Mommy ko. Then after 5 years in prison Larry escaped from prison and he did something terrible again. He killed Architect Javellana. When I learned about it, it is so frustrating that I didn't know what to do. Nagkulong ako sa kwarto ko na inakala ng parents ko na may sakit ako. I kept it. Itinago ko sa kanila na alam ko na ang totoo. Hindi ko kayang sabihin. Now that he's out of the prison, may pamilyang hindi kailanman matatahimik dahil sa krimen na ginawa niya.
Ang pangalang Larry Andrade ay nakakabit na sa pangalan ko. Alam ko marami ang lalayo sa akin, dahil isa akong anak ng kriminal. But I am not my Father. I am Sophia Nieva Dela Cuerva and this is me."