Chapter 11

2141 Words
Hindi gusto ni Sophia na pumunta pero alam niyang hindi siya iiwan sa ere ni Almira. She texted her friend before she went out of her house. Para matapos na ang isa niyang problema ay gusto niyang malaman kung sino nga ba talaga ang taong nais siyang sirain at ang pamilya niya. Ramdam niya hindi pera ang gusto ng taong iyon. Front lang nito noon ang pera na alam naman nitong hindi problema sa kaniya. Tahimik ang lugar. Abandonado na ito pero hindi naman ganoon na matatakot ka kapag nakita mo ang lugar. Kikilabutan ka lang dahil sobrang tahimik. Umihip ang hangin at bigla niyang nayakap ang sarili. Malamig ang hangin. Sabagay, may mga punong nakapaligid sa lugar kaya sariwa ang hangin. Napalingon siya nang may marinig siyang kaluskos mula sa mga dahon na tuyo. Wala namang tao. Baka dahil sa hangin lang o kaya ay may kung anong hayop lang na dumaan. She went to the warehouse. Nakaramdam siya ng konting kaba. She is also human. Maldita siya pero tao pa rin naman siya na may kinatatakutan. For goodness sake she's alone. Hindi siya sigurado kung nakasunod na ba si Almira o may inutusan nanitong sundan siya. Then her cellphone rang. Ang inaasahan niya. "You came. At hindi mo ako binigo." Anito at nawala agad ito sa kabilang linya. Then she heard something from the back. Paglingon niya ay nanlaki ang kaniyang mga mata sa nakita. "It...was...you..!?" Hindi niya lubos na maintindihan ang kaniyang nararamdaman ngayon. Halo halo na. At ang isang pakiramdam na ayaw niyang maramdaman ay ramdam niya ngayon. The pain! "D-Doctor Iñigo Ja-Javellana." Halos hindi lumabas sa bibig niya iyon. Lumapit ito at tumigil mga isang metro ang layo sa kaniya. This man speaks of authority. Kahit na may edad na ay mababakas pa rin ang tikas nito at ang mestisong mukha nito na siyang minana ni Alfonso. And yes, it was Alfonso's father. But why? Bakit hindi nalang siya kinausap ng deretsahan sa umpisa palang? Bakit kailangan pa nitong magpanggap? "I guess you have so many questions inside your head now." He smirked. Dr. Javellana looks like his son, really. "Why? If you want me out of your son's life, then you don't need to act as if you're a criminal..." gusto niyang bawiin ang nasabi na ngunit huli na. "Bullshit!" Nagulat siya sa pagsigaw nito. Kailanman ay hindi niya ito nakaharap pero kilalang-kilala niya ito. "Ang ama mo ang kriminal at alam kong alam mo iyan." Nanlilisik ang mga matang nakatingin ito sa kaniya. Dobleng kaba ang naramdaman niya. She can feel the anger from him. And he can't blame him. Namatay ang asawa nito at ama niya ang kriminal na sinasabi nito. "Then why do you need to play hide and seek? Bakit mo pa ako kailangang i-blackmail? Puwede mo po akong kausapin ng harapan." Lakas-loob niyang sambit. "Dahil ang akala ko ay madadaan ka sa ganun. Pero hindi ka pala talaga basta-basta, that's what I heard. Maybe because of your criminal father." Nasaktan siya sa sinabi nito at kusang tumulo ang luha niya. Kahit na anong gawin niya, kahit na ibang tao ang tumayong ama niya, kapag nalaman na ng tao ang tungkol sa totoo niyang pagkatao ay mabubura ang lahat sa kaniya at tatatak na lang ang kasamaang ginawa ng totoong ama niya. That's reality. And it pains her more because the man she love was a victim of the past. "Kahit na ano pala ang gawin ko ay nakatatak na sa akin ang pagiging kriminal ng totoo kong ama. Well, we don't have a choice. Gustuhin ko mang huwag akong ipanganak sa mundo o kaya ay ang piliin ko kung sino ang magiging ama ko ay hindi puwede. I am a criminal's daughter. I am not proud of it, but I am living my life having that nightmare. And I also hate myself for loving the son of yours. Ang anak ng taong pinatay ng ama ko. I hate being me. I hate being Larry's daughter." Nanghina siya at napaupo nalang. Wala ng lakas ang kaniyang paa. Alam niya ang nais mangyari ni Doctor Javellana. Sana, sana ay noon pa siya nakinig sa Mommy niya. Sana ay hindi niya sinunod ang puso niya. Nanatiling nakatayo lang si Dr. Javellana ng tiningala niya ito. Mukhang nagulat sa sinabi niya. "I'm sorry for loving your son. Pilit kong inignora ang damdamin ko sa kaniya dahil alam kong sa bandang huli ay pareho kaming masasaktan pero sumigi pa rin ako. Bakit ganun? Bakit po ang hirap iwasan ng anak ninyo? Bakit po ako ang minahal niya? Bakit niya ako minahal? Sa kabila ng mga kagagahan ko noon bakit ako pa rin? Bakit hindi nalang si Emmie? Maayos na ako noong sila pa, eh. Pero bakit po? Bakit ko siya minahal ng sobra? Bakit siya pa? Bakit kami pa?" Hindi ito nagsalita. Pero kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagkamangha. Marahil ay dahil sa mga sinabi niya. Hindi siya lasing para maging ganito siya pero sobrang sakit na ng puso niya. Simula pa pagkabata ay namamalimos na siya ng pagmamahal sa kinagisnan niyang ama. Ngayon naman ay parang kailangan niya muling mamalimos ng kahit konting pagmamahal mula sa taong minamahal niya. Katulad din kaya ng Papa ni Alfonso ang magiging reaksiyon nito kapag nalaman na nito ang totoong pagkatao niya? How would Alfonso react about the truth? Kung siya ang tatanungin ay baka kung ano ang magawa niyang hindi niya maiisip na kaya niyang gawin. She lied to him. And that is really a big deal to a relationship. She broke his trust. Oo at sinabi niyang mahal niya ito pero ang maglihim siya dito ay hindi madaling tanggapin. Tumayo na siya at nagpunas ng luha. "Please leave my parents alone. Kung gusto niyo pong layuan ko ang anak ninyo ay makakaasa po kayong gagawin ko iyon. Huwag lang muling masaktan ang mga magulang ko. They had enough. I am the living proof of the past but still they loved me. So please, spare my family. I'll leave Alfonso. Just give me time to talk to him." Pilit niyang pinipigilan ang kaniyang luha na nagpupumilit muling kumawala sa kaniyang mga mata. May kung anong parang matigas na bagay ang bumabara sa lalamunan niya dahil sa pagpipigil. Nagulat si Sophia nang pag-uwi niya ng kaniyang bahay ay naghihintay doon si Almira. Malungkot ito na wari'y alam na nito ang nangyari. Hindi siya nagsalita at mabilis siyang yumakap dito. "Damn it! Ang sakit ng puso ko, Almira. Tulungan mo akong mawala ang sakit, please." Doon niya inilabas ang hagulgol. Gusto niyang mabawasan ang sakit. Paano niya sasabihin kay Alfonso ang katotohanan? Hindi niya maitataboy ng basta-basta si Alfonso. Ginawa na niya iyon dati pero ito ang kinalabasan. "Two days from now, birthday na ni Emmie. If you want to do what you think you need to do, please, make the best way of it." Si Almira na hinahagod ang kaniyang likod. Bahagya siyang nakaramdam ng ginhawa. Tahimik na lamang siyang umiyak sa yakap nito. Almira left when she thinks she's okay. Well, technically she's not but unlike before na halos mawalan na siya ng malay dahil sa panghihina. Then she thinks of the best way on how to let Alfonso leave her nang hindi ito magpupumilit na nagsisinungaling siya o kaya ay gumagawa lang siya ng rason para lumayo ito. Since her friends doesn't know her secret, and that Mihara opened "The Dare" again, iyon ang gagamitin niya para si Alfonso na mismo ang lumayo sa kaniya. Matutulog na sana siya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha niya ito at biglang muling bumalik ang kaninang nararamdaman niya. "Hey." Halos pumiyok ang boses niya nang sinagot niya ang tawag ni Alfonso. "I miss you, Sophie. And I can't seem to sleep tonight unless I see you. So, please...come out..." pagkasabi niyon ni Alfonso ay bumalikwas siya ng bangon at agad lumabas ng kaniyang silid at mabilis na binuksan ang kaniyang pinto. She saw Alfonso outside standing beside his car. Muli siyang nilukob ng pagmamahal niya para sa binata. "Promise, this is the last time I will let myself follow my heart." Aniya sa sarili at mabilis na tinungo ang gate. Pagkabukas niya ay mabilis siyang yumakap kay Alfonso. "I miss you, too, Alfonso. So much." She can't control herself anymore at ayaw niyang kontrolin ngayon ang damdamin niya. Iiwan din naman siya ni Alfonso ay lulubos-lubusin na niya ang damdamin niya para dito. "Oh, Sophie. I can't imagine life now without you." Anito. Humigpit pa ang yakap nito. Napangiti siya sa sinabi nito pero may kirot siyang naramdaman sa kaniyang puso. Kumalas siya dito at hinawakan ang kamay ni Alfonso. "Stay here with me tonight." Nagulat pa si Alfonso sa sinabi niya. "A-are you sure?" Natawa na siya ng tuluyan. Napakabilis talagang magbago ng mood niya kapag nariyan si Alfonso. "Takot ka ba sa akin?" Biro niya. "Damn. Sophia, hindi mo alam ang ginagawa mo." Frustrated na sambit nito. Nginitian lang niya ito at hinila na ito sa loob. "I trust you. So much na kaya kong ipagkatiwala ang buong gabing ito sa iyo." Tumigil siya sa tapat ng bukas na pinto at tinitigan ito. Sinuklian naman nito ang pagtitig niya. Kitang-kita niya ang pagmamahal sa mga mata nito. Ang saya at ang intensity. Bahala na. Alam niya ang nararamdaman nito at ganoon din siya dito. Alfonso slowly caress her face. She closed her eyes and feels Alfonso's touch. Parang may nabuhay sa kaniyang buong pagkatao sa haplos palang nito. Then she feel his hand found her neck and pulled her for a kiss. Tinugon niya ang halik na iginagawad ni Alfonso. Naramdaman niya ang pagpasok nila sa loob ng bahay at narinig din niya ang paglock ng pinto pero hindi niyabiyon inintindi. The only thing that matters now is their feelings for each other. Isang buong araw lamang silang hindi nagkita ay parang taon na ang lumipas kung gaano nila namiss ang bawat isa. Paano nalang kapag nagkahiwalay na sila ng tuluyan. Then she stop. Lumayo siya kay Alfonso at kitang-kita niya ang pagtataka sa mukha nito sa ginawa niya. Para kasi siya napaso nang dahil sa sumingit na alaala sa isip niya. Would she allow it, this night to be their last? Baka mas lalong hindi niya magawa ang dapat kung ipagpapatuloy niya ito. But... "What's wrong?" It was like a lullaby to her ears. Ang malamyos nitong boses. Ugh! Bokalista ang boyfriend niya malamang ay may maganda itong boses. "I-I'm sorry. I w- was just nervous." Palusot niya na ikinatawa nito. Damn his laugh. Babaunin niya ito sa kaniyang mga alaala. "Really, huh?" Muling nagdaiti ang kanilang mga balat. And the electricity was still there. Her desire was still awake. "Can I not feel that?" "You're lovely when your not nervous, but lovelier when you are." Pagkasabi ni Alfonso niyon ay muling sinakop nito ang kaniyang mga labi. Mas mapusok at mas mapang-angkin. Kasama na ang kamay nito na siyang dinadama ang bawat parte ng kaniyang mukha, hanggang sa bumaba sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang katawan. Natagpuan nito angbkaniyang dibdib at naramdaman niya ang bahagya nitong pagpisil doon. May narinig siyang ungol na hindi niya sigurado kung galing iyon sa kaniya o kay Alfonso but it makes her more horny. Nakakapag-isip pa siya pero ayaw niyang pagbigyan ang isip ngayon. Her heart is winning and she'd rather let it win. Bumaba ang mga labi ni Alfonso sa kaniyang leeg. This time, she heard herself moan. Kinagat niya ang kaniyang labi. The intensity of their bodies are getting higher. Tila mga kahoy na nagbabaga sa apoy at mas lalo pang nagliyab nang mahanap ng mga labi ni Alfonso ang kaniyang dibdib na hindi niya namalayang malaya na pala sa mga saplot na nakatakip dito. How did that happen? Naka-focus lang siya sa nararamdaman niya at hindi na niya namalayan ang pagtanggal ni Alfonso ng kaniyang damit. "Oh..." hindi na napigilan ni Sophia ang sariling hindi mapaungol sa sarap ng sensasyong nararamdaman. These are all new. Oo at mukha siyang may alam pero ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng intimate relationship sa mga lalaki. And she never had a boyfriend na siyang ipinagtataka ng karamihan. Sandaling lumayo si Alfonso sa kaniya upang ito naman ang magtanggal ng damit. At manghang napatitig siya sa katawan nito na animo inukit ng kung sinong sikat na iskultor sa napaka perpektong hulma. Hindi niya na pinigilan pa ang sarili na damhim ang abs nito na nagsusumigaw sa kaniyang harapan. Animo hinihipnotismo siyang damhin ito. "You're beautiful, Alfonso." Wala sa sariling sambit niya. "And you're a goddess, Sophia." The he again claimed her lips. Sharing their love for each other. Ang pag-iisa nila ang patunay ng kanilang pag-ibig sa isa't-isa. Hindi maipaliwag ni Sophia ang sayang nararamdaman nang mga oras na iyon at kahit kailan, hindi niya ito makakalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD