Hinatid ni Alfonso si Sophie hanggang sa kaniyang bahay. Hindi naman talaga siya nagpahatid but he insisted. Hindi na nga daw siya puwede sa alok nitong dinner date dahil nga nauna na ang date niya kay Almira ay hindi pa din daw ba puwedeng ihatid siya nito? Kakaalis nga lang nito at pinilit pa niyang umalis at baka madatnan pa sila ni Almira. Hindi naman sa ayaw niyang malaman ni Almira pero para kasing ambilis ng mga pangyayari. Time will tell kung kailan niya aaminin sa kaibigan ang tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Alfonso. Bahala na ang dare. Sasabihin nalang niya kay Mihara na hindi na siya sasali sa Dare.
Eksaktong kabibihis niya ng damit nang may magdoorbell. It was Almira and her face was like she had found something interesting. Nakakalokong ngiti ang nasa mga labi nito. Oh well, mukhang eto na ang oras. Ang bilis naman ng sign niya.
Excited itong pumasok sa loob ng kaniyang bahay. She just shook her head. Kilala na niya ang kaibigan. Hindi siya pwedeng maglihim kapag may hinala na ito na alam nitong tama ang hinala nito.
"Now talk!" Agad na sambit nito pagkaupo na pagkaupo nito sa kaniyang sofa. Astang reyna pa ito. Napangiti siya. Simahan niya ito sa sofa at ginantihan ng ngiti ang kaibigan.
Yayakapin pa nga sana niya si Almira pero pumiksi ito. "What?" Natatawang sambit niya dito.
Her brows furrowed. She's frustrated. Alam na niya kapag ganito si Almira. Naiinip na ito sa sasabihin niya. "Why Alfonso was with you? Nakita ko siya na galing dito." Sabi nito.
"Galing mismo dito sa bahay ko? Where do you saw him?" Panghuhuli niya dito. Alam niyang siya ang hinihuli nito.
Umismid ito at inirapan siya. "I saw him going out of the village. So sino pa ba ang pupuntahan niya dito? Bakit? Magkapit-bahay na ba kayo ng pinsan kong si Emmie? I think hindi naman dito ang bahay niya." Parang nasaktan yata siya doon. So may possibility pa rin na beside her, Emmie was the best choice for Alfonso.
"It hurts you know? Being compared to others. And being only the second choice." Napatanga sa kaniya si Almira. Malamang ay dahil sa sinabi niya.
"Hindi bagay sayo ang drama, b***h. So now tell me the reason why you want me to sleep over tonight. Masyado bang seryoso at ayaw mong sa phone nalang pag-usapan?" Now that Almira mentioned, she remembered her problems. How can all those be normal when she was with Alfonso? Nakakalimutan niya na may malaki siyang problema kapag kasama niya si Alfonso. Paano nga ba niya uumpisahan ikwento kay Almira ang lahat?
"But first. Kumain muna tayo. Bumili na ako kanina bago pa ko umuwi." Tumayo na siya at tinungo ang kusina.
Naramdaman niya ang pagsunod ni Almira. Alam niyang bitin na bitin ang kaibigan pero inintindi pa rin siya. "Bigla tuloy akong kinabahan sa sasabihin mo. Malapit na ang birthday ni Emmie. May mangyayari na naman bang drama?" Pabiro ito pero alam niyang nag-aalala na ang kaibigan niya.
Habang inihahanda ang kanilang pagkain ay nagsalita siya at saglit na ngumiti kay Almira. Almira sat in a dining.
"Hindi na ako tulad ng dati, Almira. But I prefer na ako ang pasimuno kesa iba. Ako pa rin dapat ang reyna." Biro naman niya dito.
"Huh! You wish. We are all grown ups so, reyna na tayong lahat. At tayo, pareho tayo ng industriyang ginagalawan. Mag-aagawan pa ba tayo sa trono?" Tumigil siya sa ginagawa at tiningnan si Almira. Then after seconds of silence, they both laugh at each other.
"Of course lahat tayo bida. Damn, I really miss the old days. Kumain na nga muna tayo." Eksaktong natapos niya ang paghahanda.
"Actually gutom na nga ako. Mamaya na ang talambuhay mo. Ngayon lang ako kakain ng totoong pagkain." Ani Almira. Well, she just prepared a seafood dish. At meron pa silang desert na cheese cake. Pareho silang natawa dahil kahit siya ay hindi ganoon nakakakain ng maayos hindi dahil diet siya kundi dahil na rin sa sunud-sunod na nangyari nitong mga nakaraan.
They eat. Na halos lumubo na ang tiyan nila sa kabusugan. Masarap pala ang pagkain sa restaurant na iyon. Doon ang sinabi ni Alfonso na masarap ang pagkain lalo na nga ang seafoods nila at hindi nga ito nagbibiro, masarap nga talaga ang pagkain doon. To think na pihikan silang pareho ni Almira sa pagkain. O sadyang na miss lang nila ang totoong pagkain?
"I almost forgot to stop. Mapagalitan pa ako ng manager ko 'pag tumaba ako." Sambit Almira matapos silang makapaglinis ng hapagkainan. Natawa silang pareho. Sa kanilang dalawa, mas focus si Almira sa modeling kesa sa kaniya.
"Some says we're just models. Pero hindi nila alam ang hirap natin. Sa mga go see palang hirap ka na. You have to have more experience before you can go on top. Well, its their opinion." Kibit ang balikat na sambit niya.
"So, care to tell me now you greatest secret? That even your best friend doesn't know about it?" Ibang ngiti ang iginawad ni Almira sa kaniya. Something that tells her she needs to tell her now before it spreads to everyone.
Naupo siya sa sofa. Sinamahan naman siya ni Almira. "The thing is, it's really a big secret. Na baka pati ikaw lumayo sa akin kapag nalaman mo." Her heart began to thump faster.
"Bigla akong kinabahan, huh? Ano ba kasi 'yan? Damn, Sophie. Don't keep me hanging." Halata rin ang biglang pagbabago ng mukha ng kaibigan. Is she ready? Is she really going to tell Almira about her real identity? Who her real father is?
Biglang tumulo ang luha niya. Almira began to tap her back. Ugh! She thought it's fine when it's Almira. But now, she doesn't know where she will begin.
"Damn, Sophia. I am not used to it. You? Crying? For Pete's sake how big is your problem?" Nag-aalala na ito.
"Have you heard the name Larry Andrade?" Umpisa niya. Nag-isip pa ito at kumunot ang noo. Maybe she doesn't know? Or, she heard it pero hindi pinagtuunan ng pansin. Umiling ito pero kinuha nito ang cellphone nito at nag-google ng pangalan ni Larry Andrade.
Kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata ni Almira habang binabasa ang mga artikulo tungkol dito. Pero kumunot ang noo nito bago tumingin sa kaniya. "Ano'ng kinalaman ng killer ng Mommy ni Alfonso sayo?" Takang tanong ni Almira sa kaniya. Hindi pa rin mahulaan ang gusto niyang iparating. Kahit sino naman siguro ay hindi maiisip iyon.
Mas lalong sumikip ang dibdib niya. Mabanggit lang ang Mama ni Alfonso ay halos panawan na siya ng ulirat. Paanong kung magbiro ang tadhana ay ganoon katindi?
"Almira, I-I..." humagulgol na siya. Hindi nagsalita si Almira. Bagkus ay niyakap siya nito.
"Sophie..."
"I am not my father's daughter. Hindi ako dapat nabuhay. I am a criminal's daughter. At ako ang habang-buhay na alaala ng masamang nakaraan ni Alfonso." Halos pabulong na niyang sambit. Masakit itong aminin kahit sa sarili niya, pero iyon ang katotohanan.
Naramdaman niya ang panginginig ni Almira. Kilala niya ito. Pareho sila ng ugali. Pero alam niyang mas may puso si Almira sa kaniya. Hindi lang siya sigurado ngayon sa magiging reaksiyon nito.
Siya na ang kumalas sa yakap ng kaibigan. "I understand if you will stay away from me. Kahit ng nalaman ko ay hindi ko matanggap sa sarili ko ang katotohanan. And then now, I love Alfonso that I couldn't even think of the way how to tell him the truth. Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya. Maiintindihan ko kung hindi mo na..." hindi na niya natapos ang sasabihin nang sinampal siya ni Almira.
Parang panggising ang sampal na iyon. Nanlilisik ang mga mata nito. "Sa tingin mo, hindi ko kino-consider ang naramdaman mo nang ikaw ang makatuklas sa totoo mong pagkatao? I know the story of Larry Andrade. I read it. Your Mom was r***d. At ikaw, ikaw ang bunga. Pero hindi ipinabalita iyon. How can you handle that? Ang hirap ng sitwasyon mo tapos sasabihin mo sakin na iiwan kita? Kaibigan mo ako. You are the sister I never had. Bakit mo iisiping iiwan kita?"
Mas lalong nanikip ang dibdib niya. Nasasaktan siya hindi dahil pinapagalitan siya ni Almira. Nasasaktan siya dahil pinagdudahan niya ang pagmamahal sa kaniya ng kaibigan. Pero hindi naman niya pipilitin na samahan siya nito at tanggap niya kung iiwasan siya dahil sa totoong pagkatao niya.
"Sophie, you trust me enough to tell me this. If I were you, I don't know if I can still face you. Mahihiya siguro ako. Baka tuluyan na akong lumayo at hindi na kailanman magpapakita sa mga kaibigan ko. But you..." hinawakan nito ang dalawang balikat niya. Tumingin siya dito. The sincere expression of Almira's eyes make her realize that she had a true friend. "...you are strong. Kinaya mong tanggapin sa sarili mo ang katotohanan. So please, don't doubt me. I love you, Sophie." Muli siyang humagulgol. Yes! She deserve a friend like Almira. Sa mga nangyari sa buhay niya, deserve niya ang isang tulad nito na tanggap kung sino siya.
Niyakap niya ng mahigpit si Almira. "I'm sorry, Almira. And thank you for your love. I know this is too much pero tinanggap mo ako. Ayos na ako. I can breathe now. At least someone knows the real me."
"Damn. Bakit mo sinarili ang sakit? You, bitch." Natawa na siya sa sinabi nito. Well, it's Almira. And yes, sanay na siya sa paraan ng pananalita nito dahil mas malala pa siya.
Kumalas na siya dito at ngumiti sa kaibigan bagamat hindi pa rin maampat ang kaniyang luha. Somehow, she's happy that Almira is with her now. "Thank you, Almira. This is really a big help. At least alam mo na ang totoong ako. You know I hate fake people. But now I realize, lahat may rason bakit kailangan natin minsan magbalat-kayo. Kung bakit tayo nagsusuot ng maskara para takpan ang pangit na nakaraan o ang mantsa ng nakaraan."
Kumunot ang noo ni Almira sa kaniya. She chuckled a bit. "When did you learn to be like that? Your words of wisdom became more like, it's like Emmie?" Parang hindi siguradong tugon nito.
Emmie? Tunog Emmie na ba siya? Ugh! No! Hindi niya ginagaya si Emmie and never in her whole life would she imitate Emmie. She is the total opposite of her. Marahas siyang umiling. "Ako ang lalayo sayo kapag ikinumpara mo pa ako kay Emmie." Banta niya sa kaibigan na ikinatawa na nito. Hinawakan siya nito sa kamay.
"You're unique in your own way. We have our own uniqueness. Kaya don't feel insecure." Sambit naman nito.
Sarkastikong tinawanan niya ito. Now she feels at ease. Hindi tulad kanina na napakabigat ng dala-dala niya sa dibdib. "Me? Insecure? Duh!? Where do you get that?" She then rolled her eyes. But Almira only laughed at her.
"Yeah right. So, you and Alfonso?" Biglang singit nito.
Natigilan siya. Of course there is still a problem. Isa pa ang taong may alam ng lahat ng sekreto niya na nanghihingi ng kabayaran para sa pananahimik nito.
"Please don't tell Emmie, yet. I called her and asked if we could switch prospect pero hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari. Hindi ko pa rin sinasabi kay Mihara na hindi ko na itutuloy ang dare."
"I am not in the position to tell Emmie this. Ikaw dapat. But I think there is still bothering you. May hindi ka pa rin ba sinasabi sa akin?" Curious na tanong ni Almira.
Alangan man pero wala na siyang dapat na ilihim pa kay Almira at baka matulungan siya nito kung paano mapapatahimik ang taong iyon. She didn't even know who it was. "Someone knows my secret at binantaan niya ako na isisiwalat niya in public ang totoo kapag hindi ko ibinigay ang gusto niya. Al, hindi ko magagawang sirain ang pangalan ng pamilya ko. Lalo na si Mommy. She was broke then. Ayaw ko ng makitang nasasaktan siya. Until now, alam ko na hindi pa rin nakaka move-on sa nangyari lalo na sa Mama ni Alfonso." Bigla na naman siya napaluha. The pain in her chest is hurting her.
"Damn. Bakit napakrami mong problema?" Nasabi nalang ni Almira at muli na naman siyang niyakap. "I'll see what help can I give you for that moron. Hindi niya dapat tayo binabangga." Anito habang yakap siya.
Anuman ang maging solusyon, dasal pa rin niya ang maayos na kalusugan ng kaniyang Mommy. Dahil sigurado siyang didibdibin nito kapag naisiwalat sa publiko ang naging bunga ng kaso nito dati. Even her can't imagine how she will feel when everyone stares at her with disgust. Sanay siyang hinahangaan o pinupuri. Pero ang pandirihan o kasuklaman dahil kriminal ang tatay niya ay parang hindi niya kayang tanggapin.
Nagising siyang mag-isa nalang sa kwarto. May sulat na iniwan si Almira sa bedside table niya at maaga daw siyang tinawagan ng manager nito kaya hindi na siya nito inabalang gisingin.
Bumangon na siya at naglinis ng katawan. She was having her coffee when her doorbell rang. Kumunot ang noo niya. Walang siyang maagang bisita. At hindi siya nag-order ng breakfast niya. Ang guard sa labas ay hindi man lang itinawag na may bisita siya ng maaga. Kilala nito malamang kaya hindi na ipinaalam sa kaniya.
Tinungo niya ang pinto at pinagbuksan ang kaniyang maagang panauhin. And her heart went wild when she saw a gorgeous man before her. Kaygandang umpisa ng umaga.
Ngumiti ito ng matamis sa kaniya. Hindi pa man siya nakakaganti dahil sa gulat na hindi man lang nagsabing pupuntahan siya nito ngayon ay mabilis na siya nitong hinalikan sa labi. A swift move that would make her tremble. How beauty is her day to start.
"Good morning, Mischievous Chic." Ngiting bati nito matapos ang halik.
"Mischievous, huh?" Aniya nang makabawi. " why are you here unannounced?" Aniya pero iginiya na niya ito papasok sa loob ng bahay. Hinawakan siya nito sa baywang and there you go again. The excitement she felt before was there. Masasanay din siguro siya 'pag nagtagal sila.
"Hindi na surprise kapag sinabi ko and by the way, here." Hindi niya napansin na may hawak pala itong tatlong piraso ng Red Roses. Dati ay hindi siya natutuwa sa red rose. Pero ngayon na binigyan siya ni Alfonso, napakaganda pala nito. At ang puso niya, heto at tuwang-tuwa.
Kinuha niya ito at inamoy. The smell, mukhang gusto niyang bumili ang perfume at red roses ang fragrance. "I didn't know you have this sweet gesture. Sa sobrang daldal mo kasi dati..." natigil siya dahil muli na namang lumapat ang labi ni Alfonso sa labi niya. This time, mas matagal. Naramdaman pa niya ang paggalaw nito. She closed her eyes to feel it more pero pagkapikit niya ng kaniyang mata ay agad namang humiwalay si Alfonso.
Dumilat siya at nakita ang ngiti sa mga labi nito. "Damn! I love you so much, Sophia." Anito. And she can feel every word he says. Ang mga mata nitong punong-puno ng kahulugan.
Her eyes began to water. Hindi niya alam kung kailan niya naramdaman ang ganitong pag-ibig kay Alfonso but yes, she love him too. "I love you too, Alfonso." Pagkasabi niya non ay siya na ang tumawid sa pagitan nilang dalawa at hinalikan ito sa labi.