Halos hindi maigalaw ni Sophia ang mga paa. Yeah, she trusts Chino. Binasa nga ba niya talaga ang mga papel na pinirmahan niya? Yes natatandaan niya pero hindi si Alfonso ang nabasa niyang architect.
"Madame, sorry. Late na din nag-inform ang firm. May ibang project daw si Architect Jimmy Esteban kaya si Architect Javellana ang in-charge ngayon sa atin. Uh, magkakilala po kayo?" Hindi na napigilan ni Chino ang hindi magtanong nang parang wala dito ang pansin nila ni Alfonso.
Hinamig niya ang sarili at nagbawi sa titigan nila ni Alfonso. Tumingin siya kay Chino at ngumiti dito ng pilit. "He's my neighbor way back in my childhood." Sagot niya lang para hindi na mang-usisa pa ang bakla. Pero nang marinig ang sinabi niya ay iba ang naging ngiti nito. Isang makahulugang ngiti ang pinakawalan nito at ibinigay na ang folder kay Alfonso na alam niyang kinikilig pa ito nang makalapit na kay Alfonso. Sandaling ibinaling naman ni Alfonso sa papel ang tingin.
"Here's the plan. Kapag may nais pa kayong ipadagdag or ipabago, just tell me the details." Sabi nito habang ibinibigay kay Chino ang flash drive pero ang titig nito ay nasa kaniya.
Taas noo naman siyang naupo nalang at pilit binabalewala ang mga titig nito. Mas lumakas tuloy ang kutob niyang may alam ito tungkol sa pagkatao niya.
"All I want is that you have to make sure that there is no back job to be left behind. Kaya kami nagpalit ng firm ay dahil ayaw na naming matulad sa dati ang nagyari. Napakarami tuloy repairs na ginawa. Mas napamahal pa kami. I am being practical here. And I want my money to be worth it." She said with her usual acting skills. Yes, dahil halos hindi na siya huminga habang sinasabi iyon.
"There's no problem with that, Ms. dela Cuerva. Sisiguraduhin namin na walang maiiwang trabaho sa amin. Sue us if there is one." Ngayon ay sumeryoso na si Alfonso samantalang kanina, pakiramdam niya ay sarkastiko itong nakatingin sa kaniya.
"Good."
Ngumiti ito at inumpisahan na nitong i-explain ang bawat detalye ng plano. Pasok lahat sa panlasa niya at sa gusto niyang mangyari. Detailed din ang pagkakapaliwanag nito.
"It was all good. As far as I can see with the plan, may konti lang akong request. Since it is bigger than this branch, 'yan na ang gagawin kong main branch. Just make the pantry bigger. I want my staff be comfortable when they were having their break. And more space for my office. Additional para sa closet."
Inilista naman lahat nito ang mga karagdagang detalye. "Ibibigay ko agad sayo ang revised blue print once it was done. The contract will be ready maybe next week. I am pleased to have a meeting on a Sunday afternoon. This is the first time actually. Wala ka bang pahingang boss nila?" Now, he's being informal.
"Gusto ko lang kasi na matapos na agad ito para naman sa mga susunod na araw ay mapanatag na ako. Ngayon lang ito dahil ako nalang ang namamahala ng boutique." Sagot na lamang niya. Napatingin naman siya kay Chino na kanina pa yata silang pinagmamasdan.
"Ah, may fashion show din kasi kami next month kaya uunahin na muna namin na maplantsa ito. Busy ang boss namin." Kumindat pang sabat na ni Chino. Ngumiti naman si Alfonso dito at tumango.
"I can see how busy your life now. I guess you don't really have time for your self." Komento pa ni Alfonso.
"Naku, Architect sinabi mo pa. Kaya walang jowa yan dahil masyadong career woman ang peg." Muling sabat ni Chino.
Pinandilatan niya ito ng mata para tumigil na at nag-peace sign lang ito sa kaniya. Mamaya na lang niya ito pagagalitan. Bumuntong-hininga siya bago bumaling kay Alfonso na nakangiti pa rin. What's with that smile? Naaakit lalo siya sa kaguwapuhan nito. Damn!
"So, we're settled then?" Aniya at siya niya ang naunang tumayo. Inumpisahan na rin ligpitin ni Chino ang mga gamit.
Hindi pa rin matanggal ang ngiti nito sa labi. "Not until we signed the contract." Anaman nito. Well, he's right. Wala pa nga pala ang kontrata.
She awkwardly chuckled. "Yeah right! Just phone Chino for the contract signing. Thank you for your time and sana hindi kami naka istorbo dahil linggo." Sabi pa niya. Sa totoo lang ay nawala na din sa isip niya na linggo. Mabuti at pumayag si Alfonso sa meeting. Sandali lang naman ang meeting nila. But his effort for attending it, it was really a plus point for the firm.
"No worries. I have no plans every Sunday. And sa umaga din naman ako nagsisimba kaya walang problema." Sambit naman nito. Kung makipag-usap ito akala mo wala silang napag-usapan kagabi. "Disappointed, te?" Tudyo na naman ng isip niya.
"Thank you for reminding me. Chins, samahan mo ko mamaya magsimba, huh?" Baling niya kay Chino na tapos na din magligpit.
"Sure, Madame." Hindi pa rin matanggal ang kilig nito. Halos mangisay na nga ito at mukhang gusto ng sunggaban si Alfonso at pupugin ng halik.
Naglakad na siya palabas ng board room. Didiretso na sana siya sa opisina niya nang tinawag siya ng isa niyang staff.
"Madame, may nagpadala po." Anito na ang tinutukoy ay ang bouquet ng bulaklak na nasa may reception area.
Nagtatakang nilapitan niya ito. Sinipat niya ang mga bulaklak. She is not fan of flowers but it was fine. Maganda ang pagkaka-arrange sa mga Rosas. They were all pink. Hinanap niya ang card pero wala siyang nakita. "Sino daw nagbigay?" Tanong niya. Pero nagulat siya nang pagharap sana niya sa staff niya ay si Alfonso ang sumalubong sa kaniya na nakikiusyoso din sa bulaklak. Muntik pa silang magkadikit ng mukha dahil nakayuko ito. Mabilis siyang lumayo. Tumikhim siya at binalingan ang receptionist. "Paki-lagay nalang sa vase, please. Thank you." Aniya dito at tinungo na ang kaniyang opisina.
Hindi na niya pinansin o nilingon pa muli si Alfonso. Pero pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina niya ay tumunog ang cellphone niya.
Its him.
"You're busy but you had suitors. No doubt. You had every man's dream for a woman." Nangilabot siya sa sinabi niya hindi dahil namdidiri o anuman kundi dahil alam niya ang ibig nitong sabihin. Bakit ngayon pa kasi. Alam niya kung sino ang nagpadala nun. At makakatikim talaga ito ng mura sa kaniya.
"Alfonso, we're done for today. You need to take a rest now. Pasensiya ka na at naabala kita ngayong araw."
"Bye, Sophia." Iyon lang at siya ang pumutol ng tawag. Palagi na lang kasing ito ang nauunang magpatay ng tawag.
Napabuntong-hininga siya. Right! Si Emmie. She dialed her number. Dati pa naman ay alam na niya ang numero nito pero hindi niya kailanman nagawang tawagan ito. Malapit na din ang kaarawan nito at ito nga ang dahilan kaya muling mabubuo ang kanilang grupo.
"Sophia!" Kumunot ang noo niya. How did she know it was her? And her voice. She's happy?
"Hi Emmie...uh, did Mihara already talked to you?" Hindi na siya magpapaligoy-ligoy pa.
"Huh? Ah, yun sa dare ba? Oo, pero ewan ko paano ko gagawin yung sa akin." Biglang nag-iba ang tono ng boses nito. Siguro naman mayroon itong contact kay Taruc. Sa grupo nila, si Emmie ang pinakamaunawain at nadamay lang sa kalokohan ng grupo kaya mapapatawad siya malamang ng El Gwapitos.
"Hmmm, may naisip ako. Do you want us to switch? Si Alfonso nalang ang sayo akin si Taruc?" Segway niya. Well, wala na siyang dapat sayanging oras.
"Huh? Si Alfonso? Sophie, you know I can't do that. We're friends now and I have to keep my promise to him." Muling kumunot ang kaniyang noo. Promise? What promise?
"Please, Emmie. I'm begging you. Please."
Biglang natawa ang nasa kabilang linya. First time. She heard a hard laugh from Emmie. "Sophie, why? I know you. Do you have something to say?"
"Damn, Emmie. Fine. Sorry for ruining you that night. Na-trigger lang talaga ako kasi nag..."
"Nag-seselos ka?" Putol nito sa kaniya. Well, tama. Iyon sana ang sasabihin niya pero, wait! What!?
"Emmie, its...damn why I feel like you are laughing at me now? So what if I'm jealous? Kaya ayaw ko na siya ang ise-seduce ko kasi nga mahal ko siya, okay?"
Muling humalakhak si Emmie. Nahiling tuloy niyang sana ay magkaharap sila para nasabunutan na niya ito. "You know what? I really can't help you with that but..." binitin pa siya nito.
"Don't keep me hanging, Emmie. Tell me what?"
"I'll try if I can make him fall for me again kahit na alam kong imposible. Let me try to make him jealous by being with Taruc. Ang gagawin mo lang ay manood and lets see if it'll work. Kahit huwag mo ng lapitan si Alfonso." Sambit ni Emmie na hindi niya ma-gets.
"I think mas okay pa rin kung magpapalit tayo. Wait! Don't tell me, may gusto ka kay Taruc?" Nanlaki pa ang mata ni Sophia nang ma-realize iyon.
Muli na namang tumawa si Emmie. "Pa'no ko ba sasabihin sayo na kahit anong gawin kong seduce kay Alfonso ay wala ng epekto sa kaniya? He's in..." biglang pinutol ni Emmie ang sasabihin. Bakit ba ang hilig mambitin ni Emmie?
"Emmie? Bakit ka ba nambibitin?"
"Sophie, Alfonso and I are just friends now. Alam kong mahirap paniwalaan, pero 'yon ang totoo. Kung sino man ang magiging girlfriend ni Alfonso in the future, I hope hindi niya kami pagdudahan. Or, I can distance myself from him para hindi magka-problema." Why does she feel that Emmie knows everything about Alfonso? May kaunting kurot siyang naramdaman sa kaniyang puso. Emmie and Alfonso are perfect for each other. But why they end up being just friends?
"Just call me when you change your mind." Aniya at in-end na niya ang tawag.
Wala siyang napala. Napabuntong-hininga nalang siya. So, what will she do?
Kinabukasan tumawag si Almira kay Sophie. Hindi pa man niya nareresolba ang problema niya kay Alfonso ay heto na naman.
"We will have our meeting tomorrow night. Alam kong wala kang lakad dahil gagawin mo lang naman ang para sa Fashion show kaya hindi ka gigimik." Dire-diretsong sambit ni Almira sa kaniya.
Natawa naman siya sa kaibigan. "Fine. Kahit na may lakad ako ika-cancel ko." Biro niya sa kaibigan.
"Of course you will. Hindi ka puwedeng wala. And, fitting na din. Done na yours, diba?" Ang tinutukoy nito ay ang mismong isusuot niya.
Ang totoo ay hindi siya makapag-decide sa isusuot niya. Baka yung mga naka-display nalang sa boutique niya ang pagpipilian niya. Bonggang party ang birthday ni Emmie pero bakit ganun? Parang wala na siyang oras na pagtuunan ng pansin ang isusuot niya?
"Hmmm? Something's fishy. Natahimik ka? Bakit? Wala ka pa para sa sarili mo?" Komento ni Almira na nagpagising sa kanita ulirat. Paano niya ba sasabihin sa kaibigan ang totoo?
"Almira. Do you have time today? Alam kong hindi mo ito ikakalat kaya alam kong safe sayo."
"Now I have goosebumps. How serious is this that you can't tell anyone? Nagse-secret kana sakin? Ang alam ko lang may gusto ka kay Alfonso dati pa."
Wait! What? She never told her that! "What!?"
Malutong na tawa ang narinig niya sa kaibigan. "Sophie, matagal na tayong magkaibigan. Hindi ka man lumilipat sa St. Louis Academy noon ay alam ko ng may pagnanasa ka na kay Alfonso. Lagi mo siyang bukambibig kesyo ganito-ganiyan. Sis, neighbors kayo and childhood friends din. Hindi ko lubos maisip na hindi ka magkakagusto sa yummy na tulad ni Alfonso." Halos pamulahan siya sa mga sinabi ni Almira. Napaka-transparent pala niya pagdating dito.
"Fine. Oo na. Aaminin ko. Pero hindi 'yon ang sasabihin ko sayo. Please puntahan mo ko kahit sa bahay ko nalang. Pwede ka na ding mag-sleep over if you want." Wala na siyang magagawa. Si Almira lang talaga ang pinagkakatiwalaan niya.
"Matitiis ba naman kita? Miss ko na din ang bonding natin. Shall I bring foods? Or ikaw na bahala?"
"Ako na ang bahala. Just bring yourself."
Kinakabahan siya na hindi niya mawari. She had a call after she had a talk with Almira. Someone knows her secret at mukhang kilalang-kilala siya nito. Kahit si Alfonso at ang mga kaibigan niya ay nabanggit nito. Nanghihingi ito ng malaking halaga ng pera kapalit ng pananahimik nito. What's the point? Hindi naman ito nagpakilala? Pero paano nito nalaman ang tungkol sa pagkatao niya? At nagbanta ito na kapag hindi niya naibigay ang hiling nito ay ibubulgar nito ang sekreto niya.
Napaiyak na lang siya. She can afford the money. Pero ang iniisip niya ay kung bakit ito nangyayari sa kaniya? Bakit ngayon pa ito nangyari? Sana noon pa ay ibinunyag na niya ang totoo niyang pagkatao. But now, she had an image to protect. And of course, her family. Hindi siya papayag na dahil sa kaniya ay masira ang mga ito.
Nagpunas siya ng mukha nang bigla nalang sumilip si Chino. Nagulat pa ito nang makitang umiiyak siya.
"Sorry. Si Architect ka..." hindi pa man natatapos si Chino ay pumasok na agad si Alfonso at isinara ang pinto. Nagtatakang tinitigan niya ito. What is he doing here? Hindi man lang nagpalampas ng isang linggo bago muling bumisita?
"Wh-what are you doing h-here? Tapos na tayo sa project diba? Or, okay na ba yung pinapadagdag kong..." she stuttered. Ayan ang napapala ng pagbabago.
"Why? Why didn't you tell me?"
"Huh?" Nagtaka siya. Gulat siya kanina nang makita ito at lalo na sa ginawa nito pagpasok nalang pagkatapos ay isinara pa ang pinto ng opisina niya. Pero, ano itong sinasabi ni Alfonso ngayon? He knows? Alam na ba niya ang totoo? Paano siya haharap ngayon dito? "Alfonso, let me explain...k-kasi...I'm sorry..." iyon lang at humagulgol na siya ng iyak. Buhol-buhok na kasi ang nasa utak niya. Nagsabay-sabay na ang iniisip niya. Tapos heto pa. Masakit. Oo masakit na mahal mo ang taong hindi mo naman dapat mahalin.
Hindi man niya ginisto pero iyon pa rin ang nangyari. Napatay ng ama niya ang mama ni Alfonso. Paano magiging okay 'yon? Paanong magiging masaya ang pag-ibig niya kung sa buong buhay ni Alfonso ay siya ang makikita nitong buhay na alaala ng pagkamatay ng mama nito?
"Sorry? Sorry for not telling me your true feelings? Iyong pilit mo akong itinataboy kahit na mahal mo rin ako? Sorry lang ang sasabihin mo? Kahit na ang puso mo ay taliwas sa sinasabi ng isip mo?" Seryoso ang mukha nito pero naroon ang sincerity.
Napatigil tuloy ang pagluha niya. What did he say?
"I went to Emmie. Baka kako ay may alam siya tungkol sayo dahil pakiramdam ko ay may mali sa mga ikinikilos mo. And she..."
"She told you that I love you?" She guessed. Pero ito at si Almira lang ang nakakaalam ng nararamdaman niya para kay Alfonso.
Umiling ito. "She did not. Pilit pa niya akong pinapaalis. Pero may dumating siyang bisita na mas importante sa akin. And she left me in her office. I accidentally saw her notes. May puzzle doon. And that's what I figured. "Enemy of the heart. Love of your heart." That's my quote. Noong nalaman ni Emmie ang totoo tungkol sa nararamdaman ko para sayo."
Naguluhan siya doon. So, hula lang nito iyon? Pero kung umasta ito akala mo ay totoo. Bakit hindi ba? Sabat ng isip niya.
"Akala mo lang pala, eh."
"Akala? Now tell me that's not true? Why are you saying sorry then? Huh?" Napasinghap siya. Hindi naman kasi iyon ang inakala niyang nalaman nito. Wala siyang paki kung malaman nito na mahal niya ito. Ang ikinakatakot niya ay ang magiging reaksiyon nito kapag nalaman nito ang totoong pagkatao niya. Kung sino siya sa buhay nito.
"Alfonso..."
"Sophia, lets try. Please? I will make sure it will work. I promise." Lumapit na ito sa kaniya. Kanina pa pala siya hindi makagalaw sa kinatatayuan niya.
"Can we do this? Really? Kaya mong tiisin ang pagiging maldita ko? Tanggap mo kung sino ako at kung ano ako?" Pilit niyang pinipigilan ang kaniyang mga luha. Maldita siya hindi ba? Bakit parang ang hina na niya ngayon?
"Ikaw mismo ang mahal ko. Hindi ang ugali mo o kung anong katangian pa ang meron ka. Ikaw mismo. Kung ano man ang meron ka, kahit saan ka pa galing na planeta, tanggap kita dahil ikaw ang itinibok nito." Kinuha nito ang kaniyang kamay at itinapat ito sa puso nito. Ramdam niya ang bilis ng pagtibok nito. Parang nakikipagsabayan sa pagtibok ng puso niya.
How can she ignore this now? Ang puso niya, sobrang saya. Kung papairalin niya ang isip niya. Hindi niya tatanggapin si Alfonso. Pero paano naman ang puso niya?
"Subukan natin, Sophia." Ang suyo ng pagkakasabi nito na kahit sinong makakarinig ay mararamdaman ang pagiging sinsero nito. Tumingin siya sa mga mata nito. Titig na titig ito sa kaniya.
She nod. And she smiled. Parang mabunutan siya ng napakalaking karayom sa dibdib sa ginawa niya. Masarap pala sa pakiramdam na pakawalan ang totoong nararamdaman. "Okay. Basta huwag mong asahan na babait na ko dahil lang tinanggap ko ang pag-ibig mo." Sabi pa niya pero niyakap lang siya ng mahigpit nito. Ramdam niya ang kasiyahan nito.
Bahala na. She will tell him the truth. Sa tamang panahon. Ngayon, puso na muna niya ang susundin niya. Hindi na muna ang mga problema. It will pass. She trust God and He will guide her.