Matagal bago siya dinalaw ng antok kahit na alam niyang maaga pa ang pasok niya kinabukasan. Gumugulo pa rin sa isip ni Sophia ang mga sinabi ni Alfonso sa kaniya. Pilit niyang inaanalisa sa sarili kung ano ba ang mas matimbang? Gusto niyang pagbigyan ang kaniyang sarili, pero ayaw naman niyang saktan sa bandang huli si Alfonso.
"Ugh! Sophia, kailan mo pa inisip ang kapakanan ng iba bago ang sarili mo?" Reklamo niya sa sarili. Sa totoo lang ay napakalaki talaga ng pagbabagong nangyari sa buhay niya. Pero naroon pa din naman ang malditang side niya. Iyon nga lang ay mas nag-iisip na siya ngayon. Hindi na siya basta-basta padalos-dalos sa mga salitang binibitawan niya.
Alas dos na ng madaling araw pero dilat pa din ang mga mata niya. Hinatid pa siya ni Alfonso. Kaya mas lalong dumagdag sa isipin niya na hindi pa rin ito nagme-message sa kaniya king nakauwi ba ito ng maayos.
Halos bumalikwas siya sa higaan niya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Ang akala pa mga niya ay si Alfonso pero si Mihara lang pala. Kumunit ang noo niya. What is her problem and she's calling her out of the blue? Madaling araw na, ah.
Hindi pa man siya nakakapagsalita nang sinagot niya ang tawag ay mabilis ng nagsalita ang nasa kabilang linya. "Sophia, I need your help."
Ramdam niya ang kaseryosohan sa boses ni Mihara. Ano naman kaya ang problema nito ngayon? "And why me?"
"Duh? Sino ba ang leader ng grupo?" Sagot naman nito. Kumunot ang kaniyang noo. Grupo? El Fashionista? Are they..."
"Wait, huwag mong sabihing may kalokohan ka na namang binabalak?"
Tumawa ito na malakas. "Naku, nagsalita ang hindi gumagawa ng kalokohan. At, hindi ako ang nakaisip ng kalokohan natin noon so don't blame me with that." Natatawa pa ring turan nito.
"Mihara, Wala ako ngayon sa mood para patulan ka. So ano ang hinihingi mo ng tulong ngayon?" She rolled her eyes. This girl is really something. But, somehow, she see the real Mihara.
"May contact ka kay Alfonso?" Tanong nito na siyang muling nagpaalala ng iniisip niya kaya hindi siya makatulog. Natahimik tuloy siya. "Uh, Sophie? Still there? Tinulugan mo na ba ako?" Sambit tuloy ni Mihara dahil hindi na siya umimik.
"May cellphone number niya ako. Why?" Kaswal lang na sambit niya. Hoping Mihara didn't notice it.
"Good, bale itutuloy natin kasi ang naudlot nating dare..." mas lalo siya natahimik.
What the? Iiwasan na nga niya si Alfonso, eh. Paano ba niya sasabihin sa mga kaibigan ang totoo? Kahit si Almira ay walang alam sa totoong pagkatao niya. Dahil hindi na siya nagsabi dito nang malaman niya ang totoo.
"Sophia? Still there?" Untag na naman ni Mihara. Kung hindi siya aayos ay mahahalata ni Mihara na may something sa kaniya at si Alfonso.
"I'm listening, Mihara."
"Really? Mukhang napakalaki nga yata ng ipinagbago mo?" And she knew that tone of Mihara. Mang-aasar na naman ito.
"Of course! Ikaw nalang yata ang hindi nagbabago, Mihara. Still into that job?" Wala siyang alam tungkol sa mga ginagawa ni Mihara pero mukhang nasapol niya yata ito. Natahimik bigla ang nasa kabilang linya. It's her turn now. "Tongue tied already, my dear Mihara?" Pang-aasar niya.
Hindi pa agad nagsalita si Mihara kaya inakala niyang naputol na ang linya pero nagulat siya sa sinabi nito. "I'm sorry, Sophia."
Bumunot siya ng mahabang hininga bago nagsalita. "You really know that sentence, huh? Is that really true?"
"Damn, Sophia. Tinatry kong magpaka-senti dito pero sinisira mo ang moment. Gaga ka talaga. Pero totoo, humihingi ako ng sorry." Natawa na siya sa naging reaksyon nito. Can she really find a true friend?
"Hindi kasi ako sanay na ganyan ka. Lagi ka kasing may pambara sa akin. Now that I hear it from you, it feels like, may milagro nga talaga." Sinamahan pa niya iyon ng halakhak.
"Basta game na tayo sa Dare, huh? Wala ng bawian. 'Kay bye." Sabi nalang nito at nawala na ito sa linya. Bruhang iyon talaga. Tumakas na naman sa pang-bubuska niya.
Now what? Alam na ba ni Almira ang plano ni Mihara? How about the other girls? And... what if si Emmie nalang ang kay Alfonso? Palit nalang sila? So she needs to talk to Emmie? "Malamang. Paano kayo magpapalit kung hindi mo siya kakausapin?" Sabat ng isip niya. Well, madali lang naman kausapin si Emmie. And she knows where to find that girl.
Pero hindi pa man siya nakakatulog ay muling nag-ring ang cellphone niya.
And its Alfonso. Akala niya ay hindi na ito tatawag pa.
"Sorry. Did I wake you up? Sabi ko hindi na kita gu..." she cut him off.
"Are you home?" Halos pumiyok ang boses niya.
Matagal bago sumagot si Alfonso. "Yeah." Then she heard him chuckles. "I'm so pathetic. I waited outside your house for awhile before I finally realize that I was being so pathetic. Hindi ko alam pero bakit parang may alam ka na hindi ko alam? Pakiramdam ko kasi pilit mong inilalayo ang sarili mo sa akin. Nakakatawa na hiniling ko pang sana may Dare ulit kayo at ako ulit ang mabunot mo. Nang sa ganoon ay magpapansin ka ulit sa akin."
That sting. Bakit siya nasasaktan sa mga sinasabi nito? Hindi dapat. Hindi siya dapat makaramdam nun. And that dare? Ugh! Again, how can she handle it? And can she explain to Emmie that she wants them to switch?
"I'm sorry for bothering you again, Sophie. I just...I just can't ignore this feelings. Don't worry, I will try to not bother..."
"Damn, Alfonso. Will you just shut up? Akala ko magtutuloy-tuloy na ang pagiging tipid mo sa pagsasalita. Ngayon, heto ka na naman sa kakadaldal mo. Stop your nonsense confessions. Pareho nating alam na walang patutunguhan ito kapag pinagpatuloy mo lang dahil one sided lang tayo. Kung totoo man 'yang mga sinasabi mo." Kailangan niyang gawin ito para tumigil na ito sa pinagsasabi nito. Nahihirapan na siyang pigilan ang sarili niya. At kapag hindi pa ito tumigil ay baka bumigay na din siya.
"You're right. It's just nonsense. Damn, why am I confessing to the one heartless woman I know? Good night and goobye, Sophia." Pagkasabi nito niyon ay naputol na ang tawag.
Bakit ganun? Bakit siya nasasaktan? Dapat masaya siya. Paulit-ulit nalang ang tanong niya. "In denial stage, te? Alam mo naman ang sagot diyan kunwari hindi? Aminin mo nalang kasi na dati pa may gusto ka na sa kaniya bago pa man ang dare."
Bago pa siya mabaliw sa sariling komento ng isip niya ay pinilit nalang niyang matulog.
Dalawang oras lang yata ang tulog niya kaya hayon. Masakit ang ulo niya nang tawagn siya ng kaniyang assistant.
"Madame, tumawag si Mr. Architect. And he's okay with the 2 pm meeting. Gora?" Mukhang alam ni Chino na masama ang pakiramdam niya. The way she answers her phone, matamlay nga naman ang boses niya kanina.
Napahawak siya sa ulo niya at tumango na animo ay kaharap niya ang kausap. "Okay. Maliligo lang ako at pupunta na ako sa office. Thanks, Chino. Make sure maayos ang boutique. Please ready all documents needed." Bilin na lamang niya na in-oohan naman ni Chino.
Matapos ang tawag ay inayos na niya ang sarili. Nag order na lamang siya ng breakfast niya. Nang dumating ang order niya ay naligo muna siya bago niya ito kinain.
Habang nasa daan siya, hindi pa rin mawala sa isip niya ang huling naging usapan nila ni Alfonso kagabi.
Nagulat pa siya nang bumusina ang sasakyang sumusunod sa kaniya. Naka go na pala. Mabilis siyang kumilos. Maayos na siya, bakit ganito na naman ang nangyayari? Okay na sila ng Daddy niya, ngayon naman ay kailangan niyang harapin ang katotohanan sa pagitan nila ni Alfonso?
Napapreno siya ng malakas. Wait! What if Alfonso is just trying to deceive her? Na alam naman pala nito ang totoo? Na kinukuha lang nito ang loob niya para sa paghihiganti nito? Na alam nito ang totoo sa pagkatao niya? What if he's doing it all to make her suffer in the end?
"Madame?" Narinig niya ang malakas na sigaw ni Chino. Nasa harap na pala siya ng kanilang boutique at mukhang kanina pa siya tinatawag ng assistant niya.
Bumaba na siya sa kaniyang kotse at hinarap si Chino. "I'm sorry. Napuyat ako kagabi kaya antok pa 'ko." Aniya habang papasok sila sa loob ng boutique. May mga papel na agad itong pinapirmahan sa kaniya.
"Parang hindi naman, Madame. Beautiful pa rin naman ang peg niyo." Sambit naman ni Chino. Binati siya ng mga staff nila. Sanay na ang mga ito na diretso lang siya kapag pumapasok.
"I forgot to take meds. Can you give me one for my headache, Chins? I need to review this before my meeting with Architect...what's his name again?" Pati Architect nila ay hindi na niya maalala. Si Chino na kasi ang nag-asikaso ng kontrata nila.
"Ah, si Architect Javel..." hindi pa natatapos magsalita si Chino nang biglang tumunog ang telepono sa opisina niya.
"Sige na, ako na dito." Analang niya at tumalima na ito. Sinagot niya ang tawag.
"You okay?" Ang Mommy niya na iyon agad ang bungad. Napabuntong-hininga nalang siya. Kung pwede lang niyang sabihin dito na hindi siya okay, eh. But she will not let her mom involve with her problem anymore. She has through a lot.
"My, I'm okay. See? I'm working and may meeting ako sa architect mamaya so don't worry. And, stop stressing yourself. I know what I'm doing."
"I know you're a grown up now. Hindi mo lang talaga maaalis sa akin ang hindi mag-alala. Alam mong dati pa, hindi ko na gusto na mapalapit ka kay Alfonso. At nangyari pa ang dare niyong magkakaibigan na na-involve pa siya. Paano kung alam niyang anak ka ng taong pumatay sa Mama niya?"
"Mom, hey! Alfonso is not doing anything that would hurt me. Remember ako pa nga ang nambubully sa kaniya? So huwag ka pong mag-alala. And, I will stay away from him na. Kaya huwag ka na pong mag-isip. Please, Mom." Alam niya ang nararamdaman ng mommy niya. Pareho nga sila ng iniisip. Pero tama ng siya ang mamroblema nun. Marami ng napagdaanan ang mommy niya. Biktima din sila. Ang mommy niya lalo at panghabang-buhay na iyong maaalala ng mommy niya dahil siya ang patunay ng masamang pangyayaring iyon sa buhay ng mommy niya. Pero maiintindihan niya kung magagalit si Alfonso sa kaniya dahil isa siya sa magpapaalala sa kung paanong maagang kinuha sa kaniya ang mama nito.
"Call me if you need anything, huh? I love you."
She smiled. Her mother loves her so much and she was thankful that she is her mother.
"Love you too, mom. Bye."
Pagkababa niya ng telepono ay agad niyang naisip si Emmie. Right! Tama ang naisip niya kagabi. Kung magtanong man ito kung bakit bahala na. Sasabihin nalang siguro niyang may gusto siya kay Alfonso at hindi niya kayang lokohin ito kaya siya makikipagpalit. "Sus! Totoo naman na may gusto ka diba?" Tudyo ng isip niya. She shook her head. Basta kailangan niyang makausap si Emmie. Pagkatapos ng meeting niya ay pupuntahan niya ito para makipagpalit ng prospect.
Nang magtanghalian ay light meal lang ang in-order niya. Wala siyang gana. Ewan ba at mukhang magkakasakit pa yata siya. It's one thirty and she began to have a heavy breathing. Bakit? Sanay na siyang makipag-usap sa mga tao. Nag-iba sila ng firm dahil napakaraming back job ng dating gumawa ng boutique nila. Kaya naman nagpahanap siya kay Chino ng maayos na firm.
"Madame..." nagulat pa siya sa biglaang pagpasok ni Chino. Kinunot niya ang noo niya dito.
"Chins, don't you know how to knock? Damn I could have heart attack because of your sudden entrance." She rolled her eyes at him. Sanay na ito sa katarayan niya.
"Sorry, Madame. Kinikilig lang." halos patiling sambit pa nito na binalewala ang pagtataray niya.
Mas lalong kumunot ang noo niya. "Ano ang meron at kinikilig ka? May jowa ka na?" Kuryosong tanong niya dito. Inayos niya ang sarili at ang mga papeles.
Lumapit si Chino. "Hindi naman kasi sakin sinabi ng Architectural firm na kinuha ko na sobrang guwapo ng binigay nila satin na Architect? Haaayy, gusto na tuloy kitang matuluyang magkasakit para ako na ang makipag-usap sa kaniya? Pero siyempre joke lang 'yon." Halos tumirik ang mga mata ni Chino habang sinasabi ang mga iyon.
Again, she rolled her eyes. "Let's see if that Architect was really handsome. You know how high my standards is." Kinindatan niya pa ito. At tumayo na siya sa kaniyang swivel chair. "Come with me, then." Matamis niya itong nginitian.
Tumalon talon pa ito at nagpapalakpak. "Bet, tingnan natin sino ang bet niya sa'ting dalawa." Kinikilig na sambit ni Chino na halos mangisay na sa kilig. Naiiling nalang na lumabas siya ng opisina niya. Nakasunod naman si Chino na alam niyang kumikendeng-kendeng pa.
When they reached the boardroom. Parang naging papel ang pakiramdam niya. Magaan. At anumang oras ay matatangay siya. Inside the room, sitting with his 3 piece suit, looking intently to her was the man she was trying to evade. Alfonso. Her heart pounded hard. Why? When she asked his name from Chino, what did he say again? Javel! Damn! Of course they are the best. Alfonso become her mother's heir.
"A-Alfonso?"