Chapter 5

2306 Words
Hindi maampat ang mga luha ni Sophia habang yakap niya ang kaniyang daddy. Finally. Nasabi na rin niya dito. At akala pa niya ay magagalit ito dahil wala itong reaksyon nang marinig nito ang sinabi niya pero kalaunan ay napaiyak nalang ito. Hindi niya inasahan ang magiging reaksiyon nitong iyon. Niyakap na lamang niya ito dahil hindi niya alam ang sasabihin. "I'm sorry you feel neglected, princess." Anito nang kumalas siya sa yakap nito. "Hindi ako naging mabuting ama sayo. Alam ko. But I'm trying now. Sana hindi pa huli ang lahat." Napangiti siya. Hindi siya sanay sa soft side ng daddy niya. Kilala niya kasi itong seryoso at istrikto. Pero ibang Roniefel ang kaharap niya ngayon at ito ang matagal na niyang kinasasabikan bilang anak nito. Hinawakan niya ang mga kamay nito. "Daddy, I love you. At hindi pa po huli ang lahat para maging masayang pamilya tayo. Matagal ko na pong pangarap ito. At sana po, hindi na po kayo nasasaktan kapag nakikita niyo ako." Umiling ito. "Iyan ang pinagsisihan ko. Wala kang kasalanan. At patawarin mo sana ako dahil sa iyo ko naibuhos lahat ng galit ko kay Larry." Halos bulong lang ang pagbigkas nito sa pangalan ni Larry. Hindi pa niya nasabi sa mga ito na nakalaya na si Larry pero mahalaga pa ba iyon? Ilang beses na niyang nakaharap si Larry at mukhang wala naman balak na manghimasok na sa buhay nila ang lalaki. "I heard he was paroled." Nilingon niya ang mommy niya. Higit na mas nasasaktan ay ang mommy niya dahil ito ang nakaranas ng kahayupan ni Larry. "Mom...h-hindi na niya tayo guguluhin..." nagtatakang tumingin ang mga ito sa kaniya. marahil ay nagtataka ang mga ito kung bakit parang sigurado siyang hindi nga sila nito guguluhin. "...H-he went to my office yesterday." Pagpapatuloy niya na ikinalaki ng mga mata ng mga ito. Biglang tumayo ang ina at tsinek pa ang kaniyang mukha. "Are you okay? Hindi ka ba niya ginalaw?" nag-aalalang tanong ng mommy niya. Ngumiti siya dito at hinawakan niya ang mga kamay nito. "Wala siyang ginawa, 'My. Humingi lamang po siya ng tawad. Pati po daw sa inyo. Lalo na sayo po, 'My." Malamlam ang mga matang sambit niya. Napaiyak na naman ang mommy niya sa sinabi niya at niyakap na siya nito ng tuluyan. Everything will be fine. Soon, all those pain will vanished at mapapalitan na ng saya ang mga alaala. For now, they would endure the pain for them to survive and be a happy family. "May lakad ka?" takang tanong ng mommy niya nang makitang nakabihis siya at nakatunghay sa salamin ng kaniyang silid. Hindi niya namalayan na pumasok na pala ito. Simpleng black dress lang ang suot niya na two inches above the knee then flat sandals lang ang sinuot niya at gamit niya ang regalo ng daddy niyang black Gucci bag. Kontento na siya sa mukha niyang light lang ang make-up. Hindi naman siya dapat magpaganda dahil sa VIP siya malamang papu-pwestuhin ni Alfonso. "Alfonso invited me to watch their gig." Simpleng sagot niya sa ina. Hindi pa niya napansin na natigilan ito. Nang hindi na ito nagsalita ay tiningnan niya ang kaniyang mommy. "Mom?" lumapit siya dito. "Javellana? Anak ni Alvera?" parang maiiyak na ang kaniyang mommy pagkabanggit nito sa pangalan ng Mama ni Alfonso. "Yes po, 'My." Alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ng mommy niya. "Don't worry, there's no harm done. We're not friends either. Pupunta lang ako doon kasi in-invite niya ako. And wala din naman po akong gagawin na." "Not friends? Bakit ka niya in-invite? Bakit mo siya pinaunlakan sa invitation niya? Sophie, h-hindi niya alam ang totoo. W-what if malaman niya? Sophie, you'll get hurt. You both will get hurt." Kumunot ang noo niya. "My, no one will get hurt. I just want to have fun today. And I know what you're thinking, 'My. No one..." hindi siya natapos nang biglang nagsalita ang mommy niya. "It'll just get worse. You should stop this." Seryoso ito at naiinitidihan niya. Kahit siya ay hindi siya sigurado sa ginagawa niya. Dapat nga niya sigurong iwasan si Alfonso pero parang iba ang sinasabi ng puso niya. Hindi niya nga maintindihan ang kaniyang sarili. Hindi na ganoon katindi ang inis niya sa lalaki. Nang malaman niya ang totoo ay alam niyang kailangan niyang layuan si Alfonso at ipinagpasalamat niya na hindi naman nag-krus ang mga landas nila sa mga nakalipas na panahon pero nang magkita sila, bigla ay nagdalawang-isip siyang iwasan ito. May kung ano sa kaniyang puso ang tumututol na iwasan niya ito. "Mom, its fine. Don't worry." Ngumiti nalang siya para hindi na mag-alala ang mommy niya. "Sophia..." nilapitan na lamang niya ito at niyakap. "Okay lang po ako, 'My. Hindi naman na po ito masusundan kasi magiging busy na ulit ako sa bagong branch." Sabi nalang niya dito para mapanatag na ito na hindi niya alam kung nangyari dahil kahit nang paalis na siya ay nag-aalala pa rin ito. Wala si Alfonso nang dumating siya sa bar pero in-assist siya ng isang staff at iginiya sa reserved seat na request niya. Malayo nga ito sa madalas na crowded seats. Sa sulok na kasi iyon at kung party ang hanap mo, hindi mo pipiliin ang lugar na iyon. "Thank you." Aniya sa waiter na nag-assist sa kaniya. "You're welcome po, Ma'am." Sabi nito at umalis na. Naupo siya at inilabas ang kaniyang cellphone. She texted Alfonso. :I'm here. Anong oras ang gig mo?: Mabilis ang naging pagsagot nito sa text message niya. Alfonso: Nakikita kita. Ang suplada mo pa rin kahit ngumingiti.: Kumunot ang kaniyang noo at luminga-linga sa paligid pero hindi niya mahagilap si Alfonso. Marami-rami na din kasi ang tao at medyo umiingay na. It's eight in the evening and this is not her. She's famous, kaya hindi siya masyadong nagtatagal sa mga ganitong lugar. Magtitipa na sana siya ng reply dito nang tumunog ang cellphone niya at tumatawag si Alfonso. Sinagot niya iyon ng nakakunot pa rin ang noo. "Even frowning makes you beautiful." Napatanga siya sa bungad nito. "Don't make fun of me. Where are you?" aniya nang mahamig ang sarili sa pagkabigla. Hindi niya alam kung namula siya sa sinabi nito pero alam niya at naramdaman niya ang pag-init ng kaniyang mukha. Narinig niya ang pagak na pagtawa nito. Natutuwa yata ito. Mukhang bumalik na ang dating Alfonso. Ang madaldal na kapitbahay niya dati. "Sunod na kami. Please, just enjoy the night and relax. Please? Just this night. With me..." natahimik siya sa huling tinuran nito. Napalunok pa siya ng 'di sinasadya. Magsasalita sana siya ng kung ano nang biglang inilapag ng waiter ang kaniyang pagkain at inumin. Ngumiti siya sa waiter at umalis na agad ito. "Hindi kaya ako ma-bore sa performance niyo?" bigla niyang sinabi sa kawalan na ng maisip. Naging halakhak na ang kaninag pagak lang na tawa nito. "I miss that Sophie. You never changed. Except that you are successful now and...mas gumanda ka." Bigla niyang napatay ang tawag. Hindi niya alam kung bakit pero bumilis ang t***k ng kaniyang puso. How's that possible? Ilang taon silang hindi nagkita pero bakit siya nakakaramdam ng mga kakaibang pakiramdam kay Alfonso? Hindi maganda ang naging huling pag-uusap nila kung saan ay nalaman niya ang katotohanan sa pagkatao niya. And that time hindi niya maintidihan kung ano ang mararamdaman. And now, she felt something for Alfonso na alam niyang hindi niya dapat maramdaman. Hindi siya tanga para hindi niya mapagtanto kung ano ang kakaibang damdamin na pinupukaw ni Alfonso sa kaniya. Nagulat pa siya nang muling tumunog ang cellphone niya sa text message ni Alfonso. Alfonso: Don't take it seriously, I'm just jokingJ : She gritted her teeth. "Kainis ka talaga, Alfonso." Halos magpapadyak pa siya sa ilalim ng mesa sa inis. Hindi na niya nireplyan ang text nito. Uminom nalang siya at nilantakan ang pagkain na nasa harapan niya. Natigilan lang siya nang pumailanlang na ang musika galing sa banda. Nakita na rin niya si Alfonso at talagang kumindat pa ito sa kaniya. Muling bumilis ang t***k ng puso niya sa kindat nito. Bakit parang mas gusto niya ang Alfonso na seryoso? Sunrise with you on my chest. No blinds in the place where I live. Daybreak open your eyes. 'Cause this was only ever meant to be for one night. Still, we're changing our minds here Be yours, be my dear So close with you on my lips, touch noses, feeling your breath. Push your heart and pull away, yeah. Be my summer in a winter day, love. I can't see one thing wrong. Between the both of us. Be mine, be mine, yeah. Anytime, anytime. Tuluyan ng nahipnotismo ni Alfonso ang kaniyang katauhan dahil sa suyo ng boses nito sa pagkanta. Paanong hindi niya napansin ito noon? Hindi nga ba niya napansin noon o dahil sa inis lang siya dito noon kaya wala na siyang pakialam kahit pa nakaka-inlove naman talaga ang ganda ng boses nito? Ooh, you know I've been alone for quite a while, haven't I? I thought I knew it all, found love but I was wrong. More times than enough, but since you came along I'm thinking baby. You are bringing out a different kind of me. There's no safety net that's underneath, I'm free falling all in. You fell for men who weren't how they appeared, yeah. Trapped up on a tightrope now we're here, we're free. Falling all in you. Assuming ba siya kung pakiramdam niya ay para sa kaniya ang kinakanta ni Alfonso. The way Alfonso stared at her, it was like he meant every word for her. At ramdam niya ang bawat salitang iyon. Mukhang mahihirapan na yata siyang pigilan ang damdamin niya para dito. Pero kailangan niyang pigilan. Sabi nga ng mommy niya, it will get worst. Pilit niyang hindi ipinakita ang totoong nararamdaman lalo na nang matapos ng kumanta si Alfonso. Dalawang kanta pa ang ginawa nito bago siya nito sinamahan. Inirapan pa nga niya ito. "Inaantok na ako." Sabi pa niya pero ang totoo ay hindi naman. Nang-aasar lang siya dito. "Didn't you enjoy my performance?" todo pa ang ngiti nito at tumabi talaga ito sa kaniya. Umusog siya ng bahagya. Why on earth she's feeling weird emotions for this man? At isa pa, hindi ba at dapat niyang layuan ang binata dahil na rin sa sitwayson ng nakaraan? Pero paano sila makakaahon kung hindi nila haharapin o iiwanan ang nakaraan? "Well, a bit. And wala naman nabago. Pero, where's your band? I mean, back in college? Hindi mo na ba sila kasama? Watak watak na?" pilit niyang kinakalma ang sarili para maging normal ang pag-uusap nila. Naningkit ang mata nito. Kumuha muna ito ng inumin at nilagok ito bago siya sinagot. "Sideline ko lang ito kasi mga busy sila. Pero buo pa rin ang banda. Huwag kang mag-alala." "Sideline? C'mon." tumawa siya. "You're rich, Alfonso. Hindi mo kailangan ng sideline." Dugtong pa niya. Ngumiti ito na tila naaaliw sa sinabi niya. Napainom muli siya para iwasan ang tingin nito dahil titig na titig ito sa kaniya. "I love music, Sophie. At hindi ko iyon kayang alisin sa sistema ko. I don't know but, everytime I am singing, I can say what I feel. Dito ko nailalabas ang mga emosyon na itinatago ko." Napatitig siya sa mukha nito. Hindi niya lubos na mailarawan ang nakikitang emosyon ngayon sa mukha nito. Punong-puno ito ng emosyon na hindi niya maisa-isa kung ano ano ang mga ito. May nakikita siyang lungkot, saya at pagmamahal. Pwede palang magsabay ang lungkot at saya? How? Napapiksi siya nang biglang kunin ni Alfonso ang kaniyang kanang kamay. "Sophia, I know it's already late, but I want to say sorry." Nag-init ang kaniyang mga mata. What is he saying? Bakit ito humihingi ng sorry? "A-Alfonso, sorry for what?" "That day, hindi ko sinasadyang saktan ka. I was just confused with my feelings. And I'm sorry." Hindi niya napigilan ang pagtulo ng kaniyang luha. Bakit parang may pumipiga sa puso niya at nahihirapan siyang huminga. Hindi ba at siya dapat ang humihingi ng tawad dito? Pero, walang alam si Alfonso sa totoong pagkatao niya. How can she tell him the truth? Bakit siya nasasaktan? "Hindi ko dapat ginawa iyon noon..." pinutol na niya ang sana ay sasabihin pa nito. Hinila niya ang kamay niyang hawak nito. "Please, Alfonso. That's from the past. Kalimutan na natin 'yon. At isa pa. Hindi mo naman ako nasaktan. Ako ang clumsy. Kasalanan ko. Kaya wala kang dapat na ihingi ng tawad." Sabi nalang niya. Natahimik ito. Mukhang hindi naintindihan ang sinabi niya sa bilis. "Sophie, it's..." "Ah, it's getting late. May gagawin pa ako bukas para sa bagong branch. Kailangan ko ng umuwi." Tumayo siya at muntik pa niyang matapon ang nasa baso niya. "Thank you for inviting me here. S-sige." Aniya at mabilis siyang umalis nang hindi na hinihintay na magsalita si Alfonso. Bubuksan na sana niya ang pinto ng kaniyang kotse nang bigla nalang hilain ng kung sino ang braso niya. Nagulat siya nang si Alfonso ito. "What was that?" Kitang-kita niya ang inis sa mukha nito. Kahit sino naman siguro ay maiinis sa ginawa niya. Pero wala na siyang ibang paraan para makaalis doon. "What?" "You just left me hanging. What's going on?" Binawi niya ang braso niya dito pero hindi nito hinayaan. "Alfonso, wala. I just need to go home dahil inaantok na din ako." Sarkastiko itong tumawa. "You can tell me the truth. Ayaw mong pag-usapan ang halik na ginawa ko noon. Tama ba ako?" he said bluntly. Bumilis lalo ang t***k ng puso niya. Lasing na ba siya? Ano'ng nangyayari sa puso niya? "What? What kiss?" pagkukunwari niya. Nais tuloy niyang sampalin ang sarili. Napayuko siya sa sinabi pero mabilis na inangat ni Alfonso ang kaniyang mukha at hinalikan siya sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD