Chapter 4

1833 Words
"Nakalaya ka na pala." Bungad niya kay Larry imbes na batiin ito. Malungkot itong ngumiti. "Kasama ako sa mga nabigyan ng parole. Natuto na ako sa buhay ko at pinagsisihan ko na ang mga nagawa ko. Ikaw ang unang-unang hihingan ko ng tawad dahil ikaw ang naging bunga ng lahat ng kasamaan ko." Sinserong sambit nito. Alam niyang bukal sa loob nito ang mga sinasabi dahil kita niya sa mga mata nito ang sinseridad pero mahirap sa kaniya ang paniwalaan iyon. Akala niya ay nakalimutan na niya ang nakaraan pero heto pa rin siya at nasasaktan pa rin ngayon at muli na naman niyang nakaharap ang tunay na ama. "Ayusin mo ang buhay mo. Sana---" hindi niya naituloy ang sasabihin nang muling magsalita si Larry. "Sabihin mo na sa mga magulang mo ang alam mo. Huwag mong hayaan na habang buhay kang lamunin ng nakaraan dahil hindi mo kasalanan ang nangyari. Napagbayaran ko na ang nagawa kong kasalanan noon at habang buhay kong ihihingi ng tawad iyon sa Diyos. Sana, mahanap mo sa puso mo ang pagpapatawad. Hindi ko iyon hinihingi ngayon. Sana, katulad ng paglaya ko ay mapalaya mo na rin sa puso mo ang galit at sakit." Napatingin siya dito. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman pero alam niyang tama si Larry. Hindi mawawala ang bigat sa kaniyang puso kapag hindi pa rin niya sinabi sa mga magulang na alam na niya ang buong katotohanan. Pero may isang bagay na mas pumipigil sa kaniya. Iyon ay ang ipaalam kay Alfonso na ama niya ang pumatay sa Mommy nito at ang taong nang-hostage sa kaniya noong bata pa ito. "Kailangan ko ng umalis. Mag-iingat ka lagi, Anak..." anito at iniwan na siyang tahimik lang. parang may kung anong pumisil sa kaniyang puso. Tinawag siya nitong anak. Iba pa rin pala ang pakiramdam na marinig iyon mula sa totoo mong ama pero masakit pa rin ang loob niya dahil hindi pa rin niya talaga matanggap ang katotohanan. Bigla niyang naalala si Alfonso, paano kapag nalaman nito na anak siya ng pumatay sa mommy nito? Mas lalong bumigat ang kaniyang dibdib dahil sa huling naisip. Bakit nga ba mahalaga ngayon sa kaniya ang magiging reaksyon o magiging trato sa kaniya ni Alfonso kapag nalaman nito na ang pumatay sa Mommy nito ay ang tunay niyang ama? Matagal naman ng hindi siya tanggap ni Alfonso dahil sa ugali niya. Hindi pa ba siya sanay? 'May feelings ka na kasi sa kaniya, girl.' Sambit ng isip niya. Oo, meron pero alam niyang hindi iyon puwede dahil wala siyang mapapala sa nararamdaman niya. Umuwi siya ng kaniyang bahay na si Larry pa rin ang nasa isip. Iniisip niya ang mga sinabi nito. Na sabihin na niya sa kaniyang mga magulang na alam na niya ang buong katotohanan. Simula nang maka-graduate siya ng College at magkaroon ng sariling trabaho ay kinakausap na siya ng kaniyang Daddy. Hindi na ito katulad ng dati na kailangan pa niyang gumawa ng kalokohan para lang kumustahin siya o pansinin siya nito. At hindi na rin niya naisipan pang ipaalam sa mga magulang na alam niya ang katotohan sa pagkatao niya. Not until today, na pinuntahan pa siya mismo ni Larry para sabihing sabihin na niya sa magulang ang totoo. Tinawagan niya ang kaniyang Mommy. "Mom." "Hey, how's my princess?" "Pinuntahan ako nina Almira at Mihara. They invited me to Emmie's birthday." Aniya dito. Naupo siya sa sofa. "Oh, it's nice to hear that finally, ayos na kayo. So, saan ang party?" Halata ang saya sa tinig ng mommy niya. Natutuwa ito na sa wakas ay muli niyang makakasama ang mga dating kaibigan. Alam nito ang nangyari. At ilang beses siya nitong sinabihan na humingi siya ng tawad sa mga ito ngunit pinapairal niya ang kaniyang pride. Nito nalang siya nakapag-isip-isip na tama ang mommy niya. Sakto naman na nag-chat sa kaniya si Mihara. "Sa The fort lang po, 'My. Ahm, how's Dad po?" aniya, hindi pa siya handa pero kailangan niyang magsabi sa Mommy niya. "He's fine. May emergency meeting lang sa school but it's just a minor problem. May problema ba?" nagtatakang tanong ng Mommy niya. "Ah, w-wala naman po, pero... 'My, I know who my father is." Hindi siya huminga habang hinihintay ang magiging reaksiyon nito. Alam niyang pabigla-bigla siya pero tama si Larry. "Mom?" "Sophia..." napahikbi ang kaniyang mommy. Kaya niyang tiisin ang lahat pero ang sakit sa puso ng ina ay ramdam niya. "Mom, I'm sorry." "No...it's not your fault. Kung mayroon mang dapat humingi ng tawad ay ako iyon. Kami ng Daddy mo. Naglihim kami sayo." Parang pinipiga ang puso niya. "Mom, hindi po. Ako ang buhay na alaala ng nakaraan at alam kong patuloy kayong nasasaktan kapag nakikita ninyo ako, lalo na si Daddy." Aniya. Para makalma ang kalooban ng mommy niya. "Hindi ko pinagsisihan na ipinanganak kita, Sophia. You are precious to me, believe me." Anito sa kaniya. Parang gusto tuloy niyang tumakbo palabas ng kaniyang bahay at puntahan ang Mommy niya upang mayakap ito ng mahigpit. "Uuwi ako bukas diyan, 'My." Nasabi nalang niya. Pilit pinipigilan ang hikbi. "Please, Sophia. I am missing you, princess." Napangiti siya. Miss na din niya ang mga ito. Isang buwan na kasi siyang hindi umuuwi sa bahay ng mga magulang dahil naging abala siya sa isang branch ng kanilang boutique. "I missed you, too, Mommy. Please tell daddy I missed him, too." Nahalata sa boses ng mommy niya ang relief. "I will. Please rest now, Sophia. I know you're tired. Bukas nalang tayo mag-usap kasama ng Daddy mo, hindi ko siya paaalisin ng bahay." Biro pa nito na bahagya niyang ikinatawa. "Pahinga ka din po, 'My. I love you, bye." "I love you more, my princess. Bye." Matagal ng wala sa linya ang kaniyang mommy ay nasa tainga pa rin ang cellphone. Hanggang sa magulat siya ng mag-vibrate ito. Para siyang nagising mula sa pagkakatulog. Naipilig niya ang ulo at tiningnan ang tumatawag. Alfonso. Nag-iba tuloy ang t***k ng puso niya. Hindi niya maipaliwanag kung kaba ba o excitement ang nararamdaman niya. "Hello?" mahina ang boses niya na halos hindi na marinig. Tahimik lang ang nasa kabilang linya. Mukhang naalangan pa ito dahil sa pagsagot niya. "May kailangan ka?" tanong niya nang medyo makalma na ang sarili. Iniisip palang niya kanina ito ay heto na nga at kausap na niya. "I just want to invite you tomorrow night. May gig ulit kami sa bar." Anito. Mukhang alangan ang boses nito. "Bar? Oh, sa BGC? Regular ba kayo doon?" kaswal na niyang tanong nang mahamig na niya ng tuluyan ang kaniyang sarili. "Every Saturday night ang schedule ko. Will you be there?" parang nakikiusap na tanong nito. Nagui-guilty siya. Alam kaya nito na dating bodyguard ng Mommy niya si Larry Andrade? Ang taong pumatay sa mommy nito? Naiisip palang niya ay naiiyak na siya. Bakit labis siyang nasasaktan? "I-I'll be there. Reserve my seat. Gusto ko 'yong komportable ako. Ayaw ko ng masyadong crowded." Request niya. May hindi ba crowded na bar? Nagloloko yata siya. Hindi naman si Alfonso ang may-ari ng bar. Narinig niya ang pagak na tawa nito sa kabilang linya. "Pinagtatawanan mo ba ako? Hindi ako pupunta kung hindi masusunod ang gusto ko." Sabi pa niya. Pilit na ibinabalik ang pagiging maldita niya pero sino ang niloloko niya? "Fine, your wish is my command, my lady." Tila naaaliw na sambit nito. "I am not joking, Mr. Alfonso Javellana. Mahal ang oras ko kaya kailangan mong sundin ang request ko." Ewan niya kung bakit nga ba agad siyang pumayag, though wala naman talaga siyang gagawin sa gabi ng sabado. Uuwi siya sa bahay ng kaniyang mga magulang pero kung sa gabi naman ang paanyaya ni Alfonso ay wala naman sigurong masama na pumunta dahil hindi na siya bata para hindi siya payagan ng mga magulang. Hindi pa siya sigurado sa magiging reaksyon ng daddy niya sa rebelasyon niya pero handa na siya na harapin ito. "I am also not joking, my lady. Nagtataka pa nga ako at pumayag ka agad. Wala man lang pagdududa diyan?" sabi naman nito. "Ayaw mo?" hamon niya dito. Naiinis siya. Parang niloloko lang yata siya nito. "What? Of course not. Kaya nga kita niyayaya. May gusto lang akong sabihin sayo na sana ay noon ko pa ginawa." Anito na biglang nagpakaba sa kaniya. "Why not tell me now? Bakit kailangan bukas pa ng gabi?" usisa niya. "Don't be too excited. I'll expect you tomorrow. Goodnight, Sophia." Hindi na siya nito hinintay pang sumagot at pinutol na agad nito ang tawag. Napaisip tuloy siya sa sinabi nito. Ano ang nais nitong sabihin sa kaniya na hindi puwedeng sabihin sa kaniya sa telepono lang? Kailangan talaga ay personal? Dapat daw ay noon pa nito ginawa? Ang alin? Alam na ba nito ang tunay niyang pagkatao? Kaya ba galit na galit ito sa kaniya dati pa? Sa dami ng naiisip ay nahirapan tuloy siyang makatulog. Kaya naman kinabukasan ay alas nuwebe na siyang nagising. Narinig na lang niyang ang doorbell na siyang nagpagising sa kaniya. Pupungas-pungas pang binuksan niya ang pinto ng unit niya sap ag-aakalang delivery lang ito. Nang makita ang naaaliw na mukha ng kaniyang mommy ay natuwa siya. Agad niya itong niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, 'My na-late po ako ng gising. Napasarap ako ng tulog, eh. Bumabawi lang." pagsisinungaling niya at ngumiti sa mommy niya. "It's okay. Actually, ang daddy mo ang nagsabing sunduin nalang kita para sabay na tayong magtanghalian mamaya." Pagkarinig sa sinabi ng Mommy niya ay mabilis siyang kumalas dito. "You told him?" oo at ready na siya pero hindi pa rin niya maiwasang kabahan. Lalo at ang daddy na niya ang pinag-uusapan. Umiling ang mommy niya. "I just told him you'll be home today. Don't worry, Sophie. We'll be fine." Nakangiting sambit nito sa kaniya na nagpabawas sa kaniyang kaba. "I'll just take a shower, 'My. Have yourself comfortable po." "Go ahead, honey. I'll prepare you breakfast." Anito at ibinaba ang bag nito sa sofa at nagtuloy na agad sa kusina niya. She had a huge unit. Pwedeng tirhan ng tatlong katao. Hindi rin siya nag-hire ng katulong. Once a week ay pinapa-general cleaning niya ang kaniyang unit kaya ayos lang na wala siyang kasambahay. Kung mga simpleng paglalaba ng damit at pagluluto lang naman ay kaya na niya. Sinanay na niya ang sarili na maging independent simula nang malaman niya ang totoo niyang pagkatao. Ayaw na niyang umasa ng umasa sa Daddy niya. Galit na galit siya dati dito dahil hindi man lang niya maramdaman ang presensiya nito bilang ama niya. Ngunit pagkatapos niyang malaman ang katotohanan ay doon niya naintindihan kung gaano kahirap para sa Daddy niya na makita siya araw-araw. Siya ang bunga ng kahayupang ginawa ng kaniyang tunay na ama. Kung maari lang sanang pumili ng pagmumulan ay mamimili siya at pipiliin nalang niya ang Daddy niyang maging tunay na ama. Pero isang masakit na katotohanan pa rin na hindi niya kailanman magiging biological father si Roniefel Dela Cuerva dahil sa katotohanang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD