"WHAT is she doing here?" malamig na tingin ang ibinigay ni Sophia sa kasama ni Almira.
"Damn it! Hanggang ngayon ba naman ibu-bully mo pa rin ako? Come on, Sophie. It's been seven years. Hindi mo ba ako na-miss?" si Mihara. Isinama pala ni Almira ang bruhang si Mihara at heto ngayon na siyang nagpapabuwisit sa kaniyang maganda na sanang umaga.
"Stop! You, two. Hindi na kayo mga teen agers. At nandito ako para planuhin ang birthday party ni Emmie. Hindi ang maging referee sa inyong dalawa." Panenermon naman ni Almira sa kanila ni Mihara.
Pareho silang tumahimik ni Mihara. Para silang mga batang napagalitan ng nanay. At dahil sa katahimikang namayani, hindi niya maiwasang titigan ang dalawang kaibigan. Hindi mababakas sa mga ito ang sakit ng kahapon. O wala naman talaga sa mga ito ang nangyari sa nakaraan at tanging siya lang ang nag-assume na galit ang mga ito sa kaniya?
"Uhm, I just want to say sorry." Napatanga sina Mihara at Almira sa kaniya. Hindi siguro inaasahan ang kaniyang sinabi.
"Totoo?" nang-aasar pang sambit ni Mihara sa kaniya. Sinamaan niya ito ng tingin ngunit huminga na lamang siya ng malalim bago muling nagsalita.
"Alam kong ako ang dahilan kung bakit nasira ang El Fashionista. Alam kong naging makasarili ako. I forced everyone to tell their story kahit na sa grupo natin ay hindi rin alam ang kwento ng bawat isa. I just feel like, I was betrayed by the people I love. Pero sa huli, ako pa rin ang talo dahil nawala kayo. Naiwan akong mag-isa.
Sabi ko noong una, hindi ko kayo kailangan. Pero hindi pala. Malungkot ang mag-isa. And I admit, I miss everyone of you. Kahit na ikaw, Mihara." Bumaling siya kay Mihara. Kumindat lang ito sa kaniya kaya napangiti na siya. That's the true Mihara. And that's what she likes about her. Taliwas sa lagi nitong sinasabing binu-bully niya ito dahil si Mihara lang ang nag-iisa sa grupo nilang nababara siya.
"So, it's settled then. Mihara, ikaw na ang bahalang kumausap sa iba pa. Kami na ni Sophia ang bahala sa mga damit. Don't worry, bongga ang iyo." Pahabol pa ni Almira nang sisingit na sana si Mihara.
"I already talked to the owner of the bar. Sabi niya may surprise daw siya sa atin at lalo na sa Birthday Celebrant. Pero feeling ko, lalaki ang surprise n'on." Kumikindat-kindat pang sambit ni Mihara na ikinakunot naman ng kaniyang noo.
"Well, kung lalaki rin lang ay wala akong panahon sa kanila." Napalingon silang dalawa ni Mihara kay Almira. "What? I'm used to it. Remember? I'm a model?" doon lang sila nahimasmasan ni Mihara. Oo nga naman. Sikat na model nga pala ang kanilang kaibigan.
Marami pa silang napag-usapan tungkol sa birthday ni Emmie. Minsan nababalikan nila ang nakaraan pero tinatawanan na lamang nila. Gusto na tuloy niyang makausap ang iba pa. She missed everyone. Specially Emmie. Kay Emmie siya dapat mas humingi ng tawad dahil ito ang una niyang hinusgahan. Alam niyang mabait si Emmie pero nag-aalangan pa rin siya na baka nagtanim pala ng galit si Emmie sa kaniya.
"She's not mad at you. Actually, excited siya noong sinabi kong sasama ka sa birthday niya." Nakahinga siya ng maluwag sa sinabing iyon ni Almira. But still, she needs to ask for her forgiveness. Hindi niya alam pero apektadong-apektado siya kay Emmie. Masyadong mahalaga sa kaniya ang malaman kung talaga bang napatawad na siya ni Emmie.
AGAD na inumpisahan ni Sophia ang pagde-design sa mga damit ng mga kaibigan. Naibigay na din ni Almira sa kaniya ang mga sukat ng bawat isa. Personalized ang bawat detalye. Celebration na din kasi iyon ng muli nilang pagsasama-sama. Habang abala sa pagde-design ay biglang tumunog ang intercom. Tinanggap naman agad niya ang tawag.
"Ma'am, do you know someone named, Larry Andrade? She's at the lobby po at gusto daw po niya kayong makausap?" bungad sa kanya ng kanyang secretary. Biglang bumilis ang t***k ng kaniyang dibdib. Of course she know him. That man is her real father. Na matagal na niyang alam at matagal na niyang inililihim sa kaniyang mga magulang.
Bigla tuloy bumalik sa kaniyang alaala kung paano sila nagkakilala ng kaniyang tunay na ama at paano siya naniwalang ito nga ang totoong niyang ama.
Hinamig muna ni Sophia ang sarili mula sa pagakatulala dahil sa ginawang pagnanakaw ng halik ni Alfonso sa kaniya. It's not the first time that she taste his lips. But it's the first time na si Alfonso ang gumawa at iba ang t***k ng kaniyang puso.
Ilang beses siyang huminga ng malalim bago naibalik sa normal ang pagpintig ng kaniyang puso. Lumakad na siya patungo sa building kung saan naroon ang opisina ng daddy niya.
Gusto lang niyang kausapin ito at humingi na rin ng sorry. Gusto na niyang maibalik sa kaniya ang dati niyang buhay. Na nagagawa niyang mamasyal kung kailan niya man gustuhin. Hanggang ngayon kasi ay grounded pa rin siya. At palagi din siyang may bodyguard. Swerte lang niya ngayon dahil natakasan niya ang mga ito.
Pagkapasok niya sa building ay agad na sumalubong sa kaniyang ang lamig dahil sa aircon. Lumapit agad siya sa reception desk at doon nagtanong kung maaari niyang makausap ang kaniyang daddy.
"Miss Sophia. Nasa boardroom po kasi ang daddy niyo." Kilala na siya ng receptionist at kilala din siya nitong maldita. Kaya naman nagulat ito ng matamis niya itong nginitian.
"Just tell his secretary that I'm here." Aniya dito bago siya naupo sa may lobby.
Hindi pa man siya nakakalimang minutong upo doon ay lumapit na sa kaniya ang receptionist. "Miss, sa taas nalang daw po kayo maghintay sabi ni Miss Reese." Anito na ang tinutukoy ay ang secretary ng daddy niya. Muli na naman niya itong nginitian at tumayo na siya.
"Salamat." Iyon lang at dumiretso na siya sa elevator.
SA isip ni Sophia ay nagre-ready na siya ng mga sasabihin niya sa daddy niya. Ang mga dapat na irarason niya kung bakit kailangan ng tanggalin sa kaniyang pagiging grounded. Nasasakal na siya sa higpit na ginagawa nito pero hindi niya ito masisisi dahil napakalaking eskandalo ng ginawa niya sa University.
Pagkarating niya sa opisina ng daddy niya ay agad siyang ipinagtimpla ng kape ni Miss Reese. "I told your dad that you're here. Sabi niya tatapusin lang daw niya ang meeting niya with the new investors." Pag-imporma nito sa kaniya pagkalapag ng kape sa mesa. "Dadalhan kita ng band aid, Miss Sophie." Bulong nito bago siya iniwan.
Napatingin siya sa kaniyang tuhod na kita dahil sa suot niyang skirt. "Damn, Alfonso." She murmured. Mabilis na bumalik si Miss Reese at iniabot sa kaniya ang band aid. Agad naman niyang inilapat sa sugat ang band aid. Sa bahay nalang niya ito lilinisan.
Tinungo niya ang rest room sa opisina ng kaniyang daddy. Mukhang matagal pa ang meeting nito. Naisip pa niyang sa susunod na araw na lamang niya kakausapin ito at doon nalang siguro sa bahay nila pero natigilan siya nang marinig niya ang boses nito. Nakalimutan yatang naroon siya. Mukhang may kausap ito.
"He doesn't deserve my daughter. Sophia is my daughter now. Hindi man siya galing sa dugo ko pero sinusubukan kong maging mabuting ama sa kaniya at ibinibigay ko ang lahat ng kailangan niya. Larry Andrade is in jail now at hindi niya magagalaw si Sophia at si Sonja."
Sandaling natahimik ang kaniyang daddy bago niya muling narinig na bumukas ang pinto. Mukhang lumabas ito. Doon naman siya lumabas mula sa maliit na banyo. Ibang klase ang bilis ng t***k ng kaniyang puso. Iba sa naramdaman niya kanina na dahil naman kay Alfonso. Hindi niya alam kung galit siya o ano. Pero malinaw ang narinig niya. Hindi siya anak ng daddy niya. Hindi siya isang Dela Cuerva at nakakulong ang totoo niyang ama.
Walang ano ano'y mabilis siyang umalis doon. Narinig pa niya ang pagtawag ni Miss Reese sa kaniya na hindi na niya pinansin. She needs an explanation. She needs to know the truth. Kaya ba ganoon na lang kung itrato siya ng daddy niya dahil hindi naman talaga siya nito anak? Paanong nangyari na hindi siya nito anak? Bago pa man siya ipanganak ay kasal na ang mga magulang niya. Nagtaksil ba ang kaniyang mommy at siya ang bunga ng kataksilan nito? Kaya ba ganoon nalang kung balewalain siya ng daddy niya? Kung hindi pa siya gagawa ng kalokohan ay hindi pa siya nito mapapansin? Sino si Larry Andrade? Bakit ito nakakulong?
Napakaraming tanong ang umuukilkil sa isip ni Sophia. Pero ang mga iyon ay hindi niya masasagot hanggat hindi niya nalalaman ang buong katotohanan. Sino ba ang dapat niyang kausapin tungkol doon? Saan siya mag-uumpisa?
TATLONG araw na simula nang matuklasan ni Sophia ang tungkol sa kaniyang totoong pagkatao ngunit hindi pa rin niya kayang harapin ang kaniyang mga magulang at tanungin ang mga ito kung totoo nga ba ang kaniyang mga narinig pero nanghihina siya tuwing nakikita niya ang kaniyang mommy. Pakiramdam niya ay siya ang may kasalanan. Dahil sa nabuhay pa siya sa mundong ibabaw.
Kung tama ang kaniyang sapantaha na bunga siya ng kataksilan ng kaniyang mommy ay para siyang isang buhay na patalim na paulit-ulit na sumasaksak sa dibdib ng kaniyang daddy. May rason ang daddy niya kaya ganoon ang naging trato nito sa kaniya ngunit nasasaktan pa rin siya. Hindi niya ginusto na sa ganoon siya ipanganak sa mundo. Pero hindi na niya mababago ang kaniyang kapalaran.
At upang mabawasan ang kaniyang isipin ay inilabas niya ang kaniyang laptop. Binuksan niya ang browser at si-nearch ang pangalan na Larry Andrade.
Nanlalaki ang mga mata na napapasinghap si Sophia nang makita ang mga article patungkol sa lalaking nagngangalang Larry Andrade.
Iisa lang ang sinasabi ng mga article. Nineteen years ago, hinuli ang bodyguard ng isang young investor dahil sa salang panggagahasa. Hindi idinitalye kung sino'ng investor iyon dahil pinangangalagaan ang pangalan ng pamilyang ginawan ng krimen ni Larry Andrade.
May isa pang article tungkol dito na nagsasabi na nakatakas ito paglipas ng limang taon at muling nakagawa ng krimen. Isang tao ang nagbuwis ng buhay nang dahil dito. Doon ay nabanggit ang pangalan ng isang kilala at sikat na Architect. Si Architect Alvira Mendez-Javellana. Napatay ito dahil pilit na iniligtas ni Architect ang anak nitong hinostage ni Larry.
Nakita niya ang picture ng batang lalaking anak ni Architect Javellana. It's him. It's Alfonso Javellana.
"How did he moved on? Kung sa akin nangyari 'yon ay hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ang nangyari." Komento niya. It's true. Pero paano nga kung totoong ama niya si Larry Andrade?
Hindi natahimik si Sophia kaya naman, sinadya na mismo ni Sophia si Larry Andrade sa kulungan. She wants to know the truth. The truth about her real identity. At nanghina siya nang hindi man lang nagdalawang-isip si Larry na isiwalat sa kaniya ang ginawa nito. Wala na rin naman daw mababago kaya bakit pa daw siya mahihiya?
"Hindi ka nahihiya pero ako? Sa tingin mo ipagmamalaki ko ang ama ko? Ang totoong ama ko na r****t at mamamatay tao?" nanggigigil na sambit niya na kulang na lang ay sakalin niya ang lalaking kaharap. Lahat ng mga katanungan niya ay nasagot na. Pero ang hirap lang tanggapin. Paano nga ba niya matatanggap sa buhay niya ang totoong pagkatao niya? Na isa siyang bastarda? Hindi lang simpleng bastarda, bunga siya ng isang karahasang nagpahirap sa kaniyang mommy. Nagsisikip ang dibdib niya dahil sa nalaman. Kung pwede nga lang na mawala na siya sa mundo. Pero paano nga ba niya ipagpapatuloy ang kaniyang buhay at gagawing normal ang araw-araw niya kung napakabigat ng kaniyang dibdib?