Chapter 2

1744 Words
"WELL I've seen you in jeans with no make-up on, and I've stood there in awe as your date for the prom. I'm blessed as a man to have seen you in white. But I've never seen anything quite like you tonight. No, I've never seen anything quite like you." Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ni Sophia nang biglang magtama ang mga mata nila ni Alfonso. Nakita niya ang sandaling pagkagulat sa mga mata nito ngunit agad itong nakabawi. Siya naman ay muling kinawayan ang waiter at um-order ng isa pang shot. Tinungga niya iyon sa isang lagukan lang at nang tingnan si Alfonso ay nakatingin pa rin ito sa kaniya. Nakagat niya ang kaniyang labi. Hinagilap niya ang mga kasama ngunit mukhang enjoy na ang mga ito sa iba-ibang pakay sa lugar na iyon. At bago pa siya tuluyang mahipnotismo ng mga mata ni Alfonso ay tumayo na siya. Ngunit sa pagtayo niya ay nakaramdam siya ng kaunting hilo. Sandali muna siyang nanatili sa kinatatayuan at ipinikit ang mga mata. Imbes na mahimasmasan ay mas lalo siyang nahilo dahil dinig na dinig niya ang malamig na boses ni Alfonso. Lumabas pa rin siya kahit na nahihilo siya. Pero ang problema, paano siya magda-drive kung nakainom siya? Kung tatawagan naman niya ang kaniyang driver na talagang pinauna na niyang pinauwi dahil wala naman talaga siyang balak na uminom ng marami ay nakakahiya. Baka nga at tulog na iyon. Pumasok siya sa kaniyang kotse at doon ay ipinahinga muna ang sarili. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Pero mas lalo yata siyang hindi mahihimasmasan kung sa pagpikit niya ng kaniyang mata ay ang mukha ng guwapong si Alfonso ang kaniyang nakikita? Kaya naman idinilat na lamang niya ang kaniyang mata pero halos hindi siya huminga nang ang unang bumungad sa kaniya ay ang nakatunghay na mukha ni Alfonso. Tinted ang kaniyang kotse pero pakiramdam niya ay nakikita siya nito. At dahil doon ay mas natitigan niya ang mukha nito. Mas lalo itong gumwapo, ang katawan nitong matikas na noon ay nadagdagan pa. Parang mas masarap makulong sa mga bisig nito ngayon. Naipilig niya ang kaniyang ulo sa mga naiisip. Ano at ganoon na naman ang itinatakbo ng isip niya? "It's just the alcohol." Rason naman ng isip niya na sinang-ayunan naman niya. Aalis nalang sana siya at iwan na si Alfonso sa trip nito pero naisip pa rin niya itong pagbuksan ng bintana. "Alfonso," kaswal na sambit niya na sinamahan niya ng nakakalokong ngiti. "I'm right. Ikaw nga. Akala ko ay namamalikmata lang ako. Bakit ka umalis agad? Maaga pa," tuluy-tuloy na sambit nito. Pakiramdam niya ay awkward na makipag-usap dito ngayon kaya naman nagkibit na lamang siya ng balikat. "It's almost twelve in the morning, and I still have work to do tomorrow. Nice to see you again, I mean, nice to see you do what you love." Aniya, nakita niya ang simpleng pagngiti nito. Ngumisi ito. "Maldita ka pa rin hanggang ngayon." Strange but she felt something in her stomach after hearing those words. Para kasing compliment iyon at hindi pang-aasar. "That's me," aniya bago ini-start ang kotse at isara ang bintana nito. Hindi naman na nagsalita pa si Alfonso at bahagya itong umusog paatras para hindi ito masagi. Tiningnan niya pa sa kaniyang side mirror si Alfonso na nakatayo lang doon at hindi agad umalis. Nakaramdam siya ng kapanatagan nang makitang malayo na siya sa kinaroroonan nito. Pakiramdam kasi niya ay hindi siya makahinga kaninang kausap niya ito. Ewan niya pero parang gusto niyang iwasan ang damdaming nararamdaman niya. Alam naman kasi niyang walang patutunguhan iyon. Alam niyang sa bandang huli ay siya rin ang talo. PAGDATING niya sa kanilang bahay ay dumiretso agad siya sa kaniyang silid upang makaligo. Mabilis siyang nag-shower. Nang matapos at makapagbihis na ng kaniyang pantulog ay binuksan niya agad ang kaniyang laptop. Una niyang binuksan ang kaniyang f*******: account. Ngayon lang niya napagtanto na ang lahat pala ng mga taong makakapagpaalala sa kaniya sa nakaraan ay hindi niya kaibigan sa sss. Kaya ngayon, isa-isa niyang hinanap ang mga ito at in-add. Tiyak siyang magtataka ang mga ito pero bahala na. Isa nalang ang hindi niya hinahanap ang pangalan. Pero daig pa niya ang nahuli sa kalokohan nang biglang may mag-add sa kaniya. It's f*****g Alfonso Javellana. Nagdalawang-isip pa siya kung ia-accept o ii-ignore. Sandali pa siyang nag-isip. Damn it! Why do I feel it this way? Dati naman kayang-kaya ko siyang harapin ng hindi ganito ang nararamdaman ko. Piping sambit ng kaniyang isipan. Pero sa huli ay in-accept din niya ito. Napahilamos pa siya ng kaniyang mukha. Mukha na siyang tanga sa ginagawa niya. Daig pa niya ang isang teen-ager sa ginagawa niya ngayon. Hindi naman kasi siya nakaramdam ng ganito noong teen-ager pa lang siya dahil iba ang focus niya. Hindi nga ba? Tudyo naman ng isip niya. Halos mapatalon pa siya nang biglang tumunog ang kaniyang laptop. May nagvi-video call. And it's him. Ilang beses siyang huminga ng malalim bago niya ito sinagot. "Hey. Tapos na ang gig niyo?" huli na ng ma-realize na hindi niya dapat tinanong iyon. Hindi naman sila close para kamustahin ito sa ginawa nito. Kitang-kita niya ang pagngiti nito. Parang isang malamig na kamay ang humaplos sa buo niyang pagkatao. Hindi niya alam na ganoon ang epekto ni Alfonso sa kaniya paglipas ng maraming taon. "I just tried my luck. 'Buti at gising ka pa." tumikhim siya. Hindi niya kasi alam kung ano na ang isasagot sa sinabi nito upang mabuhay ang usapan nila at hindi ito maging boring pero wala siyang maisip na paksa. "So, I guess I need to say bye. Matutulog na ako." And that is new. Hindi siya ang taong nagpapaalam kung ano ang gagawin niya. At kay Alfonso pa talaga? "Good night! Dream of me." Agad niyang in-off ang video call dahil pakiramdam niya ay tumaas ang kaniyang presyon sa sinabing iyon ni Alfonso. Pinagtri-tripan na naman yata siya nito. Pero nang dahil doon ay mas lalong nahirapan siyang makatulog. Ngayon na lang na naman niya ulit naramdaman ang ganoong pagtibok ng kaniyang puso. 'So kailan ang unang beses na tumibok ang puso mo ng ganiyan?' tudyo ng isip niya. Napairap siya sa sariling isipin. Alam niyang parte lang ito ng kaniyang pagbangon mula sa nakaraan. Dahil alam niya sa sarili niya, na siya na lang ang hindi kinakalimutan ang nakaraan. Paano niya kakalimutan ang nakaraan kung doon siya natutong ipakita ang totoong siya? Kung paano niya nalaman kung hanggang saan ang kaya niyang ibigay na pagmamahal para sa kaniyang mga kaibigan? Totoo, na hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya sa kaibigang si Almira dahil mas kinampihan nito ang mga bago nilang kaibigan pero may sarili itong dahilan kung bakit ayaw nitong ibunyag ang mga tunay na pagkatao ng mga ito. Pero siya, gustung-gusto niyang isiwalat iyon dahil sawang-sawa na siya sa mga taong sinungaling. Na lahat nalang ng taong nakapaligid sa kaniya ay mga sinungaling. 'Di bale ng magmukha siyang masama sa harap ng maraming tao. Pero mas nasaktan siya nang ipamukha mismo sa kaniya ni Alfonso kung ano'ng klaseng kaibigan at tao siya. Oo, makasarili siya. Pero masama bang asamin na lahat ng taong nasa paligid niya ay walang itinatago? Na totoo ang ipinapakita nilang pagkatao? TINANGHALI tuloy si Sophia'ng nagising kinabukasan. Hindi pa nga sana siya magigising kung hindi lang siya binulabog ng kaniyang cellphone dahil sa isang tawag. Sisigawan na sana niya ang tumatawag pero napatigil siya nang makita kung sino ang pangahas na gumising sa kaniyang pagtulog. "Did I wake you up?" she rolled her eyes. Bakit ba hindi na niya maibalik kay Alfonso ang dati niyang trato dito? Noong si Emmie pa ang nobya nito? 'Nagbago ba ang trato mo sa kaniya noong nag-break sila ni Emmie?' tudyo naman ng isip niya. "Bakit ka napatawag?" pinalamig niya ang tono ng kaniyang boses. 'Oh, ayan na. Sinungitan ko na.' sambit naman ng kabilang bahagi ng isip niya. "Just checking if you dreamed of me last night? O baka naman hindi ka na nakatulog?" nag-init ang kaniyang dugo. Pinagtri-tripan na talaga siya ni Alfonso. "f**k off, Alfonso. I don't know where did you get my personal number but I don't care now. Just please, stop annoying me," inis ng turan niya at napabangon na siya sa kaniyang kama. Malutong na tumawa si Alfonso. Mas lalo tuloy siyang nainis dito. "Alright. Good morning, Princess. Have a good day ahead," tila mas nang-aasar pang sambit nito. Hindi na siya nagsalita pa at agad na niyang in-end ang tawag. "Kaasar!!!" naihilamos niya ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha. Her day started with such an annoying caller. Pero iba ang sinasabi ng kaniyang puso. Tila natutuwa pa ito sa pagtawag ni Alfonso sa kaniya na puro naman pang-aasar ang ginawa. Magba-banyo na sana siya nang muling tumunog ang kaniyang cellphone. Sa pag-aakalang si Alfonso ang tumatawag ay hindi na niya napigilan ang sariling sigawan ito. "Alfonso pwede ba tigilan mo na ak..." natigilan siya nang marinig niya ang pagtawa nang nasa kabilang linya. Hindi si Alfonso. Inilayo niya ang cellphone sa kaniyang tainga at tiningnan kung sino ang caller. It's an unknwn number. But then, she know that voice. How could she forget that? "Did I hear it right? Alfonso? Boyfriend mo na si Alfonso?" "Almira," hindi niya na napigilan ang hindi maluha. She missed her bestfriend. Marami silang dapat pag-usapan pero wala siyang ibang masabi kundi ang pangalan nito. Natawa ang nasa kabilang linya. "Hindi ko man lang alam na kayo na ni Alfonso. Nanalo ka sa dare natin," pagpapatuloy pa nito. "It's really you, Almira." "Wait! Hindi ba sinabi sayo ni Mihara na ako ang kumukuha ng cellphone number mo? I need to talk to you. Saan tayo pwedeng mag-usap? Your place or mine? Or sa office mo nalang?" pinoproseso pa rin niya sa kaniyang utak ang lahat pero natauhan siya sa sinabi ng kaibigan. So inutusan lang pala ni Almira si Mihara na kausapin siya. Bruha talaga ang Mihara na iyon. "Sa office nalang. I'll just have a quick shower. Sasabihin ko nalang din sa secretary ko na darating ka doon." "Okay, ciao." Pinatay na agad nito ang tawag. Iba pa rin talaga ang pakiramdam kapag nakausap mo ang isang taong minsang naging kakampi mo sa lahat ng nais mo sa buhay. At iyon sila ni Almira noon na gusto niyang maibalik ngayon. At sisiguraduhin na niyang hindi na masisira pang muli ang pagkakaibigang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD