1
“PROMISE ME. Babalikan mo siya. Ipangako mo sa `kin, Santi. Kapag n-nawala ako, babalikan mo siya.”
“Mahal na mahal kita, Santi. Mahal na mahal. Habang-buhay. Ikaw lang magpakailanman.”
Iminulat ni Santino ang mga mata. Tahimik na tahimik ang kapaligiran. Madilim pa sa labas ngunit alam niyang mag-uumaga na. Ipinatong niya ang isang kamay sa noo habang nakatitig sa kisame. Halos dalawang linggo na niyang napapanaginipan ang dalawang babae na minahal niya. Inakala niya na napapanaginipan lamang niya ang mga ganoong bagay dahil nalalapit na ang death anniversary ni Teresa. Kahapon ay ginunita niya ang ikalawang taon ng pagkamatay ng asawa kasama ang pamilya nito. Tahimik ang naging paggunita nila. Nagsama-sama ang mga taong malalapit kay Teresa sa memorial park at tahimik na nagdasal. Nagtungo sila sa isang restaurant na ipina-reserve niya ang VIP section upang kumain at magkumustahan. Everyone had been sympathetic and concerned about him. Hindi na niya mabilang kung makailang beses siyang natanong kung okay lang siya. Kung nakaalpas na ba siya sa lungkot.
It had been hard but he was doing well now. Hindi naman kasi sorpresa ang pagkawala ni Teresa. Halos apat na taon na nakipagbuno ang asawa sa cancer. They thought they won but cancer sneaked back. Deadlier. Halos anim na buwan na naratay sa hospital bed si Teresa hanggang sa sumuko na at nagpagapi. Sa loob ng anim na buwan, sinikap ng asawa na ihanda siya sa nakatakdang mangyari. Sa unang tatlong buwan, hindi naniwala si Santino na wala nang magagawa ang mga doktor. May kakayahan silang magbayad para sa mga makabagong gamot at cancer treatment. Kaya nilang magtungo sa ibang bansa na mayroong tagumpay na clinical trials para sa cancer. He had been busy researching for hospitals or clinics that they could go to. Nakahanap din siya ng napakaraming alternative remedies.
“Ayokong magtungo sa saan mang bansa, Santi. Pagod na ako. I know this is it for me. Kahit na ano ang gawin natin ay hindi tayo mananalo. Let’s accept defeat now and be happy for the remaining days. Gusto kong makasama ka araw-araw. Gusto kong mayakap ka, makausap sa lahat ng panahon. I hate that you’re always busy researching, talking to different kinds of doctors.”
Ayaw pa ring tanggapin ni Santino na wala siyang magagawa ngunit maging ang kanyang mga biyenan ay sumuko na. Pinayuhan siyang huwag nang gaanong lumayo sa tabi ni Teresa. Noon nabatid ni Santino na hindi nga kayang bilhin ng tao ang lahat. Hindi palaging mahalaga ang pera. Habang pinagmamasdan si Teresa na natutulog, naitanong niya sa sarili kung bakit ganoon na lang ang pagsamba niya sa salapi noon. Bakit natakot siyang mawalan? Bakit ginusto niyang magkamal nang marami?
Nangyari talaga ang napapanagipan ni Santino. Magkaiba ang panahon ngunit totoong sinabi sa kanya ng dalawang babae ang mga bagay na iyon.
Isang linggo bago mamayapa si Teresa, araw-araw nitong sinasabi sa kanya na kailangan niyang bumalik sa babaeng talagang itinitibok ng kanyang puso. Hindi siya sumasagot, hindi umiimik. Banayad lang niyang hinahagkan ang noo ng asawa sa tuwina. Ayaw niyang isipin nang mga panahon na iyon ang isang partikular na babaeng iniwan niya. Ayaw niyang alalahanin ang masasaya at mapapait na sandali ng nakaraan habang nahihirapan ang asawa. Mula nang ikasal siya kay Teresa ay hindi na niya hinayaan ang sarili na balikan ang anumang iniwanan na niya—kahit na sa isip man lang.
Isang araw bago siya iwanan ni Teresa, pilit siya nitong pinapangako. Labis na nahihirapan ang asawa, halos hindi makahinga sa sakit na iniinda. Hindi na nito hinayaan na masaksakan ang katawan nito ng painkillers. She wanted to feel. Nagprotesta si Santino ngunit sa palagay ng mga doktor ay nasa tamang kaisipan pa si Teresa para magdesisyon para sa sarili. Waring sinabi ng mga ito na walang saysay ang pagiging asawa ni Santino.
“I promise.”
Sinabi lang ni Santino ang mga katagang iyon para tumigil na si Teresa. Talking had been an immeasurable effort. Dahil marahil din sa sakit na iniinda, hindi nakita ng asawa na hindi naman siya sinsero sa ipinangako. Dahil ang buong kaisipan ay nasa kalagayan ng asawa, hindi talaga niya hinayaan ang sarili na isipin man lang ang posibilidad. Nang mamayapa si Teresa, alila siya ng lungkot, pighati at pagsisisi upang isipin ang ibang mga bagay. Ibinaon niya ang sarili sa trabaho, halos hindi na umuwi ng bahay. Apat na oras na ang pinakamahaba niyang tulog sa kaabalahan sa trabaho kaya naman mas lalo siyang hindi nagkaroon ng panahon na isipin ang ibang bagay, ang ibang babae.
May mga pagkakataon na napapanaginipan ni Santino si Teresa. Madalas ipaalala ang pangakong binitiwan niya. Mas nadalas ang pagbisita nito sa kanyang panaginip pagkatapos ng unang anibersaryo ng pagkamatay nito. Dati ay si Teresa lamang ang laman ng kanyang mga panaginip. Noong unang beses niyang mapanagipan si Aurora, ang kanyang dating nobya, nagising siyang mabilis na mabilis ang t***k ng puso. Parang sasabog ang kanyang dibdib sa lakas ng pagkabog. Nahirapan siyang huminga. Sa loob ng halos sampung taon, hinayaan niya ang sarili na alalahanin ang batang pag-ibig sa unang pagkakataon. Hinayaan niya ang sarili na hukayin ang mga damdaming matagal na niyang ibinaon sa pinakamalalim at pinakasulok na bahagi ng kanyang puso.
Ngunit iyon lamang ang ginawa ni Santino. Binalikan niya ang mga alaala. Hindi niya binalikan ang aktuwal na tao. Maraming rason kung bakit. Una, naging masyado siyang abala sa trabaho. Hindi siya nagkaroon ng panahon na bisitahin ang San Pioquinto, ang bayan na tinirhan niya sa loob ng mahigit tatlong taon. Ang bayan kung saan niya nahanap ang una niyang pag-ibig. Pangalawa, kahit pa magkaroon siya ng panahon ay wala na siyang pamilyang babalikan sa probinsiya. Nasa Maynila na ang tiyuhin at tiyahin niyang kumupkop sa kanya. Nasa Amerika ang dalawang pinsan niya. Ipinagbili na ng tiyuhin niya ang mga ari-arian nito sa San Pioquinto kaya wala na siyang tutuluyan doon. Ikatlo, naduduwag siyang harapin si Aurora.
Hindi madaling aminin ang huling dahilan kahit na sa sarili man lang niya. Kahit na yata sinong lalaki ay hirap umamin sa karuwagan. Pakiramdam lang ni Santino ay wala na siyang karapatang humarap kay Aurora pagkatapos ng ginawa niya, pagkatapos niyang saktan nang labis ang dating nobya.
“Huwag ka nang magpapakita sa akin kailanman!”
Hanggang sa ngayon ay malinaw pa rin sa kanya ang mukha nito. Bakas na bakas sa ekspresyon ng mukha at tinig nito ang kung gaano niya ito nasaktan. It almost tore his heart. Nabatid ni Santino na buhay na buhay pa rin pala ang guilt na naramdaman niya noon. Bago magpakasal kay Teresa, taimtim niyang ipinalangin na sana ay maging masaya si Aurora. Maging pinakamasaya.
Naupo sa kama si Santino, isinandal ang sarili sa malaking padded headboard ng kama. “Hindi mo `ko patatahimikin hanggang sa hindi ko tuparin ang ipinangako ko sa `yo, ano?” pagkausap ni Santino sa namayapang asawa. Kahit na dalawang taon na siya nitong nilisan, hindi pa rin maalis sa kanya ang gawi na iyon.
Hindi lang asawa si Teresa para kay Santino. She had also been his best friend. Kaya niyang sabihin kay Teresa ang kahit na ano. They talked a lot about everything. Almost everything, he immediately ammended. They never talked about the girl he left for her.
Marahas na nagpakawala ng buntong-hininga si Santino. Sinabi niya sa sarili na nais niyang sundin ang huling kahilingan ni Aurora. Huwag na siyang magpakita kailanman. Ngunit paano naman ang huling kahilingan ni Teresa?
Iniisip niya na si Aurora ang kailangan ko pagkatapos niyang mawala. Si Aurora ang muling makakapagpaligaya sa akin.
Sa sulok ng kanyang isipan, naitanong niya kung totoo ang bagay na iyon. Noon ay napakadali iyong nagawa ni Aurora. Nginitian lang siya nito sa unang araw nilang pagkakakilala at waring mas naging makulay na ang paligid. Mas gumaan ang kanyang dibdib.
“Galit pa rin siya sa akin. Hindi pa rin niya ako napapatawad.”
Katahimikan. May mga pagkakataon na kinakausap niya si Teresa tungkol sa ilang mga bagay at waring naririnig niya ang sagot nito. Alam niya na siya rin lang ang may kagagawan niyon. Kilala lang niya si Teresa kaya alam niya kung ano ang mga sasabihin nito. Hindi talaga niya naririnig ang tinig nito. Iniisip lang niya na naririnig niya ang tinig nito.
Wala siyang marinig na kahit na ano ngayon. Pinilit ni Santino dahil kailangan niya ng kasagutan. Ilang araw na niyang tinatanong ang sarili sa dapat niyang gawin. May bahagi sa kanya ang nagnanais na gawin ang nais ni Teresa ngunit may bahagi rin ang natatakot. Hindi niya sigurado kung paano niya haharapin uli ang dating nobya.
Which was absurd. Napakarami na niyang nakaharap na mahahalagang tao at wala siyang kinatakutan. Kinabahan siya nang kaunti ngunit hindi katulad ng nararamdaman niyang kaba sa pag-iisip na makakaharap niyang muli si Aurora. Naisip din niya na hindi na siya dapat kabahan. Isa si Aurora sa pinakamabait na taong nakilala niya. Napatawad na marahil siya nito. Nakalimutan. May sariling pamilya na marahil ang dating nobya. May asawa at mga anak. Masaya.
Hindi katulad ni Santino. Nag-iisa at bihira nang makaramdam ng anuman.
“Man up,” bulong niya sa sarili. “Walang dahilan para matakot.” Inabot ni Santino ang cell phone na nasa bedside table. Nakapagpasya na siya. Hindi naman masamang alamin kung nasaan na ngayon si Aurora. Nais niyang matulog nang mahimbing. Ayaw na niyang marinig ang tinig ni Teresa sa kanyang panaginip. Layon niyang patahimikin at pasayahin ang asawa.
Nais din niyang marinig uli ang tinig ni Aurora sa personal, hindi lang sa panaginip. Nais niyang marinig uli na ipinapahayag nito kung gaano siya nito kamahal.
It was a dangerous thought.
Santino decided to start with f*******:. Lahat yata ng tao ay nasa f*******: na. Mayroon siyang account na ang sekretarya niya ang gumawa at nagmamando. Noong una ay ayaw niyang magkaroon ngunit sinabi ni Belinda, ang sekretarya, na kailangan na iyon sa panahon na ito. Hindi siya maaaring hindi sumunod.
Binuksan ni Santino ang f*******: application sa kanyang cell phone. He hit the search button without reading what was on his newsfeed. He typed her name. Maria Aurora Mendez.
Nahigit ni Santino ang hininga nang lumabas ang profile ng dating nobya. Nakangiti si Aurora sa profile picture nito. A family photo was on the larger photo. Halos walang nagbago sa hitsura nito sa nakalipas na sampung taon—assuming the picture was recent and updated. Same sweet smile. Lovely shining eyes. Familiar adorable dimple on her right cheek.
His heart contracted violently. He had missed her so much. Mabilis na umahon ang mga pamilyar na damdamin sa kanyang puso. Natagpuan niyang banayad na hinahaplos ng kanyang hinlalaki ang mukha nito. Hindi niya gaanong maipaliwanag ang nadarama. He was overwhelmed with emotions he couldn’t define. Nanginig pa nang bahagya ang kanyang kamay.
Sa kabila ng panginginig, he scrolled down to read her profile. Tila ay malaking kamay ang sumakal sa kanyang puso nang mabasa ang naroon. She was a teacher and she was in a relationship with Diosdado Macapagal.
Kilala ni Santino si Diosdado. Dati nilang kaklase ni Aurora sa high school si Diosdado Macapagal. Madalas na biruin ang kaklase dahil kapangalan nito ang dating pangulo ng bansa. Ngunit mayroon mas matindi kay Diosdado. May kaklase rin silang Mark Gil ang pangalan. Mayroon ding Vilma Santos. Sa ibang pagkakataon marahil ay ikangingiti ni Santino ang alaala ng mga kaibigan at kaklase noong high school.
He swiped down further. There was a picture of Aurora sitting. May nakabalot na kung ano sa ulo nito. Mayroong itim na bagay na nakapaikot sa balikat nito. May isang ginang ang nakaupo sa may bangkito at may kung anong ginagawa sa paa ni Aurora. Mukhang nasa isang salon ang dating nobya.
Binasa ni Santino ang nakasulat sa caption. The bride. Naka-tag lang si Aurora at hindi ang mismong nag-post ng picture. Nalaman niya na si Judy Ann “Soleng” p*****n pa rin pala ang best friend ni Aurora hanggang sa kasalukuyan. The bride.
Nalaman ni Santino sa comments section na ikakasal na ang dating nobya sa darating na Linggo. His heart sunk. Naramdaman niya ang hindi mapantayang panghihinayang.
You waited too long, fool.
Tinig ni Teresa ang kanyang narinig. Kailangan niyang sumang-ayon sa asawa. He had waited too long.