MAAGANG pumasok ng trabaho si Yna para hindi niya makasalubong si Brenda. Kailangan niyang iwasan ang babae para maiwasan niya ang gulo. Alam niyang mainit ang dugo noon sa kaniya Dumiretso siya ng pasok sa opisina. Siya pa lang ang tao sa loon kaya dumiretso siya sa kaniyang pwesto. Naupo siya saka ini-open ang kaniyang laptop. Pero wala naman siyang ganang magtrabaho. Sa tuwing nag-iisa siya ay hindi niya maiwasang maging malungkot. Naalala niya kaagad ang mga posibleng mangyari sa tuwing malalaman ng mga magulang niya ang lahat ng mga inililihim niya, including her pregnancy. Sinusumbatan siya ng kaniyang konsensya at nagiging sanhi 'yon ng kaniyang stress. She scolded herself because of her rebellious activities she committed her own chaos and worse she is pregnant without a fathe

