NAGPA-ALAM na si Yna sa mommy niya na aalis na siya ng bahay nila dahil magrereport muna siya sa opisina bago umalis. Pinayagan siya kaagad siya ni Marie dahil si Alas naman ang magiging kasama niya. Nagdala siya ng isang malaking malita para marami siyang madalang gamit at damit. Gusto muna niyang kunin ang laptop niya sa opisina ni Alas dahil naiwan 'yon kahapon. Nais niyang dalhin para nang sa ganun ay makakapagsulat pa rin siya ng mga reports while nandoon siya. Alas called her that he is also going to his office. Doon na silang dalawa sabay na umalis. Iniwan niya sa labas ng building ang maleta niya para hindi na magtanong ang iba kung saan siya pupunta. "Good morning, are you ready to go to the village? Hmm, why are you so beautiful and blooming this morning Maria?" Alas said

