NAGISING si Yna sa amoy ng masarap na pagkain. Nagluluto si Alas. Pinagluto siya nito bago umalis para bumalik ng Maynila dahil may mga kikitain pa siyang mga investors mamayang hapon. Ayaw niyang iwanan si Yna na wala itong makain buong araw. Ayaw niyang mapagod pa ito sa pagluluto o ma stress kung ano ang kakainin niya mamaya. Besides, maraming mga sariwang gulay ang ibinigay sa kanila kaya iyon ang pinagkakaabalahan niyang lutuin para mainam sa pagbubuntis ni Yna. More healthy foods para mas maging healthy ang pregnancy niya at maging ang baby. Babalik din naman siya kinabukasan at magdadala ng mga sinabing pasalubong ni Yna sa mga taga-village. Maghahanap rin siya ng mga sponsors para mas marami ang maipapadeliver niya roon. Mga bagay na kailangan sa village, 'yon lang naman ang pla

