MAAGANG nagising si Yna dahil maganda ang tulog niya. Malayo siya sa stress at pagod. Gustong-gusto niyang laging ganito. Umuwi ang apo ni Apo Larry kaya sinamahan niya ito pauwi. Inimbitahan siya nitong magkape kaya game naman siya, besides libri ang kape. At isa pa gusto niyang uminom ng kape nila dahil paborito niya ang native coffee ng lugar. At tiyak na magugustuhan ito ng madla kung matikman din nila. Masarap at talagang nanunuot sa kalamnan niya kapag iniinom niya. Nagreseach siya at hindi naman makakasama sa kaniyang pagbubuntis ang pag-inom ng kape basta hindi lang marami ang intake niya. Tumagay si Apo Larry ng kape sa tasa at iniabot kay Yna. "Salamat po." "Kamusta ang tulog mo kasama ang apo ko Yna?" Nakangiting tanong ni Apo Larry, naupo na rin siya sa sahig sa katapat n

