NAKARATING na sina Alas at Yna sa kubo nilang tinutuluyan. Galit pa rin si Alas sa nangyari pero pinipilit niyang ikalma ang sarili niya. Ayaw niyang magkaroon ng stress si Yna at mapahamak ang kaniyang baby. Hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili kung may masamang mangyari sa mag-ina. Tumalikod siya sa babae para maitago ang inis at galit niya. Hindi niya nagustuhan ang ginawa ni Janus kanina. Kahit hindi niya aminin sa sarili niya ay nagseselos siya mula sa nakita niya. At saka ayaw lang niyang magpakatanga ulit si Yna sa lalaking walang magandang ginagawa sa buhay nito. Besides, wala rin siyang tiwala sa lalaki dahil ang ama mismo nito ang taong dahilan ng pagkawala ng lahat ng mga ari-arian nila noon. Naghirap sila sa loob ng sampung taon at sa awa ng Diyos ay umasenso sila ng

