"CAN YOU be my girlfriend, Jae?" Napuno ng sigawan ang bahay na iyon, karamihan ay galing sa dalawang babaeng kapatid ni Khlar. May narinig din siya galing kay Mama Lara at palakpak sa mga magulang nito. Ilang buwan din ang tinagal ng panliligaw ni Khlar at matagal nang nakahanda ang sagot ni Jae pero hindi ito makapaniwalang sa mismong graduation niya itatagpo ni Khlar ang pagtatanong. Buong akala nito ay simpleng selebrasyon lang ang magaganap at ang mga magulang nito ang naghanda. Hindi pa pala tapos ang mga surpresa ni Khlar. Nangingiti siyang kumagat sa labi nago tumango, kinikilig na. "Yes, Khlar. Girlfriend mo na ako." Malalaki ng ngisi ni Khlar noong nagsimula itong isuot ang kwintas na regalo sa dalaga. Muli, napuno ng sigawan ang lugar. Kanya kanyang tukso ang namutawi sa

