Eight: Apology accepted

1424 Words
GUSTO nitong makilala ang pamilya ni Khlar. Pero sinisigurado niyang hindi sa gantong paraan. "Mama, si Jae po." Magalang na pagpapakilala ni Khlar sakanya, "Jae, ang Mama ko." Pilit nitong itinatago ang panginginig. Sa dinami rami pa naman ng araw na pwedeng maging unang araw ng pagkikita nila ng mama nito, ngayon pa? Kung kailan magulo ang buhok nito at itsura, kung kailan hindi ito handa at may iba pang pinoproblema. "Kuya, kami?" Nawala lang ang kabang nararamdaman ni Jae ang biglang sumulpot ang mga cute nitong kapatid. "Chix 'yan ah!" "Khlea!" Mariin ang saway ng ina nila dito bago natahimik ang babae at saka kumaway. Ganon din ang ginawa ng isang mas bata pa. "Iyang parang lalaki kumilos, si Khlea 'yan." Nangingiti si Jae sa naririnig. Noon pa man ay gusto na nitong magkaroon ng kapatid, pero paano naman mangyayari iyon kung puro bangayan lang ang kayang gawin ng mga magulang? "Yung maliit naman na 'yun—" "Kuya!!" "—Ayan si Kheiza." Yumukod ng kaonti si Jae para makapagbigay galang, "Hello po. Kinagagalak ko kayong makilala." Atleast, she tried to be formal! Pagkukumbinsi niya sa sarili bago bumaling sa suot. Nakakahiya talaga. "Osya, K. Ikaw na muna bahala sa mga papansing 'yan." Tinutukoy nito ang makukulit na kapatid ni Khlar na kanina pa paikot ikot sa tabi ni Jae na ikinatawa niya lang. "Jae, anak. Tayo na muna ang magsama." Nahihiya man ay agad din siyang sumunod—nagpahabol pa ng tingin kay Khlar na ngayon ay busy na sa mga kapatid. Nagpunta sila sa isang kwarto, may iilang picture doon ang mama ni Khlar at ang tatay nito kaya napagtantong kwarto iyon ng kasama. "Jae, eto. Itry mo to 'nak. Kasya to sa'yo." Nagawa niyang abutin ang mga iyon pero hindi na nito nagawa pang makapagpasalamat. Dalawang beses na siyang tinatawag na anak ng kaharap, labis itong natutuwa dahil sa sariling bahay ay hindi man lang matawag ng ganon ng mga magulang. "Jae, wag mo sana mamasamain ang tanong ko pero anong nangyari? May problema ba sa bahay niyo?" Kinuha ni Jae ang opurtunidad na iyon para titigan ang mabait na babaeng kanina pa siya tinatawag na anak. Sana siya nalang rin ang mama ko, pilit niya iyong hinihiling. Sa labis na kalungkutang nararamdaman, nilapitan niya ang ginang na nakaupo sa kanto ng kama saka mahigpit na niyakap. Kung sana maayos lang ang pamilya niya, hindi niya na to kailangan pang gawin sa ibang tao. "GIRLFRIEND mo nga Kuya, sus ayaw pa sabihin." Bumagsak nalang ang balikat ni Khlar, napapagod na sa papaulit ulit na tanong ng mga kapatid. Daig pa nito ang nasa hot seat! "Ang kulit mo, Khlea. Hindi nga!" "Ano lang, Kuya?" Si Kheiza naman ang nagtanong. Talagang hinabol pa siya nito nang nagsimula na siyang maghanda ng hapunang binili nalang sa labas. Napailing iling nalang ito, hindi makapaniwala sa kapatid. "Kaibigan." "Kaibigang babae. Oh! Edi girlfriend mo nga!" Hindi niya nalang pinansin at mas nagpokus sa paghahanda. Nakauwi ang mama niya ng alas siete dahil galing sa meeting kaya hindi na nagawang makapaghanda ng hapunan. Pagkatapos ay napagdesisyunan nilang bumili nalang si Khlar at doon na niya nakita si Jae na nakaupo sa gutter. Hindi niya pa natatanong ang dalaga, hindi rin kasi siya sinagot kahit pauli ulit na ang pagtatanong nito sa sasakyan. Ang sinabi lang ng dalaga ay wala siyang mauuwian. Kaya agad din nitong tinawagan ang ina at mabilis naman iyong pumayag. May problema kaya? Naiwala ni Khlar ang pag iisip ng nagring ang cellphone nito. Unknown number iyon kaya't hindi niya sinagot sa una pero nang maulit pa ay wala na rin siyang ibang nagawa. "Hello, sino 'to?" Pilit nitong pinapakinggan ang mga tao sa background—tahimik. "Hello?" Pag uulit niya pa pero wala ring ibang sumagot. "May I speak with Khlar Romero, please?" Dahil sa pormal na boses, naibalik niya akg paningin sa numero ng tumawag. Sino naman posible iyon? "Ako iyon, sino 'to?" "Khlar, this is Red." Hinalukay niya muna sa isip niya ang pangalan bago matandaang ito iyong kaibigan ni Jae. "Kasama mo ba si Jae? Tumawag kasi siya kanina, about 30 missed calls. Hindi ko nasagot dahil naiwan cellphone ko sa sasakyan. Now, I've been calling her a hundred times pero hindi ko na macontact! Baka emergency! I'm so worried." Pinatapos niya munang magsalita ang babaeng nasa kabilang linya bago niya iyon sagutin. "She's with me.. I mean, nasa bahay namin siya pero kausap siya ni mama." Nagkaroon ng ingay sa linya ng kausap, parang nahulog ang cellphone nito o ano. "She's what? Nasa ibang bahay siya? Holy s**t. Pinalayas siya?!" Hindi na napigilan ni Red ang pagsigaw. Kilala niya ang kaibigan, hindi iyon nakakatulog hangga't hindi ito mismo sa kama niya nakahiga. Kaya kung wala ito ngayon sa bahay nila, hindi kaya may nangyari? Mas nag alala lang si Khlar sa narinig, "Pinalayas?" Hindi makapaniwala. Hindi maisip kung mayroon pa bang mga magulang na nagpapalayas ng anak nila. At kung mayroon man, ano naman maaari ang dahilan noon? "Papasok naman siya bukas right? Kakausapin namin." Pagkatapos sagutin ay mabilis na rin namang natapos ang tawag. Nang makapaghanda na ng hapunan, hindi na nag antay ang mga kapatid niya. Sinunggaban na agad nito ang mga pagkaing nakita at sinabing gutom na gutom na raw sila. Wala nang nagawa doon si Khlar, nagtungo nalang agad siya sa kwarto ng ina. "—hindi ko naman po hinihiling na magkabalikan sila eh. Ang akin lang po huwag nalang mag away at wag manakit. Kasi nadadala ko po yun lahat, naaapektuhan ako noon." Natigilan ito nang marinig kung gaano kalungkot ang boses na ginamit ni Jae sa pagsasalita. Ngayon niya palang narinig at hindi niya inasahan. Buong akala niya masiyahan si Jae dahil sa awra nito, pero may itinatago rin parang mga masamang pangyayari sa buhay. Pinagpatuloy niya ang pakikinig, labis na nag aalala para sa dalaga. "Tama nga iyong magpalamig ka muna. Pero alam mong hindi ito ang tamang gawin, anak. Wala akong problema sa pananatili mo rito, katunayan ay mas gusto ko ngang dito ka. Kaya lang, paniguradong hindi magugustuhan ng mga magulang mo ang desisyon mo." "Pero sila po ang nagpaalis sa akin.." Natahimik ang dalawa sa loob. "Pero pangako po, kapag nakahanap ako ng ibang paraan para makakuha ng bagong lugar—" "Iha, you can stay here. Kung pupwede nga lang dito kana tumira, hindi ko rin gusto ang ginagawa nilang p*******t sa'yo. May mali rin sila sa bagay na iyon. Kung aalis ka dito pero hindi ka rin naman uuwi sainyo ay hindi kita hahayaang umalis." Napangiti si Khlar sa sinabi ng ina. Noon pa man ay gusto na niyang gayahin ang kabaitan nito. "Salamat po talaga. Please let me help po kahit paglilinis lang at pagluluto." "Fine, Jae. Alam kong kukulitin mo lang ako." Hindi na napigilan ni Khlar ang pagkamangha, ang dalawa sa apat na babaeng mahalaga sakanya ay labis na magkasundo. Nang natahimik ang dalawa ay hindi na nagdalawang isip si Khlar na pumasok at yayain nang kumain ang dalawa. "Wala ka talagang makeup ate?" Natawang mula si Jae sa halos paulit ulit nang tanong ni Kheiza, ang bunsong kapatid ni Khlar. "Wala po." Ngumiti lang siya habang patuloy ma kumakain. "Sobrang ganda mo, ate!" Hindi man siya makapaniwala, iyon ang pinakamasayang hapunang naranasan ni Jae sa buong buhay niya. Dati lang ay madalas niyang hinihiling na maranasan iyon kasama ang pamilya, kaya hindi siya makapaniwala na nagawa niya iyon kasama ang ibang tao. Pagkatapos ng hapunan ay siya na ang naghugas ng mga pinagkainan, pinilit niya ang mama ni Khlar kaya wala na rin itong nagawa. Mas maganda na rin ito para hindi naman gaanong nakakahiya, lalo pa't wala na siyang pwedeng maitulong rito sa pinansyal na aspeto. Pagkatapos maghugas ay sinubukan niya namang labhan ang unipormeng pinaplanong gamitin para bukas. "Galit ka?" Agad na binalingan ni Jae si Khlar, matatalim ang mga titig dahil nagulat niya ito. Hindi pinapansin ay nagpatuloy ito sa pagsasampay ng uniporme. "Jae naman. I'm sorry, okay?" Nag aalangang nilapit ito ni Khlar, hindi maisip kung tama ba ang susunod na gagawin. Nang makarating sa likuran ng dalaga ay agad niya itong kinulong sa mga bisig—masuyong niyakap, halos mapatalon naman si Jae doon. Agad agad na kinabahan dahil baka makita pa ng mama nito at kung ano pa ang isipin. Sa takot ay mabilis itong kumawala sa mga yakap ni Khlar, "Sorry na, Jae." Umirap muna ang dalaga sa kawalan bago malalaki ang hakbang na umalis doon. "Oo na, accepted." Kapagkuwan, noong wala ng ibang makakakita ay hindi na muli pang napigilan ang pagngisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD