UMUULAN ng dos sa sariling student center (kung saan matatagpuan ang curriculum, grades para sa first and second sem, evaluation form para sa mga prof, ledger, personal information ng estudyante at marami pang iba).
Hindi niya halos mapaniwalaan ng sarili. Hindi maipagkakailang mataas ang expectation nito sa sariling grade, kapag kasi hindi ay paniguradong siya na naman ang pagbabalingan ng mga magulang.
Paano niya nalang iyon maitatago ngayon? Baka nga ngayon palang ay alam na iyon ng mga magulang dahil hiningi pa mismo ng mga ito ang password niya roon.
Wala siyang takas. Umaga palang ay parang ayaw na niyang umuwi.
"Tres!" Binalingan niya ngayon si Neil at Axl na masayang nagtatalunan pa dahil sa natanggap nitong grades. "Tangina, Ax! Consistency! Tingnan mo, tingnan mo.."
Napapangiti nalang siya sa mga lalaking iyon, labis ang tuwa sa natanggap na grado. "Magkakasunod na tres, ilan yan? Isa, dalawa, tatlo, apat, lima.." Paused. "Anim, bro! Painom ka. Kinuha mo na lahat."
Gusto nitong kwestyunin ang dalawa, lalo na si Neil na binilang pa ang tres sa sariling grades niya. Buti pa ang mga iyon, masasaya.
Hindi naman kasi siya nalulungkot para sa grado, dahil kung ano man ang nakuha alam niyang pinaghirapan niya pa rin iyon. Ginawa niya pa rin ang lahat.
Nalulungkot lang siya dahil hindi na naman iyon makukuhang tanggapin ng mga magulang. Hindi nila matatanggap ang rason na 'pinag igihan ko naman pero pag iigihan ko sa susunod.'
"Ayan lagi ang inaabangan ni Neil tuwing magrerelease ng grade," natawa si Khlar na nasa tabi niya. "Binibilang niya palagi yung tres, o kaya incomplete."
Tawanan pa ng tawanan ang tatlo, labis na masasaya sa mga nakuha. "Bro, bro! 2.5 oh! Panis! First time ko ata!" Napailing nalang si Khlar. Ganyan na talaga ang kaibigan, huwag nalang sanang mahawaan si Axl.
Mataas naman ang nakuha niyang marka, mas pinag iigihan niya rin kasi ang pag aaral para sa mga pangarap, maging ang pamilya nito.
"Jae, are you alright?" Kanina pa hindi mapakali ang dalaga, paminsan minsa'y ngingiti dahil sa mga kaibigan pero mahahalata pa rin ang pagiging balisa.
Nangingiti dahil binalingan na ng dalaga, agad ding nalukot ang mukha noong tinarayan lang siya nito.
Galit pa rin?
"Jae—"
"Khlar!" Sabay sabay na napalingon ang magkakaibigan sa may-ari ng boses na tumatawag, kasama na doon si Jae na kumunot agad ang noo ng makitang ang babaeng iyon ang papalapit—si Mady.
Walang pakealam sa iilan pang kasama ni Khlar, lumapit si Mady para magtanong. "Khlar, pwede ka ba ngayon?"
Ilang salita palang ang lumabas sa bibig ng babaeng iyon, nag uupos na sa galit si Jae. Kulang nalang umusok ang ilong at tainga.
"Mabilis ko kasing makalimutan yung steps 'pag ako lang mag isa, samahan mo naman ako oh." Lintian! Halata naman sa boses na nilalandi ng babaeng iyan si Khlar.
"Ah, Mady kasi—"
"May pupuntahan kami, Mads." Ang kaibigan na nitong si Neil ang sumagot, kaklase rin niya. Lubha rin kasing nag aalala ang mga kaibigan dahil sa estado ni Jae na halatang nagpipigil lang ng galit.
How dare she, Jae thought. Yayayain nito si Khlar ng andito ako?
Natatawang kinakausap na niya ang sarili. Teka, bakit sino ba ako? Of course she has the rights to do that! Wala namang girlfriend si Khlar!
We'll that's a double burn for Jae.
"'Wag niyo na muna isama si Khlar, Neil. Ngayon lang naman eh."
Hindi na nakayanan ang naririnig, padabog na umalis doon si Jae. Talaga ngang hindi pa ito okay. Napaparanoid siya, pakiramdam nito lahat ng tao at lalaki ay posible siyang lokohin.
Hindi nito kayang lokohin ang sarili, nagseselos ako! Nakakainis.
Paglabas sa East Campus, saktong alas tres na ng hapon. Wala ng pasok, at ito ang kauna unahang beses na ginusto niyang umuwi—hindi na inisip kung maaabutan man ng magulang.
Hindi naman na niya kailangan pang tumakas, alam naman na niya ang mangyayari.
"—inuuna kasi niyang anak mo ang pagharot harot sa lalaki kaysa sa magbasa! Oh ngayon, nagmana pa sayo yang anak mo!"
Sa naririnig mula sa labas ng pintuan ng bahay, parang ayaw na niyang humakbang papasok. Katulad ng inasahan, alam niyang magkakagulo na naman. Sanay na siya doon kaya hindi nito mawari kung bakit hindi pa rin niya natatanggap—hindi pa rin siya namamanhid.
"Anong sinabi ko sa'yo Jae Abigail?!" Kalahating katawan pa lang niya ang nakakapasok sa pinto, iyon na agad ang ibinungad ng ama. Nice.
Nanatili lang na nakayuko si Jae, naiipon ang galit na nararamdaman simula pa kanina. "Alam mo, wala ka kasing ibang inatupag! Sana ay hindi kana dyan pumasok! Dapat dinala nalang kita sa bar katulad ng nanay mo at pinag apply ng G—"
"Sobra naman na po kayo." Matatalim ang mga mata niyang hinarap ang ama. Malayo na sa itsura noong pagdating niya doon. Nakamasid lang sakanila ang tahimik niyang ina. Mula sa natatanaw, paniguradong pinagbubugbog na naman ito ng papa niya.
"Sobra ako? Ganon ba Jae? Totoo naman ang sinasabi ko, wala ka ng ibang inatupag—"
"Kundi pagalitan ako! Wala ka ng ibang inatupag kundi pagbuntungan ako ng galit niyo! Hindi lang po ako nagsasalita, pero hindi ibig sabihin noon na okay lang para sakin lahat!" Punong puno na siya sa ama. Alam niyang hindi maganda ang sumagot sa mga magulang pero hindi na rin nito mapigilan ang nararamdamang pagkamuhi.
Nagsimula sa highschool ang ginagawang p*******t ng ama niya, hindi natigil kahit pumasok pa siya sa kolehiyo.
"At talagang sumasagot ka pa?" Tinitigan niya lang ang paparating na sampal hanggang sa dumampi na ito sa pisngi niya. Sanay na siya sa pinaggagagawa ng ama—pero hindi sa sakit, hindi sa sama ng loob na nabibigay noon.
"Pinag iigihan ko po ang pag aaral ko. Ginagawa ko po ang lahat! Hindi naman po ako tumitigil sa kakaaral dahil may pangarap po ako. Kung hindi niyo po kaya magtiwala, wag niyo nalang po akong p-pagsabihan ng kung ano ano!" Sa sinabi, imbes na matauhan ang ama ay mas lalo lang nag alab ang nararamdaman nitong galit.
Galit ang isang kamay ay mabilis na hinila ng ama niya ang mga buhok ni Jae. Agad na napahiyaw ang mama niya, hindi maatim ang ginagawa ng tatay sa anak. Samantalang natahimik nalang si Jae—tahimik na umiiyak. Pinipilit ipasok sa sarili ang nangyayari.
"Oh sige, hindi kita pagsasabihan pero umalis ka sa pamamahay ko!" Nasubsob pa halos si Jae sa daan sa labas, nagpapasalamat dahil walang dumadaang ibang tao sa oras na iyon.
"'Wag kang babalik dito hangga't hindi mo naaayos yang grado mo!"
Sa isang iglap lang, nadatnan nalang ni Jae ang sariling naglalakad. Nakasuot pa nga siya ng uniporme, ang bag naman ito ay naiwan sa loob ng bahay.
Agad niyang kinuha ang cellphone na nasa bulsa at mabilis na tinawagan ang mga kaibigan. Inuna nitong tawagan si Red, pero walang sagot mula sa kaibigan. Baka nasa klase pa.
Sumunod niya namang tinawagan si Vivianne pero katulad kay Red, ay hindi rin nito nasagot ang mga 'yun. Uulitin ko nalang siguro mamaya.
Patagal nang patagal sa paglalakad ay inaabot na rin siya ng kahihiyan. Maayos naman na ang buhok niya maging ang mga damit, kaya lang para siyang naglalakad sa kung saan—hindi alam kung saan pwedeng magpunta.
Wala rin ang pitaka niya sa bulsa, siguradong inilagay niya iyon sa bag pagbayad sa jeep na sinakyan. Paano na siya?
Nagsimula siya doon ng alas singko ng hapon pero inabot na siya ng alas otso pero wala pa ring pagbabago. Mahigit isang oras niya na ring nililibang ang sarili sa panonood ng mga sasakyang dumadaan. Nakaupo lang siya sa bench na nasa side walk, onti onti nang nawawalan ng pag asa.
Eh kung bumalik nalang siya sa bahay nila? Gabi na! Posibleng wala na doon ang mga magulang niya. Nagmadali siya, hindi na iniisip ang mga nakakasalubong. Bakit ba hindi niya nagawang isipin 'yun kanina?
"s**t! This is unbelievable!"
Hindi niya halos paniwalaan ang nasa harap. Sarado ang pinto! Halatang nilock ang mga iyon at naiwan niya ang susing kopya niya sa bag nitong nasa loob. What should I do?
Sirain ko ang lock? Sipain? Halos masabunutan niya na ang sarili niya. Nang walang maisip, lumabas itong ulit doon at nagsimulang maglakad lakad habang inuulit tawagan ang mga kaibigan.
"Bakit hindi sila sumasagot?" Mahihina ang sumunod na naging tawa niya, iniisip kung paanong nangyaring nasa lansangan siya ngayon dahil hindi siya nakapasok sa Dean's list?
Napaupo ito sa katapat na gutter, nakauniporme pa rin at halatadong pawis at pagod na. Anong gagawin nito ngayon? Mag aalas nuebe na, dinapuan na rin siya ng antok.
"Anong gagawin ko?"
She can feel it, kaonti na lang bubuhos na ang mga luha nito. Pumipigil lang ang katotohanang nandito siya sa labas at maraming nakakakitang tao.
Bumuntong hininga siya't padarag na tumayo, agad na umiwas noong may pumaradang sasakyan sa tapat niya.
"Sakay na, Jae."