"DIRK, pare." Pagkatapos maipakilala ni Jae si Khlar sa mga kaibigan nito na mukhang nagulat dahil sa kinilos ni Jae, agad na tumayo si Dirk at sinikap makipagkamay sakanya habang halatang mainit parin ang ulo ng kaibigang kanina pa sinisigaw sigawan si Jae, si Red.
"Anong pare? Kuya mo yan, Dirk!" Agad na nalukot ang mukha ni Khlar sa sinabing iyon ni Jae. Gusto nitong ngumiti dahil hindi nito isahan na may ganong ugali ang dalaga pero hindi niya paring maiwasang mainis kapag ang agwat ng edad nila ang pinag uusapan.
Dahil din sa sinabi, napabaling din sakanya ang kaibigan niyang may pagkamahinhin sa isip ni Khlar, ipinakilala ito sakanya biglang si Vivianne.
"Jae naman." Dahil nagsimula nang mainis, mas lalo lang natawa si Jae. Sa isip nito, mas nakakatuwang asarin si Khlar lalo pa't madali itong mapikon.
"Ano ba yan, napakaingay eh!" Natahimik silang lahat sa biglaang pagsigaw si Red, siya siguro ang pinakamahirap sabayan sa mga magkakaibigan. Khlar thought.
Sa buong kwentuhang iyon kasama ang mga kaibigan ni Jae, ni hindi man lang nito nakausap ang dalaga. Pero hindi maisip ni Khlar kung paanong nakuntento na siya roon.
Kung paanong masaya na siya kahit nakikita lang ang dalagang tumatawa.
You got it bad, bro. Naririnig pa nito ang boses ni Axl sa likod ng isip. At dahil doon, naalala tuloy niya ang mga kaibigan. Asan na kaya ang mga 'yon?
Hindi parin mawala sa isip nito ang pagbibigay ng tubig ng dalaga sakanya kanina kaya baka may kinalaman doon ang mga kaibigan niya.
Mabilis na tumakbo ang oras at halos mapanis ang laway ni Khlar sa grupong iyon dahil kung hindi ito ngingiti dahil sa kadaldalan ni Jae ay puro tawa naman ang nagagawa nito dahil kay Red.
"Uuwi na nga ako, bahala kayo!" Nang hindi na nakayanan, pabirong nagpaalam na si Red.
"Uy, Red naman." Natatawang pinigilan pa ito ni Jae sa pag alis pero wala iyong nagawa. Matatalim ang mga matang umalis doon si Red at hindi na muling lumingon pa.
"Nagalit ata iyong kaibigan niyo." Ngayong lumakas ang loob ni Khlar para magsalita, doon palang siya binalingan ng babae.
"Ay hala!" Nagpapanic na kinapa ni Jae ang mukha nito kaya hindi nito napigilan ang pagkabigla. "Nagsasalita ka pala?"
Natulala muna siya sa babae bago sumimangot. Jae's a bully, halatang halata iyon pero mas lalo lang niyang ginugusto ang dalaga.
Pinilig nito ang ulo bago bumaling kay Dirk noong nagsalita. "Saan tayo?"
Nang hindi na maisip kung saan susunod na magpupunta, napagdesisyunan na rin nilang umuwi hanggang sa naiwan silang dalawa ni Jae doon.
"Hatid kita."
Dahil nakatalikod na si Jae sa lalaki, nagpakawala na ito ng malawak na ngiti. Ang totoo, hindi nito inaaasahang ganyan ang binata. Halata naman dito na hindi ito ganon kagaling makipag usap sa tao pero sinubukan niya paring makihalubilo sa mga kaibigan niya.
Masaya ito para doon.
"Bilis naman po, kuya Khlar." Nang bumaling siya sa likuran, nakita niya ang ngiti ng lalaki. Pero nang nagsimula itong mang asar ay agad na dumerecho si Khlar sa paglalakad at naiwan siya doon!
"Khlar, joke lang. Uy!" Napailing nalang siya habang pinipigil ang mga tawa para makasunod sa lalaking masungit na 'yon.
HINDI na natigil sa kakatawa si Khlar sa kwento ng mga kaibigan kinabukasan.
"I can't believe you did that!" Naikwento kasi ng mga kaibigan ang ginawang plano para sa kanila ni Jae. Kahapon palang naman ay may ideya na siya pero hindi nito inasahan kung paano naisagawa ang mga iyon.
"Parang natatae eh!" Lumakas pa lalo ang tawanan sa sinabi ni Axl, hindi naman halos matawaran ang mukha ni Neil.
Matatalim ang mga matang bumaling ito kay Khlar, "I did that for you! You asshole!"
Pabirong napahawak si Khlar sa dibdib niya, "I'm touched. My heart's beating fast." Kapagkuwan ay humawak naman sa tyan, "And I have these butterflies in my stomach."
Imbes na matawa, mas lalo lang napikon ang kaibigan. "Tawang tawa ah, baka nakalimutan mo kung bat natalo ang IA."
Sa pagkakataong iyon, siya naman ang natahimik. Hindi parin ito makapaniwalang natalo sila, natalo siya! At ilang beses pang pumalya ang mga pagtira at hagis niya.
Kahapon lang iyon nangyari lahat.
"Pikon na 'yan oh! Asar talo ka!" Natatawang nakailag ito sa hinagis na bag ni Neil pagkatapos ay sumunod na sa pagpabas ng mga iyon sa campus.
Hindi nito malilimutan ang nangyari kahapon. Sigurado siya doon!
Dahil hindi handa ay napilitan sila ni Jae na magcommute at okay lang naman daw iyon sa dalaga. Nakapagkwentuhan at nagkulitan na rin pauwi pero hindi na siya nakapasok sa bahay nito.
Kahit namang iniisip niyang hindi pa iyon pupwede, ginugusto niya parin iyon. Ano kaya ang pakiramdam na makilala ang mga magulang ni Jae?
"Luh, luh. Tingnan mo ang gago tumatawa mag isa."
Pinagbabatukan nito sa Axl bago nagsitawanan.
Sige lang asarin niyo lang ako, hindi non mababago ang mood ko. Ang totoo, excited at masaya siya dahil may napag usapan sila ni Jae kahapon. Magkikita sila ngayon at sabay ulit na uuwi.
Iniisip niya lang ay halos hindi na ito mapakali.
"Sama kami sayo, Khlar!" Napailing nalang siya, bakit niya nga ba naisip na magiging date nilang dalawa ni Jae ang mangyayari ngayon?
"Dali na, dali na. Hindi kami manggugulo. saka para naman makilala kami." Si Neil ang nagsalita, hindi halos magkandaugaga sa pamimilit kay Khlar. Animo'y parang girlfriend na kumakalambitin sa mga braso niya.
"Kilala na ko nun, bud. Sinabihan pa nga akong cheater. I mean, look, itong mukhang to? Manloloko?" Nagkatinginan nalang silang dalawa ni Neil sa pagdedaydream na naman ng kaibigan.
"..Loyal 'to bro! My face speaks loyalty!"
Agad agad siyang hinila ni Neil palayo sa kaibigan, "Ako nalang isama mo Khlar, para lang yun sa mga taong normal ang utak!" Natatawang pinaringgan noon si Axl.
"Normal ka ba?" Kokontra pa sana siya pero hinila na siya nito patakbo, leaving Axl behind na dere derecho lang sa pagsasalita ng kung ano ano.
"Uy mga pangit, antayin niyo ako!"
NAPANGITI nalang si Khlar ng agad na makita ang papalapit na si Jae. Suot ang rounded sweetheart top at cargo pants na binagayan ng ankle strap heels, sino ba naman ang hindi mapapatingin sa dalaga?
Pati nga ang mga kaibigan nito ay nahook rin, "Gusto kong bugbugin ng paulit ulit si Raizen sa panloloko sa ganyang babae." Hindi na napigilan ni Neil ang magsalita kaya sinalubong nito ang matatalim na titig ni Khlar. Kapagkuwan ay nagpesce sign ito na parang hindi sinasadya ang sinabi.
Tumayo si Khlar para sana salubungin ang dalaga nang sa kalagitnaan ng paglakad ay napahinto ang babae, malinaw na nakatingin kay Axl na natahimik lang na nakaupo roon.
Naging dahan dahan man ang lakad, narating ni Jae ang table kung nasaan sina Khlar pati na ang mga kaibigan nito. Bago pa man siya magpunta ay nasabi na sakanya ni Khlar ang tungkol doon at agad agad rin naman siyang pumayag.
Hindi lang nito inasahan na makikita niya Axl doon, iyong umawat sakanya na kaibigan ng manloloko nitong ex. Bakit kaibigan din ito ni Khlar? Possible kayang kaibigan din ni Khlar si Raizen?
"Jae.." Mula nang napahinto sa paglalakad si Jae, alam na ni Khlar na nag aalangan na itong tumuloy dahil sa nakita.
"Are you friends with Raizen?" Hindi na nagpaligoy ligoy si Jae. Iyon lang ang laman ng isip nitong agad na nablanko nang makita si Axl.
Bago sumagot napabaling ulit itong si Khlar sa mga kaibigan, "Jae, yes."
He really wants to be honest! Iyon ang totoo kaya iyon ang isasagot niya, ayaw nitong magpakitang tao pa sa dalaga. Kung may balak man itong panindigan ang nararamdaman, iyon ang unang kailangan nitong gawin.
He will be honest. Hindi na nito gagayahin pa ang gago nitong ex.
"No way, Khlar." Dismayadong napailing si Jae, pinipilit ang sariling huwag maniwala. Pero totoo iyon! Kahit kakakilala palang nito kay Khlar ay alam nitong hindi ito magsisinungaling sakanya.
"Pero Jae, Raizen had already learned his lesson—" Patagal nang patagal naging mararahas lang ang pag iling ng dalaga. Hindi nito matanggap, paanong ganon pa ang nangyari? Mabilis man ay hindi na nito maipagkakailang posibleng magkaroon ito ng feelings para sa lalaki pero sa sitwasyon ngayon?
Kung pupwedeng pigilan niya iyon ay tiyak na pipigilan niya.
Hindi na nakayanan ang nakikita, hindi na napigilan ni Axl ang magsalita para sa kaibigan. "Khlar is different. Hindi porket magkaibigan sila ni Raizen ay ganon narin siya."
Tinutukoy nito ang pagiging manloloko, minsan nang naibintang ni Jae sakanya dahil lang sa inawat niya ang dalaga noong niloko siya ng kaibigan nito.
"I...I don't believe this."
Gusto mang pigilan ni Khlar ang dalaga sa pagtakbo palayo roon ay hindi na niya nagawa. Baka talagang ayawan na rin siya ng dalaga dahil sa koneskyon nito kay Raizen.
"Bud, I'm really sorry. Dapat ata hindi na muna ako nagpakita sakanya—"
"Axl, before anything else, ang unang unang kailangan kong gawin para kay Jae ay ang maging honest. Hindi madali ang matanggap ang ibang katotohanan pero ang maganda ay naging tapat."
Hindi na nito alam kung saan pa nakuha ang sinabi, basta niya nalang pinadaan iyon sa bibig niya pagkatapos ay nginitian ng malawak ang kaibigan.