"HUWAG mong sabihing kinakabahan ka." Okay, edi hindi ko sasabihin. Iyan ang nasa isip ni Khlar sa sinabi ni Neil. Hindi nito inasahan na may interes din pala si Jae sa mga gantong laro.
Inaayos nito ang sarili dahil ilang minuto nalang ay sasalang na sila pero hindi parin mapakali si Khlar. Kahit ilang beses pa nitong isipin na maaaring hindi naman siya matandaan ni Jae ay hindi parin mawala ang kaba nito.
"Ngayon ka lang ata kakabahan sa laro." Napailing nalang si Neil, kasama nito si Khlar para magpakita ng suporta sa kaibigan dahil kasali ito sa Football team ng Bicol University at lalaban ngayon bilang pambato sa college nila, ang Institute of Architecture.
"Goodluck, 'tol!" Sabay silang napalingon sa bagong dating na si Axl. "Oh, anong problema?"
Agad nitong napansin ang mukha ni Khlar, nakakapanibago. Alam niyang hindi kinakabahan ang lalaki sa kahit anong laro nito kaya imposible namang kinakabahan ito ngayon.
Napansin ni Neil ang pag aalala sa mukha ni Axl kaya ito na ang nagsalita, "Nanonood si Jae."
Halos mag echo ang baritonong tawa ni Axl sa nalaman, hindi siya makapaniwala. Dahil sa babae ay parang gusto pang umatras ng kaibigan sa laro.
"Tumigil ka nga kakatawa!" Kunot ang noong umalis si Khlar sa lugar at nagpunta sa iilang players na ginugugol ang natitirang oras para mag ensayo.
Bahala na. Malakas naman ang loob nitong hindi papalpak dahil hindi naman ito ang unang beses na sumali ito rito.
Napabuntong hininga nalang si Khlar nang muling matanaw si Jae na nakaupo at pokus na nanonood kahit hindi pa naman nagsisimula ang laro. Hindi mawala sa isip niya ang suot nitong pulang kimono sleeves at ang cocktail hat pa. Nakaupo ito kaya hindi na niya nakikita pa ang pang ibaba pero nagdadasal itong sana ay nakapantalon ang dalaga.
Wala ng ibang nagawa si Khlar kundi itigil ang pag iisip nung agad ding nagsimula ang laro.
Sa kabilang banda, hindi halos makapaniwala ang dalawa niyang kaibigan sa pinapakitang kilos ni Khlar sa loob ng BU grounds. Ngayon lang nangyaring may mga tira itong pumapalya!
"Sobrang distracted niya sa babae." Matamang sabi ni Neil sa katabi. Hindi na iyon patanong dahil alam ng dalawa kung gaano ito kasigurado.
Sabay na napabuntong hininga ang dalawa at sabay pang napailing bago magtawanan. May posibilidad na matalo ang IA kung hindi maibabalik ni Khlar ang sarili sa laro, para bang naglalakbay ang isip nito sa isang lugar kasama ang Jae na iyon.
"I have a plan." Agad na napabaling si Neil kay Axl dahil sa sinabi nito. Tinaas nito ang kilay na nagtatanong kung ano pero ngiti lang ang isinukli ni Axl dito.
Khlar, you should thank me later.
NATATAWANG napairap si Jae sa kawalan habang hinahabol ang sariling hininga dahil sa inaasar nitong tinakbuhan si Red. Ang totoo, nagsimula nang kumalam ang tyan niya dahil nalimutan nito ang magtanghalian. Agad niyang hinanap ang Gracianas at mag isang kumain muna. Saka nalang siya bibili ng para sa mga kaibigan kapag katapos nito.
Nang makakain, agad itong pumila para bumili rin ng para mga kaibigan. Halata sa lugar na iyon ang pag iisa niya kaya agad itong nagsisi na hindi isinama si Red at iniwan ang love birds na naroroon.
Akmang sasabihin na nito ang bibilhin ng may kumuha sa atensyon nito, "Miss."
Malawak ang ngiting bumaling ito sa binata, pasasaan pa't baka nga magkatotoo pa ang sinabi nito kay Red na maghahanap siya ng lalaki. Natawa ito sa sarili.
"Ano 'yun?" Agad na napakunot ang noo niya ng makita ang pag iiba ng ekspresyon ng lalaking kaharap. Mula kanina na medyo kalmado ay napuno ng pag alala ang mukha nito.
"Y-Yung kaibigan ko kasi..miss." Napakunot pa rin ang noo niya bago pa maituloy ng lalaki ang sinasabi.
"Hindi kasi siya makahinga ng maayos, bibilhin ko sana siya ng tubig. Kakatapos lang kasi ng laro niya kaya ganon. Ako sana ang magdadala ng tubig pero kailangan rin ako sa bahay ngayon na."
Okay, so anong pinupunto niya?
"Pwede bang ikaw na ang magdala nito sakanya?"
Nagpalipat lipat ang tingin ni Jae sa lalaking kaharap at sa bote ng tubig na hawak nito. Is he.. serious?
"Sige na miss, oh. Kawawa naman eh." Nag aalinlangan pa tumango ni Jae sa lalaki. Hindi naman siguro siya pagtitripan nito dahil hindi naman sila magkakilala.
Baka talagang kailangan lang ng tulong. Mahinang pag aalu nito sa sarili.
Nang inabot nito ang bote, hindi matigil ang pasasalamat ng lalaking kausap bago nagmamadaling umalis roon.
Nasa harapan daw ng library. Iyan ang sabi ng lalaki tungkol sa lugar kung asan ang pagbibigyan niya ng tubig. Mabuti ay hindi iyon ganon kalayo dahil baka hindi pa ito pumayag dahil sa mataas na sikat ng araw.
Maya maya pa, nakita na niya ang lalaking sa palagay niya ay tinutukoy ng lalaking kausap kanina. Mag isa lang iyon at nakaputing tshirt.
Dinahan dahan pa nito ang pag lapit, pinakikiramdaman ang lalaking dinadaluhan.
"Uh.." Iyan palang ang nagagawa niyang sabihin nang agad na humarap ang lalaki. Pamilyar iyon, parang nakita na niya kung saan pero hindi nito maalala.
"A-Ano 'yon?" Kumunot ang noo nito nang makita ang panlalaki ang mata ng lalaki. Natakot ko ba siya? Jae laughed at her own thoughts.
Bumaba ang tingin ni Jae sa water bottle na hawak pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa lalaking kaharap. "Pinabibigay sa'yo ng kaibigan mo. Kailangan mo raw."
Pinigilan nito ang pagburangkaras ng tawa ng makitang nanginginig ang kamay na inabot ng lalaki ang water bottle. Naging seryoso lang ang awra nito ng maalalang baka hindi nga makahinga ang lalaki.
"Ayos ka lang ba?" Nagtaas baba ang tingin ni Jae sa lalaki, alam nitong ilang beses na itong nakakakita ng lalaking pawisan at hindi niya gusto iyon pero iba ang dating ng lalaking ito!
Siya lang ata ang pinagpapawisan pero gwapo parin. Napalatak nalang si Jae sa sarili. Habang tinitingnan nito ang lalaki, napaisip ito kung first year din ito.
"First year ka?" Hindi na niya napigilan ang magtanong. Hindi niya na rin naisip kung ano naman ngayon kung malaman nito.
"Third." Kung nakaupo lang si Jae ay baka mahulog itong bigla sa upuan sa narinig. "Third year na ako."
Napatango tango siya, pilit na itinatago ang gulat sa nalaman. "Kuya pala kita—"
"No!" Sabay pa silang napasinghap sa sinabi ng lalaki, parang nagulat pa ito sa sarili niyang sinabi. "I mean, ayaw kong tawagin mo akong kuya. Ilang taon lang naman."
Napangisi tuloy si Jae. He's so cute! Parang ayaw pang amining matanda na. Sa naisip ay hindi na nito napigilan ang malakas na pagtawa.
"B-Bakit ka tumatawa?" Nadagdagan pa ang lakas ng tawa ni Jae dahil sa nakikita nito, nakakunot ang noo ng lalaki at halatang napipikon na.
Nang hindi pa siya tumigil ay naiinis nang napailing ang binatang kaharap. "I'm Khlar."
Hindi alam ni Khlar ang mararamdaman, basta alam nitong kailangan ay magkaroon na siya ng lakas ng loob para sa sarili. Nagkaron na ito ng pagkakataon, hindi na dapat niyang sayangin dahil hindi nito alam kung kailan pa iyon mauulit.
Nang tumigil sa pagtawa si Jae, lihim na itong napangiti. "Ah, Jae. Jae Natividad. FIRST year ako."
Agad na naman nitong hinarap ang dalaga na nakakunot ang noo kaya tumawa na naman ito. Hindi kasi nakalusot sakanya ang diin nang pagkakasabi nito sa 'first' na para bang inaasar pa siya.
"Khlar.. Khlar Romero, arki."
Napailing iling nalang si Jae, sinong magaakalang makakakilala pa ito ng lalaking taga east kahit isumpa na niya ang campus na iyon dahil sa manloloko niyang ex.
"Are you okay now?" Ngayong naisip niya ang ex ay naisip na rin nito ang mga kaibigan at paniguradong pinaghahanap na siya noon. Nanggagalaiti na malamang si Red.
"Yes, I am. Thank you." Derecho lang ang tingin ni Khlar at napangiti siya ng pagiging seryoso noon.
"Join me?" Nagkatinginan lang ang dalawa sa sinabi ni Jae. "I mean, I have my friends with me. You can join us kung wala kang kasama."
Hindi na naitago ni Khlar ang pangngiti, hindi siya makapaniwalang magiging maayos ang unang pag uusap nila ng dalaga. At yayayain pa siya agad sa mga kaibigan nito.
That's too much!
"Tara na!" Natatawang sabi ni Jae bago magsimulang maglakad. "Marunong ka naman pa lang ngumiti."
Sa sinabing iyon ay agad na tinutop ni Khlar ang sariling mga labi at pwersahang tinigil ang pagngiti bago sumunod sa tumatawang dalaga.