"NATIVIDAD?"
"Present, Sir!" Masigla na ang bungad ni Jae sa unang araw ng klase. Hindi na naiisip ang mga nangyari nung nakaraan.
Totoo naman iyon, mas kalmado na siya ngayon. Siguro naubos narin ang mga masakit na naiisip niya.
Pagkatapos ng huling text ni Raizen sakanya kinaumagahan ng araw na yun, hindi narin 'yun nasundan na mas kinatuwa naman niya.
Mabuti narin iyon dahil bumabalik lang sa alaala niya ang panggagago nito twing may nakikita siyang konektado sa lalaking iyon.
Unang araw ng klase at unang subject, sobrang excited si Jae. Medyo iba nga lang dahil wala rito ang mga kaibigan but she can surely managed. Iilang oras lang naman pagkataps ay sabay sabay rin silang kakain.
Nasa kalagitnaan siya ng klase ng magvibrate ang cellphone nito, it was from Red.
From Red Valencia
I can't believe it. First day hindi ako pinapasok because of my clothes? Too much for a day. Buti may extra ko sa kotse.
Noong una'y agad itong nag alala para sa kaibigan. Baka magkaroon pa ito ng bad impression sa unang araw dahil lang hindi siya nakapasok sa unang klase. Buti naman nakagawa rin agad ng paraan.
Nag iisip palang ito ng pupwedeng ireply ng magtext ulit ang dalaga.
From Red Valencia
What's wrong with wearing this strapless sweetheart top, really?
Napanganga nalang siya sa sariling upuan. Ilang beses ginustong bumungkaras ng tawa dahil sa pinagagagawa ng kaibigan. Is she even serious? Sino ang mag susuot ng strapless na kung ano lalo pa't unang araw ng klase?
Nireplyan niya nalang iyon ng simpleng 'rules is rules, you need to follow. Let's talk later.' bago ibalik ang atensyon sa professor na nasa harapan.
Time flies faster than the usual when you are happy and motivated, kaya hindi na namalayan ni Jae na kikitain niya na ang kaibigan mula sa sunod sunod na klase.
Nagsimula ang klase nito ng alas otso at natapos ng alas dose, dalawang subject. Matagal iyon para sa dalawa niyang kaibigan pero halos hindi man lang niya naramdamang mainip.
"Hi, Jae." Napalingon ito sa dalawa niyang kaklaseng nasa harapan na niya.
"Oh, hello Sharine and.. Kea!" Natawa ang tatlong magkakaklase dahil muntik pang hindi maalala ni Jae ang pangalan ng isa kahit magkakatabi lang naman ito kanina.
"Lunch?" Her heart feels warm. Kahit pala first day ng klase may gusto na agad na samahan siya. Cute.
"I can't join you today eh, inaantay na kasi ako ng mga kaibigan ko. Next time." Masisiglang tumango lang ang mga kaklase nito bago magpaalam. At siya naman ay dumerecho na sa mga kaibigan.
Bumalik ulit ang alaala niya sa text ni Red kanina ng makita niya itong naka itim na high neck blouse, nakasimangot ito at halatang hindi pa nakakamove on mula sa nangyari.
"Jae! Ano, kumusta?" Si Vivianne ang sumalubong dito at agad na nagbigay ng yakap. Ang isang kaibigan niya naman ay naroon lang sa gilid at nagmumukmok.
May iilan pang mga lalaki ang tumitingin pero tinataasan niya lang ng kilay.
"Okay lang, ansaya Viv. Ikaw?" Hindi na nakasagot si Vivianne sa tanong dahil nagsimula ng pumutok si Red sa gilid.
"I hate it! Ang mahal ng bili ko roon, I already planned my outfit for today! Tapos biglang, tada? I am with this stupid high neck na hindi ko alam kung paano to nakalagay sa sasakyan!"
Nagkatinginan nalang sila ni Vivianne, halatang nagpipigil ng mga tawa. Jae wanted to laugh as well pero mas okay na pigilan niya nalang iyon bago sila mapagbuntungan ng inis nitong si Red.
"Red," sinubukan niya itong aluin. "You can't wear—"
"Hell, no. I can wear whatever I want!"
"But you're inside of the school premises! May rules din dito, and we students have no choice but to follow." Matalim na ang tingin ng kaibigan noong bumaling ito sakanya. Alam niya na kung saan iyon mapupunta.
"You really think na hindi ko alam yun? Of course I know that, but I wanna wear that sweetheart top! Isa pa, hindi naman malaswa tingnan sakin."
Napailing nalang si Vivianne sa nakikita at naririnig. Kaya naman parati nalang nag aaway ang dalawa dahil hindi nagkakasundo sa mga iniisip at wala rin namang gustong magpatalo. Kahit ganoon ay hindi na siya nangealam. Magsasagutan pero alam niyang magkaibigan parin naman ang dalawa sa huli.
"Oh, come on Red stop being so stubborn."
"Jae, you're the stubborn one!"
"Pwede na ba tayong kumain?"
Sabay na napabaling si Red at Jae sa isa pang kaibigang nandodoon bago sabay na tumawa. Hindi na nila pwedeng pahabain pa ang diskusyon, seeing Vivianne hungry is the last thing they wanna see in their whole life!
Para kasi itong dragon kapag gutom. And obviously, we don't want that.
Masaya na si Vivianne, finally, after an exhausting first day—half day—dahil sa hindi matapos na pagpapakilala sa sarili eto na sila naglalakad na papalabas para humanap ng makakainan. But little does she know, umaasa lang pala siyang mapapadali iyon.
"Malelate tayo Red, dito nalang tayo kumain sa centro ng Daraga. Kung pupunta pa tayo sa SM matatraffic pa." Binukas ni Jae ang pinto ng sasakyan ni Red at sumakay roon. Ganon din ang ginawa ng mga kaibigan.
"Wala naman dyang Bonchon."
Napadarag siya. Her bossy friend is sooo cute. Iyan nalang ang ginawa niyang pangkumbinsi sa sarili.
"Bonchon nalang palagi." Dahilan niya pa.
"Okay, let's find some resto na—"
"KAKAIN BA TAYO O BABABA NALANG AT DYAN KAKAIN SA FOODCOURT?!"
Nanlalaki ang mga matang natahimik si Red at Jae sa sigaw ni Vivianne. Alright, she's hungry and we know that.
Pero ayaw rin naman nila na kumain sa foodcourt kaya nanahimik nalang sila't hinayaang si Vivianne na ang magdesisyon.
"YOU like his ex?" Hindi halos makapaniwala si Axl sa pag amin ng kaibigang nasa harapan.
Hindi rin naman makapaniwala si Khlar sa sarili. Paano siya magkakagusto sa babaeng mas bata sakanya?
"Anong nangyari sa 'I don't do younger girls'?" Mahina niyang pinagsusuntok ang kaibigang nasa tabi, si Neil iyon na tumawa lang.
Silang tatlo lang ang magkakasama ngayon. Ang gagong kaibigan kasi nilang si Raizen ay kasama si Ulrica.
"Gaano ka kasigurado, bud? Isang beses mo palang naman siyang nakikita. Plus the first time you saw her, she was crying. Baka iba lang yang nararamdaman—"
"I'm sure, Ax."
Napailing nalang si Axl sa deklarasyon ng kaibigan. Hindi niya maisip kung anong magiging resulta nito, baka magkaroon pa ng lamat ang pagkakaibigan nilang apat.
Pero sa kabilang banda, alam na alam ni Khlar ang nararadaman. Hindi na iyon katulad ng mga naunang araw, alam niya sa sariling nakumpirma niya na iyon ng ilang beses.
Sino nga ba namang hindi makakaalam ng nararamdaman niya? Simula kasi nung makita nito ang dalaga at ang nangyari rito, hindi na ito mawala sa isip niya. Ilang linggo rin siya nitong hindi pinatulog dahil sa parang parati niya itong gustong puntahan.
At kahit hanggang ngayong first day sa klase, di man lang nawaglit sa isipin ni Khlar ang babae.
"Ano nalang ang sasabihin ni Raizen kapag nalaman niya?" Sumama agad ang timpla ni Khlar sa tanong ni Neil.
"The hell I care! Napunta na sakanya si Jae pero hindi niya naman pinahalagahan kaya bakit ko hihingiin ito ang opinyon ng lalaking nanakit sa babaeng gusto ko?" Habol habol nito ang hininga pagkatapos magsalita.
Si Axl at Neil ay nanibago rito. Ngayon lang nila nakita ang parteng ito ni Khlar. He's always calm and collected kaya gusto nilang kwestyunin ang kaharap.
Nasaan ang Khlar Romero na hindi nagagalit?
Magsasalita pa sana si Neil ng napalingon ang mga ito sa malakas na pagbukas ng pinto ng fast food na kinaroroonan. Dahil napadaan na ang mga ito sa centro ng Daraga, doon narin nila piniling kumain.
Malapit ang tatlo sa pintong iyon kaya sila ang unang naging apektado ng ingay. Pero hindi naman iyon ang nakapagpatigil sakanila.
Iniluwa ng pintong iyon ang tatlong babae. Kilala ni Axl ang huling babaeng pumasok, it was Vivianne. Nakasuot iyon ng pulang petal sleeves blouse at skinny jeans. Malayong malayo sa suot ng mga kaibigang kasama.
Sa kabilang banda, naninigas na sa upuan si Khlar. Nakita palang nito ang dalaga sa pangalawang pagkakataon pero hindi na nito mapigil ang pangangatog ng tuhod niya.
Damn, ngayon ko lang naranasan itong lahat.
Sinundan pa nito ng tingin si Jae na naka drapped bow neckline top at boot cut pants. Hindi pa sana mawawala ang titig niya roon kung hindi tumikhim ang nasa tabi nito, si Neil.
"Ano, nagslow mo ba?" Napalakas ang tawa ng tatlo bago ito mabatukan ni Khlar.
He mouthed the word, 'gago' to Neil pero sinagot lang ito ng binata ng isang flying kiss.
"Go, confirm your feelings. Order kana din." Dahil sa sinabi ni Axl, bumaling ito sa counter na may kalaunan sakanila atsaka nakita si Jae roon.
Wala siyang pinalagpas na minuto, tumayo ito kaagad at naghanap ng pila sa tabi nito. Kaya naman nung sabay silang nakadating ng counter, naging magkatabi halos sila dahil sa magkatabing pila.
Hindi alam ni Khlar kung maiihi ito o mahihimatay. Ganto pala ang pakiramdam noon. Nasa tabi lang niya si Jae pero ang reaksyon ng katawan niya ay para na siyang sinagot nito.
"A-Ano po yun?" Gusto na niyang sapakin ang sarili. Hindi niya na rin ata kayang umorder ng para sa kanilang magkakaibigan dahil sa sitwasyon.
"Yes, I'll have those McFlurry. Three." Napatingin sakanya si Jae dahil narinig nito ang inorder ng binata. Magkapareha sila ng inorder? That's cute.
Pero ang totoo, nasabi lang iyon ni Khlar dahil iyon ang narinig nito sa katabing dalaga. Nagpapanic na siya, alright? Hindi niya halos mapakalma ang sarili lalo na't binalingan pa siya ng dalaga.
Nakahinga lang siya ng maluwag ng nag iwas na ito ng tingin. Kumuha siya ng kutsara na nasa mga tabi lang nito.
"Kuya, pwedeng paabot? Tatlo rin." Kumunot ang noo nito't bumaling agad sa nagsalita.
Only to find out that it was Jae! Na sobrang lapit sakanya.
He can feel his hands trembling, pati na ang pagkakapos sa hininga. What's wrong with me? Parang ang oa naman ng reaksyon ko pagdating sa babaeng ito.
Nahihirapan niyang inabot ang kutsarang sinasabi ng kaharap bago ito nagpasalamat at umalis doon.
Pagkatapos ay agad din siyang bumalik sa mesa ng mga kaibigan, hawak hawak ang dibdib nito.
"Khlar you look s**t!" Gagad ni Neil.
"Okay..." Pinipilit niyang kumalma! Halata iyon. "He.. called me kuya."
Hindi na napigilan nila Axl ang tumawa. That's a double burn, Axl thought.
"But I like her."