Prologue

1336 Words
"RAIZEN!" Walang pagdadalawang isip na sinugod ni Jae ang kasintahan. Halos masubsob pa nga ang babaeng kinakalantaryo nito. Huling huli na sa akto. Ayan lang ang naiisip ni Jae ng mga panahong yun. Binuhos niya ang lahat ng sakit sa mga sapak at tadyak na ibinigay niya sa lalaki, sinigurado niyang pagkatapos nito hindi siya magsisisi at hindi niya iisiping kulang itong pambubugbog niya. Madaling nagkumpulan ang mga taong naroroon but Jae doesn't even mind that. Pokus ang atensyon niya sa manlolokong kasintahan. Nasa tabi niya ang kaibigan, si Red, na sa unang mga minuto ay hinayaan siya nito sa pansasapak at pag atake sa lalaki. Tama lang naman iyong ginagawa ni Jae, he cheated kaya ngayon harapin niya ang consequences ng panggagago niya. Pero nung nagsimula nang makapukaw ng atensyon ang kaguluhan, inawat niya narin ang kaibigan. Nagpadala nalang si Jae sa panghihila ni Red, nakuntento narin naman ito sa p*******t. Wala namang ibang ginawa si Raizen tungkol doon at hindi naman na nito pinatulan pa ang dalaga. Ulrica, on Raizen's side was silent. Ilang minuto pa nito inisip ang nangyayari bago tuluyang maintindihan. She doesn't know any of these shits. Ang alam niya ay wala naman talagang nobya itong si Raizen kaya nagawa nito ang bagay na yun. "Kaya pala palaging busy.." Mapaklang natawa si Jae, nag uumpisa nang sabihin ang lahat ng hinaing nito. "Kaya pala laging busy, putangina mo!" Hindi naman talaga palamura si Jae, but the situation makes her wanna cuss a lot. Naiisip niyang iyon ang dapat para sa tarantadong lalaking nasa harapan. "Jae, calm down—" Hindi na napigilan ni Red, hindi siya kumportable sa nakikita. Habang patagal ng patagal, maiwawala na niya ang sinabi sa sarili na hahayaan niya lang si Jae sa gusto nitong gawin. Patagal ng patagal mas gusto na ring sugurin ni Red ang lalaki dahil sa ginawa ng kaibigan. "Hindi, Red! Tanginang 'yan bakit ako kakalma sa ulol na 'to? Ha! Bakit kita igagalang? Bakit ako ang mahihiya?! Ikaw ang mahiya gago ka!" Gustong gusto nang pigilan ni Red ang sarili kaya ganon nalang ang pasasalamat niya ng dumating si Vivianne, finally, the friend who can really help. Nilapitan ni Vivianne si Red, na parang inaanalisa ang mga nangyayari. Pero hindi na halos napansin iyon ni Jae, hindi nito halos maramdaman ang iba pang nangyayari sa paligid. Her eyes were fixed at her cheater boyfriend. Nanggagalaiti na siya. Kung hindi lang siya matinong babae baka kung ano pa ang magawa niya. "Jae, tara na.." Alam niyang si Vivianne iyon pero mas pinili itong baliwalain. Bumaling ang dalaga sa babaeng nasa tabi ni Raizen kaya nag simula na namang kumulo ang dugo nito. "Ulrica? Ulrica ano? Alam mo bang may girlfriend yan bago mo landiin? Baka hindi mo alam? O baka alam mo.." "..Baka alam mo pero pumatol ka parin. Alam mo tawag don?" Itinatawa nalang nito ang pagkainis. "Malandi." "Malandi ka! Isa ka pang Raizen ka! Ano makati na ba yang ano mo dyan at naghahanap kana rin ng kakamot?" Napabungkaras ng tawa ang kaibigan sa likod. Ganoon rin ang iilan pang nakikiusyoso. Maya maya pa, may dumating ng isang lalaki para patigilin ang komusyon. Kilala niya iyon, madalas niya naring nakikita kung saan. "Miss?" Pinili ng lalaki ang pakalmahin si Jae, pero sa estado nito ngayon parang malabo na iyon. "Ako na ang hihingi ng pasensya sa ginawa ng kaibigan ko—" "Bakit ikaw?" Hindi alam ni Jae ang mararamdaman. "Sanay na ba kayo sa ganto? Pare parehas kayong cheater!" Hindi na nito inantay ang susunod pang sasabihin ng lalaking kausap, agad agad rin itong tumakbo palayo roon. BAGONG mukha ang mga nakikita ni Khlar sa unang araw ng enrollment, naisip niyang pinasubo na naman siya ng mga kaklase. Napag usapan kasi nila na ngayon sila magpupunta pero ilang oras na siyang naglilibot ay wala man lang ni isang anino ng mga kaklase ang nakikita niya. Mga siraulo talaga. Pag gantong enrollment sa mga old students, hindi na masyadong matao. Isa pa, online na ang enrollment pero kahit ganon kailangan paring magpunta para sa iilan pang mga papel na kailangan pang isubmit. Napailing nalang si Khlar, pinag kaisahan na naman siya. The day is starting to get boring, buti nalang nakatanggap ito agad ng text galing sa kaibigang freshmen, si Axl. Naging kaibigan niya iyon dahil galing ang mga ito sa iisang eskwelahan noong hayskul. Pangiti ngiti pa ito nung binukas ang mensahe, finally something to do today. From: Axl Gallegos Bud, something happened. We need u here, the place. Napakunot ang noo nito. Masyado pang maaga para magkaroon ng g**o, lalo na't enrollment palang nila. Binalewala ang mga tanong, agad itong dumerecho sa sinabing lugar. While walking, nakakuha ng atensyon niya ang tatlong babaeng nasa ilalim lang ng puno. Ang isa doon ay umiiyak habang ay isa ay yakap nito, samantalang ang isa ay busy naman sa telepono. "Jae, iiyak mo lang ha? Andito lang kami." Hindi niya sinasadyang marinig iyon habang naglalakad. Jae ang pangalan ng babaeng umiiyak, hindi man alam ang dahilan ay itinatak niya iyon sa isip. "K-Kahit alam kong wala siyang pakealam sa akin.. inintindi ko parin siya. Inintindi ko parin yung nga rason siya, na kesyo may gagawin siya, kesyo busy.. kesyo kailangang tulungan si Mama niya! Pero niloloko niya na pala ako.. tangina niya Viv." Now, he started to regret eavesdropping kahit pa hindi niya naman sinasadya iyon. Nakaramdam siya ng kaonting inis sa dahilan ng pag iyak ng babae. Pakiwari niya'y incoming freshmen ang mga ito pero nakararanas na ng mga ganon. Sandali nitong naisip ang mga nakababatang kapatid na babae. Kapag sila ang niloko, baka mapatay niya pa ang lalaki. "Khlar!" Bumungad agad sa akin pagkarating sa lugar ang iilan sa mga kaibigan. It was Axl and Raizen at the side. Nagulat narin ako nung makita si Neil doon. "What happened?" Ayaw na niyang magpatumpik tumpik pa, alam nitong may hindi magandang nangyari. Inisa isa niya ang tatlong kaibigang naroon, Axl seems so fine. Si Neil ay ganoon rin. Nagtagal lang ang paningin niya kay Raizen na nakaupo't nakahawak sa ulo. Mukhang sobrang problemado. Siya na ang naging kuya ng tatlo, lalo na kay Axl at Raizen. Bukod sa magkakaibigan, siya parin ang nilalapitan ng dalawa kapag nadawit sa g**o o kung ano. "Raizen, ano? Ano na naman to—" "Tong siraulong ito, nahuli ng girlfriend kasama si Ulrica." Si Neil na ang nagsabog ng totoo. Maski siya ay nagulat sa deklarasyon na ginawa. Hindi palasabing tao si Raizen, minsan lang itong umimik kaya hindi niya halos paniwalaan ang nalaman. Agad na tumayo si Raizen, regrets flushed all over his face. "Khlar, hindi ko naman sinasadya. Matagal kong hindi nakasama si Jae pagkatapos ay andyan si Ulrica kaya—" Biglaang nandilim ang paningin niya sa narinig, kahit siya hindi niya malaman kung bakit. "Anong pangalan ng niloko mo?" Pag uulit niya. Gusto nitong kumpirmahin ni Raizen na namali lang siya ng pagdinig. "Jae—" "Khlar!" Sa susunod na pagmulat niya ng mga mata, nakabagsak na si Raizen sa lupa at nanginginig na ang kamaong ginamit niyang pansuntok sa mukha nito. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Maski siya ay naguguluhan, hindi niya maisip kung bakit biglang nagkaganon siya ng malamang si Jae ang niloko nito. Na ang babaeng nakita niyang umiiyak kanina ang niloko ng kaibigan. "What the heck, man?" Mabilis na nag init din ang ulo ni Raizen, agad agad itong tumayo mula sa pagkakabagsak pagkatapos ay umungkos ng suntok kay Khlar na mabilis din naman agad napigilan ni Neil at Axl. "That's enough!" Si Axl iyon. "Anong problema mo Khlar?!" Si Raizen iyon na hindi halos maisip kung anong nangyayari sa kaibigan. Pero katulad sa kaguluhang nararadamam nila, sumasakit din ang sintido ni Khlar kakaisip. "Wag mo nang guguluhin ulit si Jae. Wala ka ng karapatan." Tumalikod na siya at mas pinili ng umalis muna doon. "What? Why?" Hindi na niya nagawa pang sagutin ang mga susunod na katanungan. Malinaw sakanyang kailangan niya ng makaalis roon bago kuwestyunin ang sarili at sa kung ano anong naiisip noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD