Bigla siyang nagising nang marinig niya ang tila pagkulog sa may labas. Mabilis naman siyang tumayo para lumabas at kuhanin sa may likuran ang damit na sinampay niya kanina. Dali-dali siyang lumabas pero nagsisimula nang umambon kaya lakad takbo na ang ginawa niya. Medyo may kalayuan din kasi ang likuran na iyon sa may bahay. Saktong pagkuha niya nang mga damit niya ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya mabilis siyang nagpunta sa harapan ng secret room ni Clyde para sumilong muna. Pero nagtaka siya dahil parang may tao sa loob dahil nakabukas ang ilaw doon. Akmang sisilip siya nang biglang bumukas ang pintuan niyon at lumabas mula roon si Clyde. "What are you doing here?" matigas na tanong nito sa kan'ya. Pero sa halip na sumagot ay sumilip siya sa may likuran nito pero mabil

