Akmang lalabas na siya nang mabilis na may humawak sa isang kamay niya. Mabilis naman siyang napalingon at kita niya ang nakakunot-noong si Alexa. "May problema ba?" malamyos ang tinig na tanong nito. Tila napaso naman siya sa hawak at titig nito kaya mabilis niyang nahugot ang kamay niya mula rito. "Wala." At mabilis na nag-iwas ng tingin. Pero marahan na itong tumayo at tinignan siya nito ng mariin. "Nakainom ka ba?" alalang tanong nito. "No." At mabilis na siyang tumalikod at akmang maglalakad nang muntik na siyang matumba. "Clyde!" At mabilis siyang dinaluhan ni Alexa. At kahit hirap man ay pilit siya nitong pinaupo sa may kama. "I am okay." At akmang aalis na naman siya nang pigilan nito. "No. Hindi ka muna pwedeng umalis. Mahiga ka muna riyan. Sandali lang at ikukuha muna k

