~Continuation of Blake's Point of View…~ SA NASABING floating cottage parin nilang magkakaibigan piniling mag-lunch nang sumapit ang tanghalian. At habang kumakain ay nabanggit ni Evan kung ano ang balak niya sa nalalapit niyang kaarawan. "As of now, balak kong mag-out of the country kaming dalawa ni Trixie. Ayoko ko nang magpa-party pa." sagot niya. Napatingin sa kaniya si Trixie. "As of now, wala din akong balak na mangibang bansa." Hinarap niya si Trixie. "Love, kahit one week lang." "Gagastos ka na naman." mahinang sambit nito. "Ay, ayaw nang magpa-party at magpainom sa atin. Gusto na lang yata nito magmukbang ng katawan ni Trixie doon sa ibang bansa..." walang prenong singit sa usapan ni Lea. "Naka-move on ka na, Lee? Bumabalik na tayo sa dating gawi ah." ani niya kay Lea. "G

