CHAPTER 1
NAGMAMADALING tinungo niya ang rooftop ng building na kaniyang pinagtatrabahuan. Naghihintay na sa kanya ang dalawang piloto na maghahatid sa kanya sa isla.
It's Alexandra's 5th birthday today at sa Isla Monteverde gaganapin ang celebration mamayang gabi. Wala sana siyang balak sumama dahil makikita niya lang roon si Blake kaya ipinadala niya na lang ang regalo kay Lea.
Subalit, kagabi nalaman niya mula kay Vince na hindi sasama si Blake dahil may importante itong lakad. Isa pa, binalaan siya ni Kathy na kapag hindi siya makita roon, magtatampo ito sa kanya. Wala siyang nagawa kaya't napilitan siyang tapusin ang lahat ng ipinagawa sa kanya ni Dylan at sumunod na lang doon sa isla.
"Good afternoon! I'm Trixie Marie Santibañez. Ako ang secretary ni Mr. Monteverde." pakilala niya sa pilotong kaharap.
"Kilala ka na namin, Ms. Santibañez! Hindi ka namin makakalimutan dahil sa pagiging madaldal, bungangera, maingay, prangka at matabil ang dila, este... hindi namin makakalimutan ang maganda mong mukha!" wika ng lalaki.
Tiningnan niya ito ng masama na ikinatahimik nito. Inilahad nito ang kamay at inalalayan siya hanggang sa makaupo ng maayos sa loob ng private chopper na pagmamay-ari ng kanyang boss.
NAKAHINGA siya ng maluwag at nawala ang kanyang kaba nang sumayad ang mga paa niya sa pino at puting-puti na buhangin. Hindi iyon ang unang beses na sumakay siya sa private chopper pero kinakabahan parin siya hangga't hindi pa ito nakakalapag. Alas kwatro na nang hapon at sa palagay niya, siya ang pinakahuling dumating sa isla.
"Sa wakas nakatakas ako sa ingay ng Maynila!" sigaw niya habang winawagayway ang kanyang tie-dye sarong at naglakad patungo sa front desk ng hotel.
Napapitlag siya nang maramdaman ang pagvibrate ng kanyang cellphone sa loob ng kanyang bulsa.
Huminga muna siya ng malalim bago sagutin ang tawag.
"Wala pa akong sahod, Ma!" direktang sabi niya.
Hindi pa man niya naririnig ang boses sa kabilang linya alam na niyang pera o di kaya'y may mahihingiin itong materyal na bagay. Sana'y na siyang tumatawag lang ang kanyang mga kapatid at magulang sa tuwing malapit na ang araw ng kanyang sahod.
"Wala pa nga akong sinasabi eh." malumanay na boses ng kanyang ina.
"Joke lang! Ano iyon, Ma? Bakit ka po napatawag?"
"Iyong kapit-bahay kasi natin may bagong washing machine. Automatic kaya magandang gamitin at hindi pa nakakapagod dahil isasampay na lang. Tumingin kami ng papa mo sa mall pwede pala 'yon gawing installment at alam kung kaya mong bayaran buwan-buwan." wika ng ina sa kabilang linya.
Kung tutuusin maliit lang na bagay ang hinihingi ng kanyang ina at kayang-kaya niya namang ibigay. Pero dahil top priority niya ang pag-aaral ng mga kapatid at buwan-buwan hinuhulugan niya pa ang loteng pinagtitirikan ng kanilang bahay, kailangan niyang tumanggi.
"Ma, huwag muna ngayon. Please! May washing machine pa naman tayo, pagtiisan mo na lang muna yan! Sabihan mo na lang ang kapatid ko na tulungan ka sa gawaing bahay para hindi ka mapagod." aniya at umaasa na sana naiintindihan ng ina.
"Sige na, Nak! Bakit hindi mo pa maibigay sa akin 'yan? Eh malaki naman ang sahod mo diyan. Buti pa itong si Abby kahit sa bar lang nagtatrabaho nabibilhan ng mga mamahaling appliances ang nanay niya." nagsisimula nang mag-iba ang tono ng pananalita ng kanyang ina.
Nainis siya sa narinig. Pero dahil ina niya ito at nirerespito niya, pinilit niyang magsalita sa tonong mahinahon.
"Ma, pasensiya na po. Saka na ho 'yan kapag maayos na ang lahat. Mabibili din natin 'yan kapag tapos na sa pag-aaral lahat ng mga kapatid ko." pahayag niya.
"May ipon ka pa naman! Bigyan mo muna ako kahit pangdownpayment lang! Isa pa malaki naman ang sahod mo d'yan, barya lang yan sayo kung tutuusin!" pamimilit ng kanyang ina.
"Ma, huwag na po kayong mapilit... Hindi po ako namumulot ng pera."
"Napakawalang kwenta mo naman, Trixie! Maliit na bagay lang ang hinihingi ko sayo hindi mo pa maibigay! Baka nakakalimutan mo na kung hindi dahil sa dugo't pawis ko hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral at hindi ka nakapagtrabaho d'yan! Wala kang utang na loob!" Napapikit na lang siya sa narinig.
Heto na naman ang kanyang ina. Sinasabihan na naman siyang walang utang na loob at wala siyang kwentang anak dahil lang hindi niya maibigay ang gusto nito. Hindi naman siya madamot ang nasa isip niya lang ngayon ay mas maiging unahin at paghandaan ang kinabukasan ng kanyang mga kapatid.
"Ma, pasensiya na po talaga. Ingat na lang lagi kayo d'yan. Namimiss ko po kayong lahat. Pakisabi na din kay papa na---"
Hindi na niya natapos pa ang kanyang sasabihin. Pinutol na naman ng kanyang ina ang linya na palagi nitong ginagawa sa tuwing hindi mapagbigyan.
Sinubukan niya itong tawagan ngunit hindi na sinasagot ng ina. Sigurado siyang nagtatampo na naman ito sa kanya.
Ibinalik niya ang cellphone sa bulsa at patuloy na naglakad. Pinipilit niyang iwaglit sa isip ang narinig mula sa kanyang ina.
NANG marating niya ang hotel ay inayos niya muna ang sarili bago humarap sa hotel receptionist na nasa front desk.
"Good afternoon!" bati niya at ngumiti sa babaeng kaharap.
"WELCOME TO ISLA MONTEVERDE, Ma'am Trixie... It's nice to see you again! How can I help you?" nakangiting wika ng receptionist.
"May I know what room number is reserved for me and Lea?" she asked politely.
"I'll check it, ma'am! Just a moment!" tugon sa kanya ng receptionist at nagsimula na itong magtype sa computer.
Ilang minuto na siyang nakatayo sa tapat ng front desk ngunit wala parin siyang makuhang sagot. Mukhang hindi nito makita ang kanyang pangalan sa reservation list.
"I'm sorry, ma'am pero hindi ko po mahanap ang name niyo dito sa guest list. Sure po ba kayo na magkasama kayo sa iisang room ni Ma'am Lea? Nakacheck-in na po kasi siya sa room 27 kasama ang husband niya." wika nito.
"What? Kahit kailan talaga paasa ang babaeng iyan! Makikita mo makakatikim sa akin iyan!" namumula sa galit na sambit niya at sinuklay ng daliri ang mahabang buhok.
Ilang beses na itong ginawa ni Lea sa kanya at sa tingin niya nananadya na talaga ang kaibigan. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at hinanap sa contact list niya ang phone number ni Lea.
"Ma'am Trix! Ma'am Trix!"
Napaangat siya ng mukha at hinagilap kung sino ang tumawag sa kanya. Isang babaeng nakauniporme ng pang receptionist ang nakita niyang tumatakbo papalapit sa kinaroroonan niya.
"I'm sorry, Ma'am Trix. Binura ko dito ang name mo sa check-in reservation list ng mga guest dito sa hotel. Sinabi kasi ni Sir Dylan na kapag dumating kayo doon na lang kayo tumuloy sa over-water bungalow house number 7." paliwanag nito.
"Talaga? Maayos na ba lahat doon?" excited niyang tanong.
"Yes, ma'am! Bali nasa bungalow house number 6 si Sir Vince and sa number 8 naman si Sir Blake." wika ng receptionist sa kanya.
Bigla siyang nataranta sa narinig. Hindi niya akalaing nandito si Blake sa resort. Sa pagkakaalam niya hindi ito makakasama dahil may mahalaga itong aasikasuhin.
"Nandito si Blake? As in si Blake Miller na kaibigan ni Sir Dylan? Iyong matangkad at ubod ng suplado?" sunod-sunod niyang tanong na ikinatawa ng dalawang receptionist.
"Yes, ma'am!" sabay na tugon sa kanya ng dalawa.
Pagkarinig ay nagpaalam siya sa dalawa at dali-daling lumabas ng reception area. Tinungo niya ang kinaroroonan ng club car para magpahatid doon sa mga nakahilerang over-water bungalow house.
"Sa number 7 po ako." aniya at nagmamadaling sumakay.
PAGDATING sa bungalow house agad siyang pumasok sa loob. Binuksan niya ang bintana at itinali niya ang kurtina para makapasok sa loob ang sariwang hangin.
Kinabahan siya nang makita niya si Blake sa kabilang bungalow house. Nakaupo ito sa rattan lounger chair at may kausap ito sa cellphone.
"Papatayin kaya ako ng lalaking 'to kapag magkita kami? Totohanin niya kaya ang sinabi niya?"
Habang pinagmamasdan niya ito ay isa-isang nagflashback ang dalawang malalang kagagahang ginawa niya rito.