CHAPTER 2

1970 Words
Two weeks ago... HUMINTO ang taxi na sinasakyan niya sa tapat ng luxury club na pagmamay-ari ni Evan. "Keep the change po!" aniya pagkaabot ng bayad sa driver at lumabas na sa taxi. Birthday ngayon ni Lea at nagyaya itong mag-inoman sila sa club ni Evan. Tumanggi siyang pumunta ngunit nang sabihin nitong pupunta si Dylan at kasama nito si Kathy agad siyang pumayag. Mabuti na lang nataon na byernes ngayon at payday pa kaya pwedeng magwalwal hanggang mag-umaga. Kilala niya ang mga nakahilerang sasakyan sa labas ng club at napagtanto niyang siya na lang yata ang kulang. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang clutch bag at tinawagan si Lea na nasa labas na siya. Ilang sandali pa ay may lumabas na lalaki sa entrance ng club at kinawayan niya ito nang makilala. "You're late, Trix!" that's Vince. "Yeah! Nahirapan kasi akong mag-abang ng taxi." "Don't worry hindi pa naman marami ang nainom namin. Sa lakas mong uminom baka mauna ka pang malasing sa amin!" natatawang sambit ni Vince. Hinawakan nito ang kanyang kamay at pumasok silang dalawa sa loob ng club. Dinala siya nito sa tapat ng pintuan ng VIP room. "Hi Trix!" salubong sa kanya ni Lea. "Happy birthday, Lee!" Hinalikan niya at niyakap ang kaibigan. Umupo siya sa tabi ni Kathy. Masaya ang lahat sa kanyang pagdating maliban lang kay Blake. Kaharap niya ito pero hindi man lang siya nito magawang tapunan ng tingin. Hindi niya maintindihan ang lalaking ito. Napakasuplado nito sa kanya samantalang wala naman siyang ginagawa. "I have a very special gift for you, Reyes!" Dylan said. "And what's that, Monteverde?" Lea asked. "Cake lang naman! Alam mong 'yan ang negosyo ng asawa ko! Pero special 'tong cake na ito dahil kaming dalawa mismo ni Kathy ang nagbake." Sabay lapag ni Dylan ng box sa mesa at inutusan si Lea na buksan. Binuksan ni Lea ang box at napuno ng tawanan ang loob ng VIP room nang makita nilang lahat ang cake ni Lea. Isang chocolate cake na may nakatayong tîtî at may nakalagay pang batayan kung ilang inches ang kayang isubo ni Lea. "Bweset ka talaga, Monteverde! Panira ka talaga! At ikaw naman Trixie tawang-tawa ha! Humanda ka sa birthday mo!" galit na boses ni Lea at nakapamaywang pa sa harapan niya. "Isubo mo na kasi! 10k per inch 'yan. Wala naman dito ang asawa mo eh." wika ni Kathy. "Isa ka pa! Nakikipagsabwatan ka pa d'yan sa asawa mo!" baling nito kay Kathy. "Susubo na 'yan! Susubo na 'yan!" sigaw ni Evan at Vince. Tumakbo si Lea papunta sa pintuan ngunit hinabol at naabutan ni Evan at Vince. Hinila ng dalawa si Lea pabalik sa mesa at hindi na binitawan. Lumapit si Blake at hinawakan nito ang ulo ni Lea saka pinilit na ipasubo ang títí na nasa cake. "3 inches lang ang kaya mo, Reyes?" Mapang-asar na tanong ni Dylan habang sinisipat kung tama ang numerong nakikita nito. Halos magsuka si Lea sa loob ng VIP room nang bitawan ng tatlo. Napapaluha ito at nauubo pa. "Mga putang*ina kayo!" malutong na mura ni Lea na umalingawngaw sa apat na sulok ng silid. "Wag ka ng magalit... Here's your prize! Happy, happy birthday!" Inabot ni Kathy ang 30k kay Lea. Napangiti naman si Lea nang makita ang pera. "Pwede paisa pa baka sakaling masubo ko pa hanggang 10 inches. 100k din 'yon sayang!" "Hindi na pwede!" saad ni Blake. "Let's cheers and enjoy the night!" wika ni Vince at sabay-sabay silang nagglass toast. NARINIG niyang nagyaya na si Lea na umuwi. Tiningnan niya ang kanyang relo at alas dos na ng madaling araw. Umiikot na rin ang paningin niya sa kalasingan. "Si Vince na maghahatid sa akin pauwi. Ikaw naman Blake isabay mo na si Trixie, madadaanan mo naman ang apartment niya pauwi sa condo mo." Narinig niyang turan ni Lea. Napangiti siya nang makitang tumango si Blake. Inisip niya na baka ito na ang tamang oras para maging close sila ni Blake sa isa'-isa, gaya ng pagiging close nila ni Vince. Sabay-sabay silang lumabas sa club at maayos na nagpaalam ang lahat sa bawat isa nang marating nila ang parking area. TAHIMIK lang siya habang nakaupo sa front seat ng sports car ni Blake. Naramdaman niyang pabilis ng pabilis ang pagpapatakbo ni Blake ng sasakyan at nahihilo siya. "Blake, nasusuka ako!" Ginilid ni Blake ang sasakyan ngunit huli na ang lahat. "What the f*ck, Trixie! Dito ka pa talaga nagtawag ng uwak sa loob ng sasakyan ko!" galit na galit na saad ni Blake. Hindi siya makasagot dahil patuloy na lumalabas sa kanyang bunganga ang nainom at kinain niya. Nakita niyang pinatay ni Blake ang aircon ng sasakyan at binuksan ang bintana. Hinayaan lang siya nito at nagmanehong muli. NAGISING siya sa init ng araw na tumatama sa kanyang balikat. Nasa loob siya ng sasakyan na nakapark sa harap ng gate ng kanyang inuupahang apartment. Tiningnan niya ang sarili at napatakip na lang siya ng ilong nang maamoy ang sariling suka. Nandidiri siya sa sarili ngunit mas nahiya siya nang maalala na sasakyan iyon ni Blake. May nakita siyang puting papel na nakadikit sa windshield. Kinuha niya iyon at binasa. "Linisin mo ang kalat mo loob ng sasakyan ko at siguraduhin mong walang matirang mabahong amoy. Pagkatapos mong linisan dalhin mo sa kompanya ko! Tagalog na 'yan para maintindihan mo!" Nilakumos niya ang hawak na papel at hinilot niya ang kanyang noo. Masakit ang ulo niya dahil sa dami ng alak na ininom niya kagabi. Gusto niya pang matulog subalit no choice siya, kailangan niyang linisin ang loob ng sasakyan ni Blake. Lumabas siya sa sasakyan at patakbong tinungo ang kanyang kwarto habang wala pang nakakakita sa kanya. Nagugutom na siya ngunit kailangan niyang unahin ang pagligo para maalis ang amoy ng kanyang suka sa katawan. Pagkatapos niyang maligo at mabihis, nagluto siya ng instant noodles para makahigop man lang siya ng mainit na sabaw. Habang kumakain tiningnan niya ang cellphone baka may nakakaalala man lang sa kanya na kapatid niya, pero bigo siya. Wala man lang ni isang kapatid niya ang nakaalalang magtext at mangumusta sa kanya pagkatapos niyang padalhan ng pera ang mga ito kahapon. Ni salamat, wala. Tiningnan niya ang kanyang messenger baka sakaling meron nakaalala sa kanya roon. Pero messages lang ni Kathy at ni Lea ang nakita niya. Tinatanong ng dalawa kung maayos siyang nakauwi kagabi. BUMABA siya at tinungo ang nakapark na sasakyan para simulang linisin ang ikinalat niya sa loob ng kotse ng binata. Napakainit sa labas dahil tirik na tirik ang sikat ng araw. Mahapdi iyon sa balat lalo na't gumagamit siya ng exfoliating skin care pero titiisin niya. Lilinisan niya ang labas at loob ng sasakyan ni Blake para hindi ito magalit sa kanya. Makabawi man lang siya sa binata. Total wala naman itong sinabing exact time kung anong oras niya dapat ibalik ang sasakyan. "Trix, sayo ba 'yan? tanong ng lalaking tambay sa tindahan. "Hindi ho. Sa boss ko ito, pinalinisan niya lang sa 'kin." sagot niya na may kasamang pagsisinungaling. Tumunog ang kanyang cellphone. From: Blake "You have 10 mins. left! Kapag hindi mo pa mahatid ang kotse ko, kakasuhan kita ng carnapping." Nainis siya sa nabasang text. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang sumunod. Tinawag niya na lang ang lalaking tambay upang tumulong sa kanya sa paglilinis. NANG matapos bumalik siya sa silid at mabilis na nagbihis ng damit-panlakad. Nagpulbo lang siya at naglagay ng lip balm sa labi. Paglabas niya sa gate agad niyang inabutan ng pera ang lalaki. Nagpasalamat naman ang lalaki at mabilis itong tumalima. Pumunta ito sa tindahan at kinuha ang bike nito. Nagspray siya ng air freshener sa loob ng sasakyan ni Blake. Mabango na ito ngayon at malinis. Tumunog muli ang kanyang cellphone. From: Blake "You have 4 mins. left!" Reply: "I'm on my way now! Just have a little bit of patience" Binalibag niya sa upuan ng sasakyan ang kanyang cellphone. "Ano po 'yang dala-dala niyo?" natanong niya sa babaeng kapit-bahay nang makita niya itong palabas ng gate na may dala-dalang sako. "Pusa ito, Trixie! Gusto ko ng palayasin sa pamamahay ko dahil nagkakalat ng dumi." sagot sa kanya ng babae. Napangiti siya sa naiisip. "Ako na po magtatapon niyan! Aalis naman ako kaya dalhin ko na para siguradong hindi na makabalik dito sa inyo." aniya at ibinigay naman sa kanya ang sako. Kinuha niya ang pusa sa sako at pinasok sa loob ng sasakyan. Tinalian niya pa ito ng seat belt para hindi ito makawala. PINAGBUKSAN siya ng gate ng security guard pagdating niya sa building na pagmamay-ari ng ama ni Blake. Marahil ang akala siguro nito si Blake ang nagmamaneho. Nilagyan niya muna ng tissue ang bunganga ng pusa para hindi lumikha ng ingay bago niya ibaba ang bintana ng sasakyan. "Saan ko po ito ipapark?" tanong niya sa security guard. Nagulat ang security guard nang makitang siya ang driver ng kotse at hindi si Blake. "Doon, ma'am!" sagot nito sabay turo sa bakanteng parking space na may sign na 'Reserved Parking for CEO". "Salamat!" aniya at nagdrive patungo sa parking space na itinuro ng guard. Nang ganap na niyang maipark ang sasakyan ni Blake, tinanggal na niya ang tissue na nilagay niya sa bibig ng pusa pati na rin ang seat belt na itinali niya rito. "Damihan mo ang tae mo rito ha! Tingnan lang natin Blake kung hindi ka masuka!" Pasipol-sipol siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ng guard. Nagpaalam siya ng maayos at lumabas ng gate para mag-aabang ng taxi sa labas. PAGKAUWI niya sa kanyang apartment agad siyang nagluto ng kanyang tanghalian. Habang nagluluto panay ang sulyap niya sa kanyang cellphone. "Tumawag ka na! Tumatawag ka na!" Iyan ang paulit-ulit na sambit niya, na mistulang nag-oorasyon sa harap ng kalan. Subalit, natapos lang siyang magluto at kumain pero wala siyang natanggap na tawag mula kay Blake. Nagligpit at naglinis siya sa loob ng kanyang apartment. Nilabhan niya sa banyo ang kanyang maruruming damit at nilinisan ang kanyang banyo. Ilang sandali pa tumunog na kanyang cellphone at halos magtatatalon siya sa tuwa nang makita ang pangalan ni Blake sa screen. "What did you do to my car?" malamig na boses ni Blake sa kabilang linya. "Nilinis ko and then binalik ko d'yan!" sagot niya. "Oh really? Then, I will send a picture through chat!" sabay putol ni Blake ng linya. Napapangiti siya habang hinihintay ang chat ni Blake. Sa tingin niya nagtagumpay siya sa plano at sigurado siyang nasuka na ito sa amoy ng dumi ng pusa. "Sana sa driver seat mismo dumumi ang pusa." Nakita niya ang chat ni Blake at mabilis niyang binuksan iyon. Sabik na siyang makita ang picture ng itinanim ng pusa roon. Napatitig na lang siya ng matagal sa hawak na cellphone nang makita ang ginawa ng pusa. Hindi litrato ng dumi ng pusa ang isenend ni Blake, kundi gasgas sa bintana ng sasakyan at mga maliliit na butas sa seat cover dahil sa kuko ng pusa. Nagkalat iyon sa loob sa ng sasakyan. Napakamot siya sa ulo. Bakit nga ba hindi sumagi sa isip niya ang iba pang maaring magawa ng pusa sa loob ng sasakyan ni Blake. Napahilamos na lang siya ng palad sa sobrang katangahan at sa isiping baka pabayaran sa kanya ni Blake ang nasira. Napapitlag siya nang tumunog muli ang kanyang cellphone. Ngayon wala siyang ibang gawin kundi magtatapang-tapangan at magmaang-maangan sa ginawa. "Have you seen it?" galit na tanong ni Blake. "I'm sorry! Pero wala akong kinalaman d'yan! Maayos kung ibinalik ang kotse mo. Itanong mo pa d'yan sa guard." "Huwag mong ipakita sa akin ang sarili mo, Trixie! Baka makalimot akong babae ka!" narinig niyang saad ni Blake. "Is that a threat?" tapang-tapangan niyang tanong. "Ayusin mo, Trixie! Hindi ako gaya ni Vince! Tandaan mo 'yan!" huling salitang narinig niya mula sa kabilang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD