CHAPTER 3

1412 Words
One week ago.... PABALYA niyang inihagis ang kanyang bag sa loob ng company car na gagamitin niya. Papunta siya ngayon sa kompanya ni Blake dahil inuutusan siya ni Dylan na personal na iabot ang invitation card para sa birthday ni Alexandra. Kung hindi lang niya boss si Dylan, hindi niya ito susundin. Ayaw niyang makipagkita kay Blake, lalo na't isang linggo pa lang ang nakakaraan mula ng lagyan niya ng pusa ang sasakyan ng binata. Alam niya sa sariling malaki ang galit ni Blake sa kanya kaya nang mangyari iyon umiwas na siya para 'di na muling magtagpo ang landas nilang dalawa. Pero heto siya ngayon, pupuntahan si Blake. Pakiramdam niya pupugutan siya ng ulo ngayong araw. "Bahala na! Makakalabas pa naman siguro ako ng buhay sa building na 'yon!" Inayos niya ang pagkaupo sa driver seat. Inistart niya ang kotse at nagmaneho palabas ng exit way. KABADO siya habang hawak-hawak niya ang manibela at papasok na sa gate nang marating ang building kung saan CEO si Blake. Ipinark niya ang sasakyan at pinakalma muna ang sarili. Hawak ang kanyang bag at ang invitation, humugot muna siya ng isang malalim na paghinga bago tuluyang lumabas ng sasakyan. "Good morning, ma'am!" bati sa kanya ng guard na nasa ground floor. "Good morning!" ganting bati niya. Kilala na siya rito kahit pa hindi sila magkasundo ni Blake at pangatlong beses niya palang tumuntong sa building na ito. Marahil, dahil sa mga social media post ni Lea na nakatag sa binata at sa kanya tuwing naglalabas sila, kaya siya nakilala ng mga empleyado nito. "Hi, Ms. Trixie! Ang sexy mo talaga kapag nakapencil skirt!" salubong puri ng babae pagpasok niya habang ito'y nakatayo sa kanyang harapan. Nginitian niya lang ito. Akmang itatanong niya na sana rito kung anong floor ang office of the CEO nang makita niya si Blake na palabas ng elevator. Nakita niya ang galit sa mukha ni Blake nang makita siya nito. Bigla siyang kinabahan, parang tinatambol ang kanyang dibdib sa klase ng tingin sa kanya ni Blake na animo'y susunugin siya nito ng buhay. "What are you doing here?" mapanitang boses ni Blake na ikinanginig ng kanyang labi. "Uhmm... G-good m-morning... I-inutusan lang ako ni Sir Dylan na ibigay ito sayo. A-n invitation for Alexandra's birthday." lakas-loob at mapagkumbabang saad niya sabay abot ng invitation na hawak. Nakita niyang ngumisi si Blake habang tinititigan ang kayang kamay sa ere. "Did you set an appointment with me?" tanong ni Blake sa kanya. Naumid ang dila niya kaya't tanging iling lang ang kanyang naging tugon. "I am a very busy person, Ms. Santibañez! Just set an appointment with me and you can go back tomorrow... You can leave now, outsiders is not allowed here in my company!" seryosong sabi ni Blake habang inaayos ang butones ng suit nito at titig na titig sa mukha niya. Nakaramdam siya ng pagkainis sa narinig. Papahirapan pa talaga siya ni Blake, samantalang kukunin na lang nito ang invitation sa kamay niya at makakaalis na siya. "Are you deaf? Should I repeat what I've said?" Blake asked her sarcastically. Hindi pa man siya nakasagot ay naagaw na ang atensiyon ni Blake ng babaeng papalapit sa kanila. "Let's go, babe?" rinig niyang sambit ng babae at humalik pa sa labi ng binata. Nakita niyang tumango si Blake at akmang hahakbang na ngunit hinawakan niya ito sa braso at napatigil naman ito. "Blake, wait!" "Who is she, babe?" tanong ng babae. "I'm his girlfriend!" walang pakundangan niyang sabi na hindi niya alam kung saan iyon nanggaling. Wala siyang nararamdaman para kay Blake, basta lang iyon kumawala sa kanyang bibig. Siguro, dulot lang ng pagkainis niya sa binata at pagiging madaldal niya kaya niya nasabi. "What!" sabay na napabulalas ang dalawa sa narinig. "Don't believe her, babe! That woman is crazy!" narinig niyang sabi ni Blake sa babae ngunit isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito. Nagmamadaling nagmartsa palabas ang babae at hinabol naman iyon ni Blake. Naiwan siyang pinagtitingan ng mga empleyado ng binata sa loob at nagdarasal na sana tamaan na lang siya ng kidlat sa sobrang kahihiyan. Hindi niya alam kung anong kagagahan na naman itong pinasok niya. Kalauna'y naihakbang niya din ang kanyang mga paa palabas. Naabutan niya pa si Blake na nakatayo sa labas habang pinagmamasdan ang humaharurot na sasakyan palabas ng gate. Wala siya sa sariling tinungo niya ang ipinarada niyang sasakyan at binuksan iyon. Subalit, akmang papasok na siya sa loob ng biglang may malakas na humila sa kanyang braso. "Ano naman itong ginawa mo? Hindi mo ba alam na kakasagot lang ng girlfriend ko sa 'kin pagkatapos ng anim na buwan kong panliligaw!? Are you losing your mind, Trixie? Pagkatapos mong sirain ang sasakyan ko, sisirain mo rin ang relationship namin ng girlfriend ko?" Humigpit ang paghawak ni Blake sa kanyang braso. "I-im s-sorry!" aniya. Pilit niyang kinakalas ang kamay ni Blake dahil tinatamaan na ang kanyang buto sa higpit ng pagkakahawak nito. "I'm sorry? Gano'n na lang? Sabihin mo nga sa 'kin, Trixie... Bakit mo nasabi na girlfriend kita? May gusto ka ba sa 'kin? Dahil ako, wala!... Hindi gaya mo ang babaeng magugustuhan ko! Take a look at yourself! You look like a slut, a w***e in my eyes!" mapanglait na turan ni Blake at pinasadahan pa siya nito ng tingin taas baba. Sa narinig, nasampal niya si Blake ng ubod ng lakas dahilan para bitawan siya nito. "Masakit ba marinig ang katotohanan? Sa paraan ng pananamit mo, sa tingin mo rerespituhin kita? In your dreams, Trixie! In your dreams!" ngumisi pa ito ng mala-demonyo sa kanya. "Ang sakit mo naman magsalita!" mangiyak-ngiyak niyang sabi. Hindi niya akalain na sasabihin iyon ni Blake sa kanya. Labis na hiya ang kanyang naramdaman para sa sarili. Oo revealing siya manamit, pero para sa kanya hindi iyon tamang batayan para tawagin siyang slut o w***e dahil matino naman siyang babae. "Umalis ka na, Trixie! Layas! At ito ang tandaan mo... huwag kang magpapakita sa 'kin dahil baka sa susunod na magkita tayo, mapatay kita!" Dinuro pa siya nito sa mukha bago siya nito iwan at sinundan niya na lang ito ng tingin. Mabilis siyang pumasok sa sasakyan at pinaharurot niya ito upang lisanin ang building na iyon. "WHAT happened to you, Ms. Santibañez? Umiyak ka ba?" tanong ni Dylan ng makabalik siya sa opisina nito. "Wala po, sir!" tipid niyang tugon. "Naibigay mo ba kay Blake?" rinig niyang tanong nito. Marahan siyang tumango. Ang totoo hindi niya alam kung saan na napunta ang invitation na hawak niya kanina. "Sir, can I ask something?" Umupo siya sa harap ng desk ng boss. Napatigil naman ito sa pagtatype sa laptop at tiningnan siya. "What is that?" "Sir, malaswa ba ako manamit? Do I look like a w***e the way I dressed?" "Ano bang klaseng tanong 'yan?" natatawang sabi ng kanyang boss. "Sir, seryoso po ako!" "Well, we all have right to wear what we want. So, you shouldn't have to worry about what people think of you and you don't need to explain yourself too! Just wear what you want, Trix. No judgement from me." wika ni Dylan. Natigilan siya sa narinig. Sa maraming taon na naging sekretarya siya nito hindi pa siya nakakaranas ng pambabastos mula sa kanyang boss. Kahit pa minsan inuumaga na silang magkasama ni Dylan sa opisina nito kapag may hahabulin silang deadline. Sa tingin niya wala itong pakialam kahit may ibang babaeng maghubad sa harap nito, dahil tanging besfriend niya lang ang pinakamaganda sa paningin nito. MGA KATOK sa pinto ang nagpabalik sa kanyang katinuan. Sinulyapan niyang muli si Blake bago tinungo ang pintuan upang tingnan kung sino ang kumakatok. "Hi, Ate Trix!" sabay na bati ng dalawa pagbukas niya ng pinto. It's Maurice and Jean. "Hi! Saan kayo pupunta?" "Pabalik na kami ng hotel. Inutusan lang kami ni Ate Kathy na daanan namin 'tong bungalow house number 7 para tingnan kung nandito ka na sa isla." Si Jean ang sumagot. "Ate Trix, mauna na kami. Nasa villa pala sila Ate at Kuya, sila Mom and Dad ang nasa presidential suite baka kasi hanapin mo." wika ni Maurice. "Sige, see you later both. Magpapahinga lang ako." aniya at isinara na pinto. Tiningnan niya ang relo sa braso. Maaga pa at pwede pa siyang matulog lalo na't nakakaramdam pa siya ng pagkalula. Tinungo niya ang kama at nahiga habang nakatitig sa kisame. Iniisip niya parin kung paano niya haharapin si Blake dahil natitiyak niyang magkakasama sila mamaya sa iisang mesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD