CHAPTER 41

2339 Words

~Continuation of Blake's Point of View…~ LIMANG baitang na lang ng hagdan ay mararating na niya ang pintuan ng kanilang silid. Mabagal lang ang kaniyang paglakad upang hindi lumikha ng ingay o kaluskos dahil natitiyak niyang mahimbing na ang pagtulog ni Trixie. Nang marating niya ang pintuan ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Hindi nga siya nagkamali. Mahimbing na ang tulog ni Trixie habang nakadapa sa kama. Walang kumot na nakatakip sa katawan nito kaya makikitang tank top na kulay itim at panty na kulay pink lang ang suot nito. Limitado lang ang makikita sa loob ng silid dahil liwanag na galing sa lampshade lang ang nagsisilbing ilaw. Ngunit naaaninag parin ang binti at puwet nitong maputi at makinis. Damang-dama niya ang pagkabuhay ng kaniyang pagkalalakí

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD