[Fiona's POV]
Nagkatinginan kami nila Laureen ng hilahin ni Clyde si Trish paalis ng bahay nila. WOW! Hello! Nandito kaya ang friends.
Kahit na umalis na si Trish ay hindi pa rin kami umalis. Hahaha! Syempre mabubuting kaibigan.
Mga 8 na pero wala pa rin si Trish sa bahay nila. Okay lang kaya yun?
"Tawagan na kaya natin si Trish?" pagsusuggest ni Leigh
"Oo nga Fiona. Anong oras na rin oh." pagsang-ayon naman ni Laureen
Kinuha ko naman ang phone ko at dinial ang number ni Trish.
Nagriring pero walang sumasagot. Nasan kaya to? Masyado kaya siyang nag-eenjoy?
"Hindi sumasagot eh."
"Baka nag-eenjoy siya sa date nila. Pero kung nag-eenjoy man siya or kung magkagusto man siya sana di naman dun sa lalaking yun. Casanova yun eh." sabi ni Laureen
"Yeah. Ako rin di boto kay Clyde." pagsang-ayon ni Leigh
"Ah! Kaya pala nung first na nagmeeting ang SCO ng Southridge at North ay nakita kong may binigay si Trish kay Clyde. Nagustuhan niya siguro nung nagkita sila sa happy lemon. Siya yung unang pinansin ni Clyde diba?" sabi naman ni Laureen
So it means gusto talaga ni Trish si Clyde? Akala ko ba ayaw niya sa casanova?
Tinext ko si Trish baka sakaling magreply.
To: Trish
'Hoy! Mag-update ka naman! Nasan kana? 8 na wala ka pa rin.'
And send! Dapat magreply siya! Nakooo! Gabi na rin eh!
Pauwi na sana kami ng biglang magvibrate ang phone ko. May nagtext baka si Trish na nga.
Si Trish nga!
"Nagtext na si Trish." pagbabalita ko dun sa dalawa
"Great." sabi ni Leigh at pumalakpak pa
From: Trish
'Fiona, si Clyde to. You mean wala pa si Trish? Naiwan niya tong phone niya sakin eh.'
Anong sinasabi niya?! Di niya kasama si Trish?! Pero hinila niya nga kanina at sinabing hihiramin samin eh! Tapos ngayon di na niya kasama. Ni hindi man lang niya binalik dito pagkatapos niyang hiramin. Nagagalit akoooo!
Dinial ko ang number ni Trish at dapat sagutin ito ni Clyde!
[Hello? Wala pa si Trish?]
"WALA PA SIYA! SAN MO SIYA DINALA?! GAGO KA BA?! HINIRAM MO TAPOS DI MO IBABALIK. TAPOS NASA SAYO PA PHONE NIYA. WALA NAMAN YUNG DALANG PERA!!!" sigaw ko kaya lumapit na sakin sila Leigh para pakalmahin ako
[Sorry Fiona. Sige pupunta ako diyan sa bahay nila. Sasamahan ko kayo maghanap.] Inend na rin niya ang tawag
Baliw ba siya?! Hindi nya kasama si Trish! Kami pa ang tinatanong samantalang siya ang humila sa kaibigan namin!
Hindi na kami mapakaling tatlo dahil nga hindi naman pala kasama nito ni Clyde yung kaibigan namin at ito pa! Wala sakanya ang phone niya pati na rin ang wallet niya. Nasang lupalop na kaya ang babaeng yun?!
Dumating na rin naman si Clyde at hindi na ako nakapagpigil at sinapak ko kaagad siya sa muka.
"Para yan sa pagpapabaya sa kaibigan namin." sabi ko sakanya
Hinawakan naman niya ang muka niya pero hindi na rin naman umimik. Kasalanan niya rin naman kasi eh! Wala na siyang dapat pang ipamuka samin.
Tinignan siya ng masama ni Leigh pati na rin ni Laureen.
Medyo matagal din kaming nakatanga dun kasi hindi na namin alam kung san pa hahanapin si Trish.
"I'll look for her." sabi niya atsaka tumayo sa kinauupuan niya
"Sasama kami." sabi naman ni Laureen
"No! Ako ang may kasalanan kaya ako ang maghahanap. You go home." utos niya samin
ABA'T! Siya pa talaga ang may ganang mag-utos!
Pero bago pa man ako magsalita ay nakaalis na siya sa harap namin.
[Clyde's POV]
San naman kaya napunta ang babaeng yun?
Hindi ko naman sinasadya ang nangyari eh, sadyang nadala lang ako sa nararamdaman ko. Nakakapikon naman kasi talaga ang mga sinabi niya sakin. Sinong hindi mapipikon dun eh hindi niya naman alam ang nararamdaman ko! Hindi niya naman alam ang nangyari sakin noong past life ko.
Pero nakokonsensya ako. Napasobra naman ata ang nagawa ko sakanya. Hindi rin naman ata tama ang nagawa ko sakanya na kaladkarin siya at pabayaan nalang.
Halos lahat ng lugar na pwede kong puntahan ay napuntahan ko na. Hindi ko talaga makita kung nasaan siya, hindi ko makita kung saang lupalop na ba ng Earth napunta ang babaeng yun pero siguradong pag may nangyaring hindi maganda sakanya ay ako ang sisisihin. Lahat ng sisi saakin mapupunta.
Bumaba ako sa kotse ko at naglalakad lang kasi baka mamaya nasa may sidewalk lang pala siya nakaupo or what. Pero nacaught ng isang babae sa may convenience store ang attention ko.
Pinag-alala niya ang lahat tapos nandito lang pala siya at kumakain ng ice cream kasama ang isang lalaki. Nakakatawa! Nag-alala pati mga kaibigan niya tapos ako sobrang kinonsensya niya tapos andito siya at tumatawa pa.
Tumingin ako sa relo ko at nalamang 9 pm na pala. Wala bang balak umuwi ang babaeng to?!
Pumasok ako sa loob ng convenience store at nilapitan sila. Napatingin yung lalaki sakin pati na rin siya. Yung muka niya halatang nagulat ng makita ako.
"Uuwi na tayo." sabi ko sakanya with a serious tone atsaka siya hinila palabas ng convenience store
[Fiona's POV]
Ang tagal naman nila. Nasan na kaya sila? Hindi pa rin kasi tumatawag tong si Clyde. Hindi tuloy kami makauwi!
Bigla namang tumunog ang gate nila na para bang may nagbukas. Napatayo kaming tatlo para tignan kung sino yun at nung makita naming si Trish yun ay tumakbo na kami papalapit sakanya.
"San ka ba nanggaling?" tanong ko sakanya
"Ahh. Si Louie kasi nakita ko! Tapos ayun niyaya akong gumala." sagot niya
"Hindi ka man lang nagtext samin!" naiinis na sabi ni Leigh
"Sorry! HAHAHA. Nawala ko kasi phone ko."
"Tsk. Edi sana humiram ka kay Louie." sabi naman ni Laureen at binatukan siya
"Sorry na guys! Hindi ko na naalala eh." nagpeace sign pa siya samin! Loka loka talaga!
"Uuwi na ako. Pinag-alala lang kayo niyan ng walang dahilan. Yun naman pala nandun at nakikipaglandian." naiinis na sabi ni Clyde
Tinignan naman siya ni Trish atsaka yumuko at malungkot ang muka.
"Hindi naman kasi." bulong niya kahit na ang totoo narinig naman namin
Pero syempre dahil alam kong hindi naman maganda ang mood ni Trish ay sinenyasan ko nalang yung dalawa na umalis na at kailangan ni Trish mapag-isa. Tinap naman namin sa balikat si Trish na parang sinasabing aalis na kami.
Naabutan pa namin na pasakay si Clyde sa kotse niya. Kaya itong si Leigh at tumakbo kaagad papunta sakanya.
"Argggh! Kanina ko pa to gusto gawin sayo!" sigaw niya sabay sabunot kay Clyde
"Aray! ARAY!" sigaw ni Clyde habang pilit na inaalis ang kamay ni Leigh sa buhok niya
"Nakakainis ka! Kung may nangyaring hindi maganda kay Trish ikaw talaga ang mananagot!" umiiyak na siya ng isigaw niya yun atsaka nagpapadyak na parang bata sa sobrang inis
"Sorry. Okay? Hindi ko sinasadya. And alam mo ba kung san ko siya nakita? Sa convenience store at kumakain kasama ang isang lalaki. Pinag-alala niya lang tayong lahat sa wala." sabi naman ni Clyde
Tinignan namin siyang tatlo ng masama.
"Isa pang may mangyaring ganito. Yari ka na sakin." sabi ko sakanya atsaka tuluyang umalis
***
Maaga akong nagising para mag-ayos sa pagpasok. May quiz pa kami ngayon!
Naligo na ako at nagbihis atsaka bumaba para kumain ng breakfast. Pagkatapos kong magbreakfast ay humalik na ako kay Mama at Papa atsaka nag-umpisang maglakad papunta sa school.
Pagkadating ko ay nandun na ang tatlo kong kaibigan.
"HI fiona!" bati sakin ni Laureen
"Diba may quiz?" tanong ko
"Yeah. Nakapagreview na ako eh." sabi ni Laureen. Well! Ano pa nga bang ineexpect sakanya! Lagi naman yang ready sa ganyan
"Pero guys! Diba kilala niyo si Ate gee?" tanong ni Leigh
"Yeah! Pinakilala mo siya samin." sagot ko naman
"Hmm? Iniinvite niya tayo to have a vacation sa resthouse ng boyfriend niya sa may Bataan next week since we have no classes that time. So ano game?" tanong niya ulit
"GAME!" sigaw naming tatlo
"So I'll tell Ate Gee that we're coming. Okay?"
Tumango naman kaming tatlo sakanya!
YEY! Masaya toooo! Vacation for one week sa Bataan. Mayaman talaga ang boyfriend nito ni Ate Gee eh!