Warcation

1357 Words
[Leigh's POV] Nasa byahe na kami ngayon papunta ng Bataan. Wala si Kuya Adam kasi sabi ni Ate Gee nandun na raw sa may resthouse at susunod nalang daw kami. Sobrang excited nga kaming apat eh. "Ate, malayo pa ba?" tanong ni Laureen "Hindi. Malapit na. HAHA. Onti nalang." sagot niya Lumiko kami sa isang street and huminto ang sasakyan sa malaking bahay na nasa may left. "Baba na kayo. Yan yung resthouse nila." tinuro niya yung malaking bahay Waah! Ang gandaaaa! Sobrang ganda! "Ang ganda naman ate." sabi ko "Yeah. Maganda talaga." May nakapark na kotse na rin pagdating namin. I think kotse ni Kuya Adam yun. Nagdoorbell na si Ate dun sa bahay and kaming apat ay nag-iintay sa may likod niya. Maya maya ay bumukas na ang gate at si Kuya Adam ang lumabas. Syempre nandito na nga siya diba? HAHA. "Buti naman at hindi kayo naligaw. Hindi pa naman magaling sa directions tong si Gee." tumatawang sabi ni Kuya Adam that's why tinignan siya ni Ate Gee ng masama na ikinatahimik naman niya Nagpeace sign sakanya si Kuya Adam. HAHAHA. Natakot siguro xD "Pasok na tayo." sabi ni Ate Gee Pumasok na kaming apat sa loob. Pero hindi namin inasahan ang madadatnan namin dito! "KAYO?!" sigaw naming apat sa mga lalaking nasa may sala ngayon at nanonood Nakatingin sila samin at mukang shock din ang muka. "Kuya Adam akala ko ba girlfriend mo lang ang dadalhin mo? Bakit pati yan?" tanong ni Jace. Kami kaya ininvite! "Adam, hindi mo sinabi sakin to ah." sabi ni Ate Gee na mukang shock pa rin "Ito yung surprise na sinasabi ko. Ipapakilala ko sayo yung parang mga kapatid kapatidan ko." "Eh ito rin yung surprise ko sayo eh. Ipapakilala ko sayo yung mga kapatid kapatidan ko." Nagkatinginan kaming walo na dahil wala na kaming maintindihan sa mga nangyayari. Ang akala namin kami lang ang nandito plus si Kuya Adam pero nadagdagan pa ng apat na lalaking sobrang yabang! "Wala nanaman tayong magagawa eh. Nandito na. Well as might enjoy this vacation." sabi ni Ate Gee Anong enjoy?! Pano kami makakapag-enjoy?! And I thought kilala na ni Ate Gee si Jace eh bakit ipapakilala niya pa? "Akala ko ba ate kilala mo na si Jace?" tanong ko "Kilala ko nga siya pero yung tatlo niyang kasama hindi ko kilala. Parang sainyo ni Adam, kilala ka pero yang sila Fiona hindi niya kilala." sagot niya sa tanong ko "So ayan! Magkakakilala na tayo." sabi naman ni Kuya Adam "Kilala naman na po namin sila eh." sabi ni Fiona atsaka tinignan yung apat na lalaki ng nakakainis "SOBRANG KILALA. KASI SILA YUNG MAYAYABANG NA LALAKI EH!" sigaw ni Laureen "Alam mo ang ingay ingay mo." puna ni Keith sakanya "Wala kang pake noh! May sarili akong buhay! Pakealaman mo yung iyo!" sigaw naman nya "Ayaw po namin silang kasama." dagdag naman ni Fiona "Me too." cold na sagot ni Dexter "I"m not asking for your opinion!" sigaw ni Fiona "Ako rin, hindi ko hinihingi opinyon mo kanina pero bakit ka nagbibigay?" napasmirk si Dexter ng makitang nabara niya si Fiona Si Fiona naman ay tinignan siya ng sobrang sama na akala mo mapapatay na niya "Ako ate ayoko siya kasama. Kasi sobrang ingay niya! Sobrang gulo niya!" sigaw ko naman sabay turo kay Jace Ang ingay ingay na nga namin eh! Parang may world war III dahil sa mga bunganga naming hindi matigil. "SANDALI! TAHIMIK!" sigaw ni Ate Gee kaya napatahimik kaming walo "Pwede bang ienjoy nalang natin? Nandito na eh. Hindi ko naman kayo pwedeng iuwi atsaka bumalik dito." sabi ni Kuya Adam dun sa mga lalaki "Kahit ako. Hindi ko naman kayo pwedeng iuwi atsaka bumalik. Mahihirapan ako." sabi ni Ate Gee saming mga babae Tahimik pa rin ang lahat, siguro ito na ang sagot. Pumapayag kami sa setup. Wala na rin naman kasing magagawa eh. Ano pang sense kung magtalo talo kami. Wag nalang magpansinan diba? Pwede naman yun! Inakyat na namin sa guest room yung mga gamit namin. May 4 na guestroom daw dito kaya sa isang kwarto ay may dalawang tao na magsheshare. Dahil nga akala nila Kuya Adam yung apat lang ang bisita ay binigyan niya ng tig-iisang kwarto yung mga lalaki. Kaya ngayon ito sila at kinukuha ang mga gamit nila at nilipat dun sa dalawang kwarto. Bahala na sila kung sino ang gusto nilang kashare. Inayos na namin ang gamit namin ni Trish, since siya ang kasama ko sa kwarto. Muka siyang malungkot kaya nilapitan ko siya at umupo sa kama niya. "Bakit ka malungkot?" tanong ko Tinignan niya ako pero hindi siya sumagot "Uy Trish. Bakit?" "Ha? Eh kasi ano ----" pinutol ko ang sasabihin niya "Naiilang ka kay Clyde? Gusto mo na ba siya?" tanong ko Nanlaki naman ang mga mata niya sa tanong ko atsaka siya umiling. "Hindi ko siya gusto at hindi ko siya magugustuhan." sabi niya sakin atsaka ngumiti "Eh bakit ka malungkot?" "Ayaw ko kasi sila kasama. Tapos ayoko rin makita si Clyde. Pero it doesn't mean na gusto ko siya. Ayoko lang sakanya." sagot niya naman "Ayaw mo sakanya kasi playboy." "Yeah. Alam mo naman! HAHAHA. Kaya nga NBSB eh." Nagkwentuhan pa kami saglit pero maya maya rin ay kumatok na si Ate Gee at sinasabing bumaba na raw kami para makapagdinner na. Late na rin kasi kami nakarating. Mga 5 na. Kasi 12 pm na kami umalis sa Manila tapos medyo natraffic pa kami so ayun. "Wow! Sino nagluto?" tanong ni Laureen at halatang amaze na amaze sa pagkain na nakahain "Ako!" sabi ni Kuya Adam "Masarap magluto si Adam. Hindi lang halata." natatawang sabi ni Ate Gee Kumuha naman si Fiona ng niluto ni kuya Adam at tinikman yun. "Wow! Kuya masarap!" sabi ni Fiona "Talaga? Salamat!" natutuwang sabi ni Kuya Adam Tinuloy na namin ang pagkain. Kahit na kasabay namin kumain tong apat na lalaking to, okay na rin. Hindi nalang namin pinansin ganun din sila samin. Buti nga at hindi kami nag-away sa hapagkainan eh. Bad kasi yun. Pagkatapos naming magligpit ay pumunta ako dun sa may pool. Mayroong mga upuan dun and may swing din. Umupo ako dun sa may swing. Ang lamig ng simoy ng hangin dito. Ang sarap langhapin. Busy ako sa paglanghap ng hangin ng biglang may magsalita. "Laki ng butas ng ilong." natatawang sabi niya Napatingin ako sa nagsalita. Si Jace. "Bakit ka nandito?" mataray na tanong ko "Ang taray taray mo talaga. Dapat nakasmile ka lang, mas bagay sayo." sabi niya tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi ko at finorm ng smile Tinanggal ko ang kamay niya at tinignan siya ng masama. Problema ba nito? "Sino nagsabing pwede mo ko hawakan?" "Wala, pero wala namang nakalagay sayo na don't touch eh. Kaya pwede kita hawakan kung gusto ko." "Ang kulit mo rin eh noh? Bakit sa barkada mo ikaw ang makulit? Yung dalawa sobrang cold, yung isa playboy na makulit na seryoso. Pero ikaw sobrang kulit." puna ko sakanya "Siguro charm ko na yun. HAHA. At siguro yun ang dahilan kung bakit gusto ako ng mga babae." sabi niya tsaka ngumiti sakin Pero totoo, parang siya yung tipo ng tao na laging nakangiti. Hindi sumisimangot. Siguro nga badtrip lang siya nung time na nakilala ko siya kaya siya nakapagsungit sakin or siguro napahiya siya nun. Pero simula nung nakilala ko siya at nakakasama ko na siya parang siya talaga yung tao na hindi marunong sumimangot. And siguro tama siya charm niya nga siguro yun, isa siguro sa mga asset niya. "Wala ka sigurong problema. Hindi ka kasi marunong sumimangot." "Hindi naman sa ganun. Siguro ayaw ko lang na nakikita ng iba na may problema ako. Pag pinakita mo kasi sa iba na may problema ka, pati sila mamomroblema sayo." sabi niya naman tsaka tumawa Nagagawa niya pang tumawa ah! Samantalang ako pag may problema kahit maliit man yun nakasimangot na agad ako. "Paano mo yan nagagawa?" "Ang alin?" tanong niya Napatingin ako sakanya, nakatingin din siya sakin. Nakangiti siya sakin. "Yan. Yang ngiti mo." "Edi ngumiti ka lang. Wag mo isipin na ang problema ay problema." Wag isipin na ang problema ay problema. Pano yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD