[Fiona's POV] 1st day namin ngayon sa Bataan and hindi ako makatulog. Tinignan ko yung kabilang kama at nandun si Laureen, tulog na ata siya. Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit. Lumabas ako ng kwarto, mukang tulog na lahat ah. Pero nagulat ako ng makasalubong ko si Leigh sa may hagdan kasama si Jace. Kinukulit siguro siya ulit. "Bakit gising ka pa?" tanong niya sakin "Hindi ako makatulog eh. Ikaw? San ka galing?" "Diyan lang nagpahangin lang. Sige Fiona, matutulog na ako ah." sabi niya naman sakin tsaka ako bineso Pagkaakyat nila ay bumaba na ako. San ba pwede pumunta rito? May garden kaya rito? O sige dun nalang ako sa may garden. Lumabas ako sa may garden at naupo sa may isang bench dun. Hay ang sarap ng simoy ng hangin a probinsya, hindi tulad sa Manila polluted tapos

