[Laureen's POV] Nakita ko na nandito sa parking area yung kotse ni Keith. I miss him. One week, one week na kaming walang pansinan at walang kibuan. Inaamin kong namimiss ko siya, pero wala eh nireject ko na siya. Buti nalang at kasama ko si Junseo, ayokong makita niya na nasasaktan ako at naaapektuhan ako. Pinili ko ito eh, pinili ko siyang bitawan. Duwag ako at baka pag sinaktan nanaman niya ako ay bumitaw nanaman ako sakanya. Natatakot ako na magtake ng risk. Hindi mawala yung what if's sa isip ko. Hindi ko na ulit nilingon pa ang sasakyan niya. Kunwari ay hindi ko iyon napansin. Hanggang sa tuluyan na nga siyang umalis. Dun lang ako nabunutan ng tinik sa dibdib at nakahinga ng maluwag. "Hoy babae, nandito yung kotse ni Keith ah. Nagkausap kayo? Nakita mo?" sunod sunod na tanong ni

