Taking the risk

1114 Words

[Laureen's POV] Nandito ako ngayon sa labas ng school nila Keith. Desidido na ako, gusto ko siyang kausapin. Sumilip ako sa loob at nakita ko na naglalakad siya palabas ng school. Di niya ata dala ang kotse niya. Napatago naman ako ng mabilis. Kinabahan kasi ako na baka makita niya ako. Pero ang tanga ko naman kaya ko nga ako pumunta rito para makita ko siya at makausap eh. Anong problema ko? Tae naman oh. Bigla naman akong lumabas sa pinagtataguan ko pero kung sineswerte ka nga naman nabangga ako sa dibdib ng isang lalaki. "Sorry." tinignan ko naman ang lalaki. At halos mapaupo ako ng makita kung sino ang hinahawakan kong lalaki. Keith. "O..okay lang." Tumalikod na ako at nag-umpisang maglakad. Kinabahan kasi ako eh, hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko. "Wait Laureen."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD