[Leigh's POV] Nakatambay lang ako ngayon sa bahay kasi wala ng pasok eh. Ang boring nga eh. Christmas break na kasi namin. Hay nako! Wala talaga akong magawa, kay mambubulabog ako sa bahay nila. HAHAHA! "Ma, aalis na po muna ako." pagpapaalam ko kay mama "San ka naman pupunta?" "Kela Laureen po." Pumayag naman si mama agad. Kasi kilalang kilala nanaman niya yung tatlong yun. "Mag-ingat ah." Nagkiss naman ako tsaka tuluyang umalis. Unang bahay na pinuntahan ko ay yung kay Fiona dahil yun ang pinakamalapit. Pagkadating ko ay pinindot ko kaagad ang doorbell at binuksan naman yun ni Seth. Yung isa sa triplets. "Hi ate Leigh!" at niyakap niya ako "Asan ate mo? Tulog pa noh?" "Opo ata, hindi pa po bumababa eh." Pumasok naman kami sa loob. Naabutan ko si tita na nanonood ng TV. "Hi

